Chap.5

4K 200 7
                                    

Kayo na bahala mag. V.C AT S.

Zylphire's POV

Salamat at nakauwi na kame!!! Grabehan ah!

"Oh. Dito na kayo. Wag pasasabugin ang bahay ah?" Sarcastic na sabi ni Tito Yuan.

"Wag magsisigawan ng madaling araw, para kayong mga manok eh." Sabi pa ni Tito Jairo.

"At wag maging Eskandaloso't Eskandalosa na tanghaling tapat. Nakoo abot sa bahay ang ingay nyo eh" Sabi pa ni Tito Vion.

"Ay basta kung may kailangan kayo tawag nalang kayo samin. Wag mag aaway away ah! Prends prends kayo eh. Walang titibag." Sabi pa ni Tito Xairo.

At naghihilahan sila pumasok sa mga kotse na dala nila.

Pumasok na kami sa bahay.

"Nagugutom na akoo!!!" Sabi ko nang makaupo ako sa Sofa.

"Ako rin eh. Wala na bang pagkain?" Tanong ni Yuri.

"Sa Ref. May iaang box nang kisses dun." Sagot ni Jayden.

Nagkatinginan kami ni Yuri bago naguunahan na lumapit sa Ref.

"Obobs. Bat mo sinabi." Dinig namin sabi ni Austin kay Jayden.

"Aray! Over over maka Obobs beh! Tagos sa backbone!" React ni Jayden na paniguradong inakting pa yung sinabi nya.

May humawak sa collar ng uniform ko kaya napatigil ako. Pati narin pala si Yuri na may sound effects pang akala mo malalagutan na nang hininga.

"Isang box yun. Wag mag agawan ha?" Sabi ni Calix tsaka ako unang binitawan. Sinubukan pa akong abutin ni Yuri pero hindi nya ako naabot.

Nang makita ko ang box ay binuksan ko yun. Kumuha ako ng tatlong balot at nilagay sa ref. Hawak padin ni Calix si Yuri. Bumelat ako sakanya tsaka ko tinakbo yung box nang kisses papunta sa kwarto.

"MADAYA! MADAYA! NAPAKA!" Dinig kong sigaw ni Yuri.

Di ko sya pinansin at kumain nalang.

---

"Pahiram nga nang notebook" Sabi ko kay Calix. What? Eh sya yung katabi ko eh.

Tinaasan nya ako nang kilay. "Para saan?" Tanong nya.

"Hehe wala akong dalang notebook." Sabi ko.

"Anong laman ng bag mo?" Takang tanong nya.

"Yung mga kisses hehe binitbit ko lahat." Sagot ko.

Inirapan nya ako saktong tinawag ako ni Mam Leyt.

"Miss Fernandez."

"Po." Sagot ko tsaka ako tumayo.

"Ano ang dahilan ng pagkamatay ni Lapu Lapu??" Tanong sakin ni Mam.

Ay takte.

"Uhh hindi ko po alam, hindi nya po sinabi sakin kung ano eh."inosenteng sabi ko, sorry ka miss di ako nakikinig sa klase mo.

"Umayos ka Fernandez."banta ni miss kaya napa isip agad ako.

"Uhh leukemia? may leukemia po ba siya?" Alinlangan kong sagot na nagpatawa sa mga kaklase ko.

"Nays nays!" Kantyaw ni Yuri.

"Talino talaga ni Bebe gurl oh!" Gatong ni Jayden.

"Ay pak na pak ang score mo sa recitation ateng!" Dugtong ni Jandrei.

"Nakinig ka ba kanina Ms.Fernandez?" Tanong ni Mam.

"Opo naman yes mam. Joke lang po yun." Palusot ko sabay tingin sa wall clock. "Ding ding ding.. Uy Lunch na pala?" Pagsabay ko sa bell.

Bumuntong hininga lang si Mam. Tsaka sya lumabas ng room.

Napatingin naman ako sa mga kaibigan ko na tumatawa.

"Tawa kayo dyan. Sige nga Yuri, ano nakapatay kay Lapu Lapu?" Panghahamon ko.

"Kala mo ah. Kala mo ah! Tuberculosis!" Mayabang na sabi nya.

"Obobs. Ako sasagot!" Sabi ni Austin at tinulak si Yuri. Naglalakad na kasi kami papunta sa Cafeteria. "Cancer! Stage 6!"

"Share mo lang" Pambabara ni Vince.

Sumimangot si Austin. At nagreklamo kung bakit lagi syang nababara. Tinawanan lang namin sya.

Habang umo-order kami ng pagkain---sila lang pala. Nilibre nila ako hehe.

"Pati yun! At yun! Tsaka yun! Isama mo na rin yun! Tapos yun pa!" Turo ko sa mga gusto kong kainin.

"Parang di kita pinapakain sa bahay ah!" Reklamo ni Calix.

Nag peace sign lang ako pero in-order parin naman nila lahat nang sinabi ko.

"Ohmygod. She's so baboy." Sabi nang isang babaeng puno nang makeup ang mukha.

"Wag mo nang pansinin." Sabi ni Vince nang makitang sasagot ako sa clown.

"Tss. Panget nya." Sabi ko nalang. Ginulo ni Vince ang buhok ko at dinala na nila ang mga pagkain sa lamesa namen.

"Grabe. Pahirap ka eh no!" Reklamo ni Yuri.

"Para masanay ka. Mag we-waiter ka diba?" Pangaasar ko.

"Sa talino kong to. Mag we-waiter lang ako? Hindi ah! Dapat ka nang kabahan! Papalitan ko na si Einstein." Mayabang na sabi ni Yuri.

Nag kunyari akong nasusuka.

Binato nya ako nang green peas.

"Ang taas din nang pangarap mo Yuri eh no? Alam mo para wala kang problema mag tindero ka nalang." Sabi ni Jayden na kumakain na.

"Ano namang ititinda ko? Katawan ko? No thanks." Maarteng sabi ni Yuri.

Bakla ba tong mga to? Antataray! natalo pa ako.

"Ay wala nang bibili sayo." Sabi naman ni Jandrei.

"Malulugi ka lang" Sabi ni Austin.

Sumimangot si Yuri. Sus di pa nasanay.


"Magagantihan ko din kayo balang araw." Sabi nya.


"Oh? Kelan naman yan?" Pangaasar ni Vince.


"Sa November 17!" Sigaw nya samin tsaka sya bumelat.




"Oh? Ang alam ko pagkatapos nang November 16 ay November 18 agad?" Pangaasar ni Calix.

Binato kami ni Yuri nang peas at binato namin sya nang kung ano mamng napulot namen.


"Ahh. So you are all ganging up on me na ha." Pagi-english ni Yuri.

Binato ko sya nang tissue. Sabay palakpak


"Galeng ah. Ilang araw pinagaralan?" Sabi ko sabay tawa.


"Mga tatlong linggo siguro." Sagot ni Calix kaya tumawa kami nang malakas habang kunyaring sinaksak ni Yuri ang sarili nya gamit ang imaginary knife nya.

---

V. C. AND S! KAYA NYO YAN! TENKYU BERIMATS.

-ALEXAA

Me And My Boys [Fire #1]Where stories live. Discover now