"Tama na po." I cried.

"Ayan ang bagay sa 'yo! Manang mana ka talaga sa ina mo!" Sigaw niya at hindi tinigilan ang paghampas sa iba't ibang parte ng katawan ko.

"Wala kang kwenta! Mas mabuti pang sumunod kana sa nanay mo, magsama kayo sa impyerno!"

"Martha, tama na."

Napatingala ako nang pigilan siya ni Tito Francis. Binawi ni tito ang kahoy sa pagkakahawak ni Tita. Sumunod na pumasok si Dashton at agad akong dinaluhan.

"Pinipigilan mo ako? Bakit, kaano-ano mo ba yan? Anak lang naman yan ng kabit mo!" Sigaw ni Tita Martha kaya napuno ng pagtataka ang buong pagkatao ko.

"Magpagaling ka, babe." Sabi sa akin ni Dashton habang sinusubuan ako. Nagkaroon ako ng ilang pasa dahil sa nangyari.

"Kabit ng tatay mo ang nanay ko?" Tanong ko sa kanya. pakiramdam ko, kulang na kulang ako. Ang daming parte ng pagkatao ko ang nawawala. Umiling siya.

"No. Problema nila 'yon. Labas tayo sa lahat ng 'yon, babe." Sagot niya at hinalikan ang palad ko. Hindi ko alam kung ilang araw ko ba hindi nakita si Dashton, pero ngayon ay parang nag-iba siya.

Pumayat siya ng sobra, lubog ang mga mata at namumula pa ang mga ito. Gusot gusot ang damit at magulo ang buhok. Ibang Dashton ang nasa harapan ko, malayong malayo sa kilala ko. Natatakot ako. Gusto ko nang umalis sa impyerno na 'to.

"I have a suprise for you," Dashton whispered. Nangilabot ang buong katawan ko ng maramdaman ang hininga niya malapit sa tainga ko.

Inalalayan niya ako palabas. Huminto kami sa tapat ng gate nila. Inilibot ko ang paningin ko pero wala naman akong nakitang kakaiba. Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin.

Kakaiba ang kilos niya, hindi mapakali sa kinatatayuan. May cellphone sa tainga at palinga-linga sa paligid.

"W-wala naman supresa dito, Dashton." Sabi ko sa kanya. Papasok na sana ulit ako sa loob ng bahay pero pinigilan niya ako. Niyakap niya ako patalikod at may itinakip na panyo sa ilong at bibig ko.

"I love you," bulong niya. "Kailangan ko lang talaga, babe. I'm sorry."

Pinilit kong kumawala pero nanghihina ako. Unti-unting nilamon ng kadiliman ang buong pagkatao ko.





It's been two days since that accident happened. Dalawang araw na rin ako sa hospital.

"Baby, Please wake up. Hindi ka ba napapagod kakatulog?" Pagkausap ko kay Kas na nakahiga sa hospital bed na magdadalawang araw ng walang malay.

Pagkadating nung ambulansya non, Wala na siyang pulso. I thought she's already gone pero nagkaroon ata ng isang milagro dahil habang nasa byahe kami papuntang hospital ay nagkaroon siya ng pulso pero hindi pa rin nagkakamalay.

Para lang siyang natutulog at walang sakit na iniinda habang pinagmamasdan ko siya. Napakaamo ng kanyang mukha.

"Ako na muna ang papalit sa 'yo. Umuwi ka naman sa bahay mo." Napalingon ako at nakita ko doon si Six na nakasuot ng uniporme ng doctor na kakapasok pa lang sa kwarto na kinalalagyan ni Kas.

"No. I'm okay. Baka gumising siya tapos wala ako sa tabi niya."

"Ilang beses mo nang sinabi yan, Sex. Kumain ka kaya muna? Abnoy ka. Magigising nga yang mag ina mo ikaw naman magkakasakit na." Sarkastiko niyang sabi sakin dahilan para samaan ko siya ng tingin.

"So what?"

"So what your ass. Gusto mo ba sapakin pa kita umuwi ka lang?" Sabi niya sakin.

"Punch me then. Gagantihan naman kita." Sagot ko sa kanya at muling ibinalik ang tingin ko kay Kas. Narinig ko ang pagbuntong hininga ng kakambal ko at ang pagsandal niya sa lamesang nasa tabi ko lang.

"Maswerte ka. Malakas yang mag ina mo. Out of the blue nagkapulso si Kas, Samantalang ang anak niyo naman malakas ang kapit kaya hindi napahamak." Maya maya'y seryosong sabi niya na nakapagpangiti sakin.

"I know.." Mahina kong sagot at hinawakan ang kamay ni Kas at dinala iyon sa labi ko upang halikan.

"You really love that woman, don't you?"

"Did you know? Matagal ko na siyang kilala.." Sabi ko kay Six na ngayon ay nakatabingi ang ulo at halatang nagtataka.

"W-what do you mean?"

"Siya yung girlfriend ko three years ago na ayokong ipakilala sayo." Natatawa kong sabi sa kanya.

"Seriously?"

"Yeah. Siya yung ayoko ipakilala sayo noon kasi baka magandahan ka at pormahan mo. Sila mommy at daddy lang yung nakakakilala sa kanya." Sabi ko sa kanya.

"Do you remember the Asher family, yung naging patient mo last year?" Tanong ko sa kanya at tumango naman siya.

"They're Kas Family." Mahina kong sabi sa kanya. "I really don't like them. Hinayaan nila si Dashton na lokohin si Kas at bigyang ng maling detalye sa buhay dahil lang sa ayaw nila sa pamilya natin."

"Sila yung naging kaaway ni Daddy dati diba?" Nanlalaki ang mata niyang tanong sakin at tumango naman ako.

"I knew it! Kaya pala nung nalaman nila ang apelyido ko ay nagpalipat agad sila sa ibang family doctor!" Sabi niya at sumapak pa sa hangin.

"Ayun ang rason kaya hindi nila sinabi sakin na nagka amnesia si Kas noon at hinayaan si Dashton na magasikaso sa kanya. Malaki ang galit niya sa mga 'Gray' pero dahil iba ang apelyido ni Dashton ay wala siyang pake at botong boto pa sila sa kanya." Naiinis kong sabi sa kanya. "And look at her. Ang Dashton na gusto nila ang gumawa nito sa anak nila."

"At maniwala ka man o hindi, hindi nila alam na ganito ang nangyari kay Kas ngayon dahil tiwalang tiwala si sa gagong Dashton na yon."

"Nakalimutan ko. Nasa korte pala ang gagong yon. Inaayos na ni West lahat ng gusto mo. Makukulong na yon." Nakangising sabi niya sakin.

"Siguraduhin mo lang." Seryosong sagot ko.

"Sigurado yon. Isa ata sa magagaling na lawyer si West." Pagmamayabang niya sakin.

"Hmm."

Agad akong napalingon kay Kas na umungol kahit si Six ay napatayo ng maayos at tumingin din kay Kas.

"H-hey.." Natataranta kong sabi kay Kas.
Dahan dahang dumilat ang mga mata niya na pumupungas pungas pa dahil sa liwanag na nanggagaling sa ilaw.

"You're awake!" Sabi ko at mahina pang napamura dahil nagising na siya. Finally, my wife, pero kaagad nawala ang sayang nararamdaman ko nang marinig ang una niyang sinabi.

"S-sino ka?" Napapaos pa niyang tanong sakin dahilan bumagsak ang balikat ko at kumirot ang puso ko na parang milyon milyong karayom ang tumusok roon.

She's MineWhere stories live. Discover now