1: Filled with Czarina's Charm

125K 2.9K 671
                                    

CHAPTER ONE

Filled with Czarina's Charm

NAGSIMULA nang mapagod ang katawan ni Bari dahil sa paglilipat ng mga gamit. He hired some help from a moving agency. Ngunit gusto niya ring mismong mag-ayos ng mga gamit. Mula kaninang umaga hanggang sa dumating ang hapon ay hindi pa rin sila tapos.

            Umiinda na ng sakit ang buo niyang katawan na hindi naman ganoon kasanay na magbuhat nang mabibigat na bagay. Nararamdaman niya rin ang pagbilis at paghina nang tibok ng puso, literal. Hindi siya puwede sa mga ganitong gawain. But he wanted to experience doing stuff that requires physical strength.

            Napabuga siya ng hangin pagkababa ng isang malaking box na puno ng mga gamit niya pang-eskuwelahan. He's currently studying in Ateneo's graduate school, too, for his masterals. Napakahirap pagsabayin ng pag-aaral at pagta-trabaho, ngunit iyon ang gusto ng Papa niyang gawin niya.

            Tumayo siya ng tuwid at inilagay ang mga kamay sa magkabilang baywang. He managed to catch his breath after a while. Tagatak na siya ng pawis. Basang-basa na ang harap at likod ng suot niyang gray shirt.

            "Sir, kami na lang po ang magtutuloy," sabi ni Obel--isa sa mga nakuha niyang katulong sa paglilipat. "Magpahinga na lang po kayo. Tutal ay nauna na pong natapos ang kuwarto niyo sa itaas. Kumpleto na po doon at malinis na rin."

            "I'm alright," aniya rito. "I just need a little stop. Kaunti na lang naman..." Nilibot niya ang paningin sa buong bahay hanggang sa garahe. Bahagya siyang napakunot-noo.

            Hindi pa maayos ang lahat sa ibaba kumpara sa mga gamit sa itaas ng bahay.

            Why did he got this big house all by himself again?

            Bahagyang napapitlag si Bari nang makarinig nang malakas na pagkabagsak. Paglingon niya sa labas ng gate ay may malaking kahon ang bumagsak at nagkalat ang mga libro ng library niya sa daanan.

            Agad siyang lumabas ng bahay. "What happened?" he curiously asked the two helpers.

            "Sir, pasensya na po..."

            Hindi naman siya galit o ano. Nag-aalala lang siya na baka makaabala sila ng ibang residente na dadaan sa parteng iyon.

            Yumuko si Bari at nagsimulang magpulot ng mga libro. Ganoon din ang ginawa ng dalawang lalaki.

            Habang nagpupulot ay may biglang lumitaw na puting kamay na may hawak na libro sa harap niya.

            "Hi! I think this is yours also," ani ng isang malambing na tinig ng babae.

            Tumingin lang muna siya sa libro bago dahan-dahang inangat ang tingin sa may-ari ng tinig. When their eyes met...

            She smiled at him. "Hello. Are you our new neighbor?"

            Gustong mapangiti ni Bari. This feels like it happened before. Or maybe because this girl in front of him was the same girl who approached him first more than ten years ago.

            Tumuwid siya ng tayo at kinuha ang libro mula rito. "Thank you, young lady."

            Mas lumawak pa ang mga ngiti nito kasabay ng pagkislap ng mga mata. The innocence of her smiles is still there.

            Maliit na bata lang ito noon pero ngayon... bata pa rin ito kung ikukumpara sa edad niya. Hanggang dibdib niya nga lang ang taas nito. Pero mabuti na iyon kaysa noong hindi pa ito aabot hanggang baywang niya.

Fill Me More (More Trilogy # 3)Where stories live. Discover now