10. Forever Love

Zacznij od początku
                                    

Siya ba ang tinutukoy nito? Si Ruben nga ba ang nagsasalita o dinadaya lang siya ng kanyang pandinig?

Ilang sandali pa ay may lumapit sa kanya at kinalag ang piring sa kanyang mga mata. Kumurap-kurap siya upang maka-adjust sa dilim ng paligid. At tumambad sa kanya ang nakangiting anyo ni Ruben sa entablado. Base sa estruktura ng lugar, alam niyang nasa Kai's Bar and Grill siya. Nakangiti rin sa kanya ang mga miyembro ng Southern Fever at nasa kanya rin ang mga mata ng mga taong naroroon sa bar na iyon.

Habul-habol niya ang kanyang hininga habang nakatitig lang kay Ruben. Naka-bluetooth mic ito ngayon at naka-strap sa balikat nito ang gitara nito na kulay berde, ang paborito niyang kulay.

"Are you surprised, sweetheart? This is the modified version of the surprise I planned for you. Hiningi ko pala uli ang tulong ng mabait mong friend. I just can't sing without you. Maraming pagkakataon ang pinalagpas ko at hindi ko inamin sa'yo na mahal kita, Erisha. But I want to say it now, in front of all these people. I love you so much. At sana, sa pamamagitan ng awit na ito, malaman mo kung gaano kita kamahal," sabi nito at nag-intro sa gitara. Napakalakas ng hiyawan sa paligid.

Nakagat niya ang ibabang labi at pinigilan ang panginginig niyon. At sa kabila ng kaligayahan sa kanyang dibdib ay napaiyak siya. He called her his sweetheart and she loved the endearment. Hindi pa pala ito tapos sa pagbibigay ng sorpresa sa kanya. Nilingon niya ang katabing si Jheng. Nakangiti ito sa kanya at kumindat pa.

Muling bumalik sa entablado ang tingin niya nang kumanta si Ruben.

"I was just another lonely soul. Living my life in my own little world. I closed my heart, afraid of love. Until you came and I've never been the same," panimula nito. Tanging sa kanya lang ang tingin nito. Hindi niya napigilan ang paglandas ng luha sa kanyang pisngi. Inanunsiyo nito kanina na sinulat nito ang kantang iyon para sa kanya. Nakakataba ng puso.

"So hold me close, never let me go. I'll make every wishes on the stars for you. Take my hand, trust me with your heart. I'll keep every promise, since the day that I found you," pagpapatuloy nito.

Nagulat na lang siya nang bumaba ito sa entablado. Lumapit ito sa kinauupuan niya at huminto sa pagtugtog. Ang gitara nito ay inilipat nito sa likod. Pinatayo siya nito. Tanging ang tunog ng keyboard ni Marco ang nasa ere. Ginagap nito ang dalawang kamay niya at dinala iyon sa mga labi nito at hinalikan. Muli ay nagpatuloy ito sa pagkanta sa second verse.

"Here we stand, face to face. I looked in your eyes hoping you will say yes. As I make my vow this day. Forever and ever, I'll be here to stay. Because I love you. I need you. I live my life for you..."

Huminto ito sa pagkanta. Biglang tumahimik ang buong paligid. Huminto rin sa pagtugtog ang mga kasama nito sa banda. Ang lahat ay tila nasasabik sa susunod na mangyayari. Kumilos ang isang kamay nito at may hinugot sa bulsa ng polo nito. It was a diamond ring. Nanlaki ang mga mata niya at maang na napatitig lang sa singsing na hawak nito. Ibinalik niya ang tingin sa nakatinging mukha nito.

Binasag ng boses nito ang katahimikan sa paligid. "Isinara ko ang puso ko sa mahabang panahon. Ngunit isang babae lang ang exempted doon at malayang nakakapasok. It's you. Will you let me in your heart and in your life forever too?"

Natutop niya kanyang bibig at sunud-sunod na tumango. "I-I do. I-I will! Oh my God! I can't..I can't believe this is happening!" sagot niya sa pagitan ng hikbi. Hinayaan niya itong isuot ang singsing sa kanyang daliri.

Hindi niya napigilan ang sariling humagulgol. Alam niyang luha iyon ng kaligayahan. Mabilis siyang niyakap nito kasabay ng muling pagkabuhay ng musika.

"So hold me close, never let me go. I'll make every wishes on the stars for you..." pagpapatuloy nito sa kanta. Umaapaw sa tuwa ang kanyang puso.

-----------------------

Six months after...


"MANY times in my life, I felt as if an angel walks with me. Leading me to the one who'll be taking over demands. Someone who's strong, someone who will love and understand. Someone who accepts me as I am and will love me for that. Just for that," panimula ni Erisha sa kanilang wedding song habang naglalakad siya sa aisle ng simbahan kung saan dinadaos ang seremonyas ng kasal nila ni Ruben.

Ang mga magulang ni Ruben ang kasabay niya sa paglalakad. Ang mga ito ang maghahatid sa kanya sa lalaking mahal niya mula noon hanggang ngayon. Bakas din ang kaligayahan sa mukha ng mga ito.

Mula sa kinatatayuan niya ay nakikita niya si Ruben. As handsome as he had always been. Bagay na bagay dito ang suot nitong coat and tie na kulay itim. Katabi nito ang best man nitong si Jigs na naka-barong. Ang lahat ng mga tao sa simbahang iyon ay nakatingin sa kanya. Bakas ang kaligayahan sa mukha ng mga ito. Including Jheng na siyang maid of honor niya.

"Here you are, my destiny. Nothing comes between us. Let's make a promise we will always stay this way," aniya at ipinagpatuloy ang maituturing na pinakamahabang paglalakad sa buong buhay niya. She wanted to rush into Ruben's arms ngunit alam niyang hindi iyon magandang tingnan para sa isang bride.

"Do you know love was made for us? Only fairy tales come close enough. A love created in heaven. In my dreams, I've never been even near to the feeling you give to me. I believe that we are too strong to break our trust. Do you know love was made for us?"

Sa wakas ay natapos rin ang bridal march. Hawak na niya ngayon ang kamay ni Ruben matapos silang magmano sa mga magulang nito.

"I love you," bulong nito sa kanya habang inalalayan siya tungo sa altar kung saan naroroon ang alagad ng Diyos na magkakasal sa kanila.

"I love you too," tugon niya.

"I'm dying to kiss you," bulong uli nito at napatitig sa mga labi niya sa kabila ng suot niyang veil.

"Me too," bulong din niya at pilyang ngumiti dito.

Bumuntunghininga lang ito sa pagnanais na kontrolin pa ang sarili habang pinapakinggan nila ang mahabang seremonyas ng kasal. Ilang beses silang nagpalitan ng makahulugang tingin ni Ruben hanggang sa matapos ang seremonyas.

"Can we possibly escape?" tanong nito nang sa wakas ay inanunsiyo na maaari nang halikan ng groom ang kanyang bride.

Mahina siyang tumawa at napailing. "May reception pa. Magtataka sila kung bigla tayong mawawala. May mga seremonyas pa doon eh. Like slicing of the cake, ceremonial toast, magpapalipad pa tayo ng kalapati at kung anu-ano pa."

He groaned in frustration. "When can I have you all for myself?" naiinip na tanong nito.

"From this day onwards," nakangiting sagot niya at sinapo ang pisngi nito.

Napangiti na rin ito at muling inangkin ang kanyang labi. "I'll count on that," anito.

Everyone cheered when they finally faced the crowd. Siya na siguro ang pinakamasayang bride sa buong mundo nang mga sandaling iyon. Not everyone gets to marry their bestfriends. She is definitely an exeption. Alam niyang magiging maganda ang pagsasama nila ni Ruben. There will be rough roads ahead ngunit batid niyang hangga't magkasama sila, malalagpasan nila lahat ng pagsubok na darating.

*WAKAS*


_________________________________

Minsan, writers write love stories para mabigyan ng magandanang ending ang isang failed love story in real life. May mga bagay sioguro na hanggang pangarap na lang talaga...pangarap na hindi na magkakaroon ng katuparan. I hope you  love Ruben and Erisha's story. Isusunod ko na ang kwento ni Kristoff, ang lalaking pinaglihi sa sama ng loob. LOL. 

By the way, ang title ng book na ito ay hango sa title ng isang wedding song "LOVE WAS MADE FOR US". Pakinggan nyo hihihi

Ciao!

xoxo

Love Was Made for Us [PHR]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz