Chapter 59

34.8K 1K 76
                                    

Chapter 59

"Bakit kasi pati exponent kailangan pa hanapan ng value?" tanong ko sa sarili nang ilapag ni Iverson ang solution sa harap ko. Gusto kong sagutan na niya deretso kaso ang sabi ay baka hindi raw ako matututo at hindi makapasa sa semestral quiz.

    Kunot noo kong isinantabi ang akin at kinuha ang syllabus niya sa Chemistry. Binuklat ko ito at napataas ang kilay ko sa nabasa.

   Ano namang mahirap sa mga periodic table of elements?

    Napakamot siya sa ulo niya nang makita ang reaksyon ko. Inilagay niya ang braso niya sa likod ng upuan ko saka pinagsiklop ang kamay namin bago kinuha muli ang libro niya sa kamay ko.

"Sus! Bakit kasi kailangan pang magkahawak kamay habang nag-aaral, diba? Hay naku! Ang landi!" ilang sandali pa ay narinig kong wika ni Amelynx. Kunwari ay nagbabasa siya sa notes niya. Umiling pa ang lintek. Napangiwi ako at bago pa man ako makagawa ng hakbang ay naunahan na ako ni Iverson sa paghagis ng libro dito.

    Sapul!

"Aray! Mga walang puso kayo!" maktol pa nito habang nakabusangot ang mukhang saad nito. Napataas ang kilay ko at inirapan siya.

"Answer all the questions in page 115-125 and then I'll answer yours also."

   Tsk. 'Di papatalo eh.

    Habang sinasagutan ko ang mga tanong ay pasimpleng tumingin ako sa lahat ng tao dito sa library. Nandito lahat ng tropa ni Iverson, bumalik pa ang mga gago. Mabuti at hindi na nag-ingay. Nasa iisang mesa si Trinity at Zyrel. Mukhang nagkakamabutihan na ang dalawa kahit na nagbabangayan minsan. Nakabantay din naman si Dwayne kay Zyrel. Parang mga baliw.

   Si Dwayne at Alieth ay pasimpleng naghaharutan. Si Marga at si Kuya ay nasa iisang mesa habang seryosong nagsasagot. Si Athena rin ay nandito at tahimik lang. Ang mga walang pares naman ay nasa mahabang mesa at nagkokopyahan. Mga gago talaga. At si Ivronsen naman ay-

"Am I late here?" oh. Speaking of the devil. Ngumisi ito sa amin at tumaas ang kilay ko nang tumabi siya sa akin at ilapag niya sa mesa ko ang mga paperworks niya.

"I will share-"

"I don't share what's mine, Ivronsen. Lumipat ka ng ibang puwesto," agad na umaksiyon si Iverson at hinila pa palapit sa kaniya ang upuan ko. Nakita ko ang pag ngiwi ni Ivronsen at ang pag irap.

"Magpapaturo lang ako sa Biology-"

"Nandoon si Marga. She's good at that subject-"

"Si Louie ang gusto ko," parang gatilyo na kinalabit ni Ivronsen ang sinabi niya nang magtinginan lahat sa amin.

"Oh, no. I smell something..." ayun na naman at nagpapabida na naman ang hinayupak na Amelynx iyon.

"I smell trouble, huh?" segunda naman ni Montenegro.

    Pinapalala nila ah! Napabusangot ang mukha ko sa kanilang dalawa.

"What I mean is si Louie ang gusto kong magturo, okay? Whatever. I don't like to explain myself further," masungit naman na paliwanag ng katabi ko. Nabaling ang tingin ko kay Iverson nang humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Nakita ko ang pagdilim ng ekspresyon niya kahit na nakayuko.

"Tsk. Oo na! Sasagutan ko sa inyong dalawa. Lubayan niyo ako pagkatapos, ah," naiinis na talagang sabi ko. Narinig ko ang pagtikhiman ng mga tao at nagsibalik na sa kanilang ginagawa.

    Akmang bubuksan ko na ang libro ni Ivronsen nang magsalita si Iverson.

"You should finish mine first," malamig na wika nito. Oh, okay. Anong nangyari doon? Ako 'yung nagsusungit kanina, ah. Bakit siya na ngayon ang nagsusuplado?

Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon