"Dyan lang sa tabe." simple kong sagot. Hinayaan ko lang na punasan ako ng babaeng ito.




"Siguro naman may name yung place na pinuntahan mo 'no?" sarcastic netong sabe. "Hala, talikod at mapunasan pati likod mo. Tsk! grabe ang pawis! Para kang nagtraining sa pawis mo oh."



"Tumakbo ako sa moro." ako.



"Ano?!" si jho na napahinto sa pag punas sa kin. "Pero bakit? Anong trip mo at naisipan mong tumakbo ng gantong gabe na?"




Humarap ako sa kanya kase tapos na rin naman akong punasan ni jhoana. "Wala lang. Gusto ko kaseng magpakapagod........Gusto ko ng mapagod........" saka tinitigan ko sya. "Pero parang di ko kaya...."




Nakipag titigan din sya sa kin. Si jho, na para bang gustong  basahin ang nasa isip ko at ako naman ay nagpepray na sana mapansin at maramdaman nya ako. May katagalan din kameng magkatitigan pero tulad kanina ay ako ang unang nagbawi ng tingin.



Tumingin ako sa watch ko. " 10 minutes before  12. Buti nakaabot pa ako 'no?" Muli ko syang tiningnan. "Happy birthday jhoana." pinasaya ko ang boses ko tas nagsmile sa kanya. "Mukhang may pinuntahan ka kanina ah." tas sinipat ko yung suot nya. "Yan ang suot mo? Ganda. Bagay sayo."



Kanina ko pang napansin yung suot nyang dress pagkapasok pa lang nya, siguro gift ni marci sa kanya. Ngayon ko lang kase nakita yan saka di masyadong trip ni jho ang dress kaya di sya ganong nagsusuot ng mga ganyan. Pero dude bagay sa kanya yung dress sakto yung tabas neto sa hubog ng katawan nya at di bastusin tingnan. Nice pick marci.




"S-si....Marci yung---"



"Alam ko." putol ko sa kanya. "A-ano?..... Masaya ba?" yung tinutukoy ko ay yung pabirthday ni marci sa kanya. "Nagtanong pa ako eh no, eh kitang kita naman na nag enjoy ka kanina. Suot mo pa rin nga yang dress na bigay nya sayo." sarcastic kong sabe.



"Di ko naman alam na si marci pala yung may paandar ng yun, beh kala ko talaga ay ikaw kaya nga nagulat ako ng makita ko sya dun." paliwanag ni jho.



"Talaga ba?" saka tumayo ako at lumayo ng onte. "Sabagay mas papaboran mo yung kay marci kase nga manliligaw mo sya kesa yung inihanda ko para sayo......Actually, buong team may ambag na tulong para sa surprised birthday ako sayo na di ko gano natutukan ngayon kase nga may reunion kame kaya hiningi ko ang tulong nila."




"Anong pinapaboran na pinagsasabe mo?" si jho na napatayo na rin. "Hindi ko nga alam na si marci yung may paganon eh, buong akala ko nga ikaw yun, kase ikaw lang naman ang lageng may paandar sa kin every bday ko."



"So dapat masanay ka na pala dahil meron ng gagawa ng ganyan sayo at di lang every bday mo kundi every may special occassion may mga paandar na si marci sayo." sabe ko.  "At ako, kelangan ko na rin sanayin ang sarili ko na meron ng IBA na gagawa non sayo."


"Beartiz, May problema ba tayo?" nakakunot noo na si jho na nakatingin sa kin.



"Wala. Wala tayong problema." ako at nag walk out. Ayokong sanang mag walkout kase feeling ko nababastos ko sya pero kase nauubos na naman ang pasensya ko at malamang ay sa away na ang tungo neto kung papatagalin pa namen ang usapan.



"Beatriz!" si jho na nakasunod pala sa kin at hinawakan ako sa kamay ko kaya napahinto ako sa pag akyat sa hagdan.  "Beatriz, wag ka ngang mag walkout." naiinis na po sya.  "Harapin mo nga ako." dagdag pa neto ng di ako lumilingon sa kanya.



Pilit nya akong pinahaharap sa kanya at dahil sa pagpupumilit ni jho ay napaharap nya ako. "What?" angal ko ng humarap ako sa kanya.



Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now