Kinuha ko ang isang upuan at naupo sa harap niya. Kinuha ko ang kamay niya ay paulit ulit itong hinalikan.

"Si baby nga pala. Kamusta?" Nag-aalala niyang tanong sakin.

"Okay lang. Hindi siya napahamak, Malakas si baby." Sagot ko sa kanya kaya naman napangisi siya. Kinain kami ng katahimikan. Wala ni isa man samin ang nagsalita.

"Oo nga pala. I'm a little bit pissed," Bulong ko para tumingin siya sakin ng nagtataka at nagtatanong. "Alam mo bang nasaktan ako nung si Dashton ang una mong hinanap imbes na ako?" Tanong ko sa kanya.

"I'm just joking. It's just a prank--"

"Hindi ako tumatanggap ng sorry," Sagot ko sa kanya kaya napanguso siya.

"What do you want then?" Tanong niya sakin.

"Kiss me." I commanded. Hinawakan niya naman ang shirt na suot ko at hinatak papalapit sa kanya at hinalikan ako.

"I missed kissing your lips, baby.." I said in between our kisses. Nang kumalas siya sa halik namin ay nakita kong medyo pumula ang labi niyang kanina ay sobrang putla.

"Is that okay para patawarin mo 'ko?" Tanong niya sakin na medyo naghahabol pa ng hininga pero umiling ako dahilan para kumunot muli ang noo niya.

"Ituloy na natin yung kasal natin," Malambing na hiling ko sa kanya.

Tinakpan naman ng palad niya ang mukha niya bago sumagot. "Basta ba ikaw ang groom. I'll choose both."

"I'll take that answer as a yes." Sabi ko sa kanya at niyakap ulit siya.

"Hindi ba kami invited?"

Sabay kaming napalingon ni Kas sa nagsalita at nakita ko doon ang babaeng sumira sa relasyon naming dalawa.

"M-mama," Tawag ni Kas sa nanay niyang nakatayo sa pinto ng kwarto. Ang kaninang magandang mood ko ay nawala bigla at napalitan ng pag-aalala. Pag-aalala na baka paghiwalayin niya kami. Na baka hindi sila pumayag dahil sa away nila ng pamilya ko at baka ilayo nila sakin ang mag-ina ko.

Pero kung mangyari man yon, Ipaglalaban ko sila. Sapat na yung halos tatlong taon na paghihiwalay namin ni Kas, at hindi ko na dadagdagan pa 'yon.

Ang bilis ng tibok ng puso ko, nag-aalala akong tumingin kay Kas. Hinawakan niya ang kamay ko at nginitian, para bang sinasabi na wala dapat akong isipin. Humigpit ang kapit ko sa kanya ng makitang papalapit sa amin ang magulang niya.

"K-kamusta kana? A-anong nangyari sayo?" tanong ng mama niya sa kanya pero tumitig lang siya dito.

"A-anak, may problema ba?" Tanong niya pa kay Kas pero hindi siya nito sinagot.

"Anak, Kausapin mo naman si Mama--"

"Bakit? Para sabihan ulit ako ng mga maling inpormasyon?" Pagsisimula ni Kas. "Para ilayo niyo ulit ako kay Sex dahil sa away ng pamilya natin? Para ipagkanulo ulit ako sa Dashton na yon?" Basag ang boses ni Kas ng sabihin iyon. "P-para sabihan ulit ako ng mga kasinungalingan na halos pinaniwalaan ko ng tatlong taon?"

"A-ano bang sinasabi mo--"

"Ma, hindi mo alam kung anong klaseng takot at hirap ang dinanas ko sa pamilya nila Dashton," pinunasan ni Kas ang luhang lumandas sa pisngi niya. "Sinaktan nila ako, ma. Dahil sa 'yo, pinahirapan nila ako."

"A-anak," sinubukan ng mama niya na hawakan siya pero si Kas mismo ang lumayo. Hinalikan ko ng paulit ulit ang palad niya.

"Naging kabit ka ng tatay ni Dashton, hindi ba?" Mapait na tanong ni Kas. Fuck. Masakit para sa akin ang makitang umiiyak ang nag iisang mahal ko. "Dahil sa 'yo ma. Binugbog ako ni Tita Martha. Binenta ako ng anak niya sa sindikato at binastos ng napakamaraming matanda sa bar."

I'm sorry, baby. Kung hindi ako umalis noon. Hindi mangyayari sa 'yo ang lahat ng 'yan.

"I'm sorry," I whispered.

Lumuluha na rin ang mama niya. Hindi alam kung saan sisimulan ang lahat.

"'Wag niyo na itanggi. Totoo naman 'di ba? At may goodnews pala ako na sa tingin ko bad news para sa inyo," Pekeng ngumisi si Kas sa kaniya. "Nakaalala na ako. Naalala ko na lahat ng pinaggagawa niyo sakin-- or I should say sa amin ng asawa ko."

Asawa?

"A-asawa?" Hilaw na tumawa ang mama niya na parang hindi naniniwala.

"Yes, Asawa. At magkaka baby na kami. Kaya please lang, Kung paghihiwalayin niyo ulit kami 'wag niyo na ituloy kasi hindi niyo na ulit magagawa 'yon." Sabi pa niya dahilan para manlaki ang mga mata ng mga magulang niya at umiling na na animo'y hindi ito naniniwala. Ngumuso naman ako para pigilan ang pag-ngisi dahil sa sinabi niya.

Pwede ko na bang iuwi si Kas? I want to kiss her all day. Damn it.

"Ano bang sinasabi mo? Ano bang pinakain sayo ng lalaking ito ha? At a-anong baby?" Napatingin kami sa lalaking kakapasok lang, may edad na ito pero kitang kita ko pa rin ang pagkakahawig kay Kas.

"Magkakaanak na kami," Sagot ko at hinawakan ang kamay ni Kas.

"Nagpabuntis ka sa lalaking ito?"

"Papanagutan ko naman po siya." Sagot ko. "And I'll marry her, kahit na hindi kayo pumayag. Kahit na hadlangan niyo kami." Sagot ko ng may sinseridad at paninindigan.

"No you can't--"

"Yes, I can. So can you give us your blessing?" Tanong ko sa kanila.

I can marry her without their blessing. Pero gusto kong hingin yon sa kanila para kay Kas. Kahit na may ginawa silang hindi maganda samin ni Kas, Gusto kong bago kami ikasal kahit papaano ay maayos ang kahit kaunting gusot sa pamilya nila at sa pamilya namin.

"Alam ko namang ayaw niyo, pero wala na kayong magagawa. Nakaalala na siya. Magkakaanak na kami at magkakaapo na kayo," bumuntong hininga ako. "At gusto ko po kayong igalang bilang mga magulang ng babaeng mahal ko." Seryosong sabi ko sa kanila. Ilang minutong katahimikan ang namutawi bago magsalita ang papa ni Kas.

"Ano pa bang magagawa ko? Ayokong lumaking walang kinikilalang ama ang unang apo ko." Sabi niya. Halatang nagpatalo na at wala ng magagawa.

Tinignan naman naming tatlo ang mama ni Kas. Hinihintay ang magiging sagot niya.

"A-anak," panimula niya. Lumuhod siya sa kama ni Kas at umiyak. "P-patawarin mo 'ko. Kung alam kong mangyayari sa 'yo ang lahat ng 'yon, hindi na sana ako nagtiwala sa pamilya Rico Puerto." Humawak si Kas sa dibdib niya, tinignan ako habang umiiyak rin.

"Masakit," she mouthed while crying. Umalis ako sa tabi niya at nilapitan ang mama niya.

"Please stand up," tumingin sa akin ang mama niya. "Hindi ganyan kasama ang anak niyo para hayaan kayong lumuhod sa harapan niya." Binigyan ko siya ng tipid na ngiti at inalalayan sa pagtayo.

"M-mama," himihikbi na tawag ni Kas sa ina niya. Lumapit ito sa kanya at niyakap siya. "Huwag mo na akong iiwan ah?" Parang batang sabi ni Kas, nagsusumbong sa mama niya. Mabilis na tumango ito at hinaplos ang buhok niya. "M-mahirap lumaban kapag wala ka sa tabi ko." She cried.

"Patawarin mo ako, anak."

"Forgiven," Kas whispered. Napangiti ako.

She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon