Chap.3

4.9K 186 10
                                    

Lam na.

Zylphire's POV

"YUN NGA HAHAHA!! NATAPON YUNG SPAGHETTI! TAENA SAPOL SA MUKHA!" Tumatawang kwento ni Yuri.




"Bakit ba kasi natapon?" Tanong ni Vince na kumakain nang burger.


"EHEHEHEHE!! KASE NASA LIKURAN NYA AKO!" Sabi ni Yuri na uminom ng gatas.

Gatas? Tanda nya na ah?

"Oh, eh ano naman kung nasa likuran ka nya?" Naka taas ang isang kilay na tanong ni Jayden na Kumakain nang Carbonara.

"NAGULAT SYA! KASE MAY GWAPO SA LIKURAN NYA!" Sabi ni Yuri sabay tawa nang sobrang lakas na pinagtitinginan na kami dito sa Caf.

"Ayt. Uwian na." Sabi ni Jandrei at tumayo.

"Ayoko nang kumain. Nakakawala ng gana." Gatong ni Vince at tumayo na din.

Sumunod na kami sakanila at iniwan si Yuri na nagdadrama!

"BAKET!! BAKET!! TINALIKURAN AKO NANG MGA KAIBIGAN KO! HINDI KATANGGAP TANGGAP! PAGKATAPOS KO SILANG BUHAYIN! MGA HINDI NAG MAMALASAKIT! MGA WALANG PUSO! PATI NARIN UTAK! WALA NAMAN TALAGA SILA NON!" Madramang sigaw ni Yuri na may paluhod luhod effects pa at nakatingala habang nakataas ang kamay. "KUNIN NYO NA AKO LORD!" dugtong nya.

Lumapit ulit ako sakanya at tumunggtong sa upuan sa harap nya.

"AKO ANG ANGHEL NA PINABABA NG DIYOS PARA SUNDUIN KA!" Sabi ko pa habang kunyaring inaabot si Yuri.

"NAPAKABAIT NI LORD! ILIPAD MO NA AKO PAAKYAT!" Dugtong ni Yuri.

"HINDI KITA ILILIPAD! HIHILAHIN KITA PABABA! TARA NA!" Sabi ko sabay tawa nang malakas.

Tawa kami nang tawa ni Yuri habang sila Austin ay nakatayo sa Tabi nang pinto nang Cafeteria at parang hiyang hiya na kakilala nila kame. Nang may marinig kaming sigawan.

Napababa ako sa upuan at inunahan kong tumakbo sila Yuri palabas nang Cafeteria papunta sa Garden. Waw layo ah.

Andaming tao! Anong meron?!

"SINONG NAKAKITA KAY ZYLPHIRE? PAKITAAS NALANG ANG KAMAY KUNG KATABI NYO SYA!" Dinig kong sigaw ni Vince.

Nagtaas nang kamay ung mga katabi ko.

"ANDUN DAW. OH TABE TABE!" Sigaw ni Austin.

"GILIID!! DI KA GIGILID SASAPAKIN KITA PAG MAY NANGYARI KAY ZYLPHIRE!" Sigaw ni jandrei.


Nang makalapit sila sakin. Binatukan nila ako.

"Tanga lang Zylphire? Pano pala kung may away dito at nadamay ka? " inis na sabi ni Jayden.

Ayt. Mga kuya? Oburprotektib nanaman.

"Hehe sorry naman" Sabi ko sabay tingin sakanila. "Asan si Calix?" Tanong ko nang mapansin kong wala sya.

Napalinga naman sila.

"Umalis sya kanina ah? Asan na yun?" Tanong pa ni Yuri.

"ANO! SABI NANG MAGSORRY KA SA GIRLFRIEND KO EH!"

Sabay sabay kaming napalingon sa sigaw na yun.

"Hindi ko nga kasalanan. Bakit ako magsosorry?"

Napalapit kami sa sigawan nang madinig ang boses na yun.

"Ay. Anong ginagawa ni Calix dyan?" Tanong ni Austin.


Me And My Boys [Fire #1]Where stories live. Discover now