OS: What If (Virence)

2.2K 39 2
                                    

WARNING: before u proceed on reading this book i want u to be reminded that this book contains so many mature things and also excuse my poor writing/narrations and my grammatical errors and mistake since i wrote all of this with my young immature self  so im very sorry for that. Also this book contains some unusual and fictional stuffs so if ever u were uncomfortable with it u can just skip or stop reading hihi that's all. enjoy reading!

NOTE: The author's or actual people's views and opinions do not necessarily reflect those of the characters. All of this is a work of FICTION. Thank you very much! <3

______________________________________________

Terrence's POV

Nakaupo lamang ako sa aking malaki at malambot na sofa, nakatitig lamang sa orasan at inaabangan na tumapat ang maliit na kamay sa alas dose.

Taimtim ko lang tinititigan ito kailangan kong abangan ang minamahal ko malapit na ulit kaming magkita.

Kung nagtataka kayo kung sino? Well sya lang naman ang pinaka magandang baklang komedyante sa buong mundo.
At sya si Jose Marie Viceral,Pero ang gusto nyang itawag sakanya ay Vice Ganda.

Medyo matagal ko syang hindi nakita eh, pero sa totoo lang mga ilang oras lang pero para saakin parang taon na ito, sabihin nyo nang corny?Okay lang naman eh totoo kasi, pero kahit anong mangyari mahal ko padin sya.

(Italic -Flashback)

1st

"Hi nga pala sayo, alam ko wala kayong training ngayon" saad ng mahal ko sabay ngiti.

Napangiti naman ako alam talaga nya kung kailan kami may training at kung kailan wala.

2nd

"Nagpapa cute kananaman siguro nanonood sya noh?" saad ni Vhong kaibigan ni Mahal

"Huy baliw! Hi sayo, hahahahaha"bigla nyang sabi ngunit bumati parin at tumawa.

Masaya ako basta masaya sya.

3rd

"Bat bigla kang tumahimik? Siguro nanonood nanaman, kanina harot harot mo eh"saad ni Vhong, napangiti naman ako.

"Naitext eh hahahahaha"sabi nya sabay tawa at ngumiti sa camera.

4th

"Huy Viceral tama na kakatext!!" sigaw sakanya ng bestfriend nya si Anne.

Napangiti nanaman ako hanggat sa may narinig akong tunog mula sa isang cellphone.

*ting!*

5th

"Ikaw ba anong tawagan nyo ng jowa nyo?" tanong sakanya ni Vhong.

"Kami? Hihihi Ano, Mahal" sabi nya sabay ngumiti.

Napakaganda talaga ng mahal ko..

Yan lamang ang ibat ibang mga pangyayaring sobrang kinakiligan ko,napaka simple pero ang sweet nya.
Sana lagi syang maging ganyan.

Kahit sa isang simpleng mensahe nya habang naka air sila nakakalambot ito ng puso at lalong nakakainlove.

Yung feeling mo bumalik ka sa pagkateenager mo nararamdaman ko tuloy bagets parin ako, ganon kasarap ang feeling ng mainlove....

12:15 pm

Ayan na, binuksan ko na ang telebisyon at nagsimula ng manood. Ng opening production na ang mga hashtags at girltrends, kumanta narin sila ng theme song ng show nila pero may napansin ako.

Bakit, bakit wala si Mahal? Agad kong tinignan ang twitter ko kung may tweet ba sya tungkol sa pag absent nya.

Wala naman, Ano kaya yung dahilan nya. Baka siguro pagod lang rumampa kasi sila kagabi. Dapat kasi hindi na sya umiinom eh masama para sakanya yun eh.

Maya maya ay pumasok na ang kaibigan ko na aking roommate dito sa dorm namin. Actually tatlo kami hindi ko lang alam kung nasaan yung isa.

"Oh,pre hindi kaba sasama?" tanong saakin nito sya si Mike.

"Saan?" sagot ko rito kasi wala talaga akong ideya sa mga sinasabi nya.

"Sa gala ng barkada?" tumango ako at akmang tatayo na.

"Teka, sasama ba si RR??" tanong ko rito.

"Ayy yun ba? Hindi daw pare eh may date daw sila ng girlfriend nya" sagot saakin nito medyo sumakit ang damdamin ko pero isinawalang bahala ko lamang ito.

Nagbihis na nga ako at sumakay na ng kotse kasama ko si Mike nasa driver seat sya at ako naman ang nasa tabi nya.

Nakatingin lang ako sa kawalan habang nagiisip kailan kaya ako idadate ni Mahal? Hay nako naman Terrence ano ba yang pinagiisip mo hinding hindi mangyayayri yun noh!

Kasi sikat yung mahal mo ayaw nyang ma issue kayo kasi prinoprotektahan ka nya yun lang ang dahilan kung bakit hindi kayo nagdadate..

"Huy pre! Sina RR oh kasama nya yung girlfriend nya ang ganda noh?" saan kahit papaano makahanap din ako ng ganon sana makahanap ako ng babae katulad ni Vice...

Kumirot ang aking puso ngunit tanggap ko, Oo hindi ko naman talaga sya nobya eh nangangarap lang ako..

Yung tungkol sa yung pagbati nya sa telebisyon at sinabing walang training? Si RR naman talaga yun magkadorm kasi kami at madalas o lagi pag wala kaming training nanonood kami ng Showtime pareho kasi kami ng Team eh.

Yung sa nagtetext sya? Hindi naman talaga para saakin yun eh para kay RR kaya tuwing magtetext sya maririnig ko kasi magkadorm lang naman kami kaya hindi malabong hindi ko marinig yun.

Yung sa mahal ang tawagan? Sadyang ginaya ko lang ang tawagan nila pag naririnig ko silang naguusap minsan nga inisip ko na sana ako nalang yung kausap nya, yung tatawagin nyang mahal, ngingitian nya at higit sa lahat ay mamahalin nya.

Lahat ng bagay tungkol sakanya hindi totoo pero alam nyo kung ano yung totoo? Yung pagmamahal ko sakanya kahit kailan hinding hindi ito magiging kasinungalingan dahil ito ang katotohanan.

Kung sana lang hindi ako naunahan ni RR sa paglapit sayo nung nanonood ka ng laro namin? Panigurado tayo ang nagkatuluyan at ako sana ang mamahalin mo.....


The End.

_________________________________________

Vomment! <3

twitter: @gorgbyh

insta: @gorgbyh

Colecciòn Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon