Chap.43

2.2K 129 4
                                    

Zylphire's POV

Tinakbo namin ang Mall galing sa school!

Well not literally.. Hehe nag jeep kami! Ansaya. Here's a rundown.

*plashbak*

Pag kasakay namin sa Jeep:

"Asan ang bayad?"tanong ko sa dalawa.

Nag katinginan sila.

Napa face palm ako.

"Wala kayong dala?!"bulong ko sakanila.

"Malay ba namin na hahabulin tayo nung boypren mo."bulong ni Austin.

Inirapan ko sila. Kinapa ko ang bulsa ko.

Nilabas ko ang fifty pesos!. Nasa bag ni Calix ang wallet ko! At eto ung sukli sa pinambili ko nang Pizza!

"Ikaw mag abot."sabi ko kay James. Inabot ko sakanya ang Fifty.

"Ikaw na! Iaabot mo lang eh!"sabi ni James!

"First time kong mag jeep! Ikaw na!"sabi ko.

Hindi nya kinuha.. Handa na akong sumigaw nang bayad ho nang unahan nya ako!

"Bayad ho!!" Sabi ni James. Sinamaan ko sya nang tingin sabay abot ko sakanya nang pera!

"Saan ang fifty?"tanong nang draybur.

"Kakaabot ko lang ah! Nawala na?"tanong ni James.

I snorted.

"San kako galing ang fifty?"tanong nang draybur.

Tumingin ako kela Austin.

"Sa Bulsa ko ho!"sagot ko.

Nag snort yung dalawa.

"hindi ija. San kako kayo sumakay." paglilinaw nya pero malabo paren!

"Sa Jeep nyo ho diba?"tanong ko.

Siniko naman ako ni Austin.

"Whut."sabi ko sakanya.

"San kayo galing kako!"sabi nang draybur.

Chismoso ni kuya! Badtrip!

"Sa school ho! Tinakasan namin ung mga kaklase namin!"inis na sabi ko.

Siniko ulit ako ni Austin.

"sa east high ho kami galing."sabi ni Austin.

Nanahimik na ako. Pero nag sisikuhan pa kami ni James!

"San ang baba nang singkwenta?"Tanong nanaman nang Draybur.

"Naglalakad?"gulat na tanong ko! Baba daw nang singkwenta eh!

"ija. Saan ang baba nyo?"tanong ulit nang draybur.

"Sa Mall ho." Sagot ko. Ako lang naman ang babae saming tatlo eh.

Nanahimik na kami. Maya maya lang. Sa labas nang mall.

"May bababa ba??"tanong ni kuyang drayber.

"Wala ho."sabi ko nang mag umpisa nang bumaba si James.

"Bababa na kayo?"tanong nung Drayber.

Huta?

"Hindi ho! Sasakay palang ho kami! Pasok James! Babalik tayo sa school!" Sabi ko.

Me And My Boys [Fire #1]Where stories live. Discover now