V - 2

10K 228 2
                                    


Leandra's P.O.V

*****

*tok tok tok

"Come inside."

"Miss Lee, dumating na po ang new model niyo at si Miss Kea po. Nasa conference room na po sila tumuloy," si Mitch na secretarya ko at matagal ng nagtatrabaho sa akin.

"Ok, tnx and btw Mitch, pag dumating na naman iyong asungot sa buhay ko paki sabi tumalon na lang siya sa walang tubig para di ako ma stress ngayong araw". Hmp!Maiirita lng ako pag makita ko na naman iyon.

Talaga lang huh?! ~ mahadera

"Duh! Di ako tatalon sa building na walang tubig", ay peste! "gusto ko ones na tumalon man ako ay jan na lang sa puso mo mahulog. At least malambot ang kababagsakan ko. Hahahaha pa try nga!" At unti-unti siya lumalapit na may devislish smile. Ay puting palaka! Bakit ba biglang sumusulpot ang kabuti na ito?  Bakit ang bilis niya ee pagkaalis ko ng bahay wala pa siyang ligo ah.

"Letche ka! Anong ginagawa mo dito?" Bigla ako nagsign ng stop gamit kanang kamay ko. "Bakit ba bigla ka na lang sumusulpot? Pwede ba? umalis ka sa harapan ko kasi masisira lng araw ko". Nangingitngit na turan ko

"Hahaha hindi ah! Pag ako makikita mo my Vanilla gaganda at gaganda ang araw mo kasing ganda ko". Mayabang niyang sabi na may kindat pa. Kaya pinaningkitan ko ito ng mata.

"At kailan pa gumanda ang isang  pesteng manyak, impakta at yagit na gaya mo?" Panlalait ko na may diin sa dulo.

"Uy My Vanilla, peste ako pero di ako manyak kasi nagugustuhan mo naman mga kiss ko sayo" sabi niya na naka smirk at biglang kinagat ang ibabang labi na ikinalaki ng mata ko, hmp! manyak "at di ako impakta nuh! isa akong dyosa na may mapupungay na mata. Hindi din ako yagit kasi nariyan ka naman para pakainin ako". Pa cute na sabi nito na nagpipigil din sa kamanyakan.

Arrgghhh....

Nasabi ko ba kanina na sadyang makapal ang mukha ng isang ito? Na bigla na lang papasok at uupo sa couch ng opisina ko na akala mo kung sino? At iyong sinasabi niya isa siyang dyosa? Puwes nagkakamali siya dahil nakasuot lng naman siya ng fitted jeans na black at white na v-neck shirt habang hawak hawak ang black leather jacket sa kaliwang kamay at samahan mo ng wedge na pang ibaba na para siyang isang modelo sa haba ng kanyang legs, so hindi siya dyosa dahil isa siya impakta na ginugulo ang hormones ko when she walk in sa opisina ko "and you already check her out" - mahadera so, isa siyang pesteng manyak na empakta na ang sarap rapen, kahit iyon lang ang suot niya ay ang HOT niya!

"Oh? Diba sino ngayon ang manyak sa inyong dalawa? Hahah" - mahadera

"AKO!"

Oh wait!  Nooooo erase erase iyon mahadera, wala akong iniisip na ganyan leche siya.

"See? Tama ang sinabi ko kasi kulang na lang lapain mo ako sa harapan ni Mitch."at dun ako natauhan sa sinabi niya na nakangisi at taas baba pa ang mga kilay niya, oh no nakakahiya dito pa pala si Mitch sa harapan namin.

"Pwede ba may meeting pa ako at lumayas ka na lng at maghanap ng trabaho at mabawasan ang mga tambay sa mundo." Mataray na sabi ko upang pagtakpan ang pagkapahiya ko.

"Ehem! Sige po Miss Lee mauna na po ako sa conference room." sabi ni Mitch sabay sulyap kay H na nakakunot ang noo.

At walang pasabing aalis sana din ako ng office patungo sa conference room, ngunit bago ko pa iyon magawa may humila na naman ng mga braso ko.

"My Vanilla"(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon