Ano pa nga ba? At sini pa nga ba? hinalikan na naman ako.

Ewan ko bakit tumutugon din ako minsan.

"Bakit mo ba ipinagpipilitan na tambay lang ako My Vanilla?" Sabay pulupot ng mga kamay sa baywang ko at ihapit sa malalambot niyang katawan. "Gusto mo ba talaga akong magtrabaho?" Mapanghamon niyang tanong at sinusuklay ng daliri nito ang buhok ko. Diko alam bakit napapapikit din ako. Ang alam ko lang gusto ko ang ginawa niya sa buhok ko. "Alam mo ba na pagginawa ko iyon may posibilidad na d'mo na ako makikita?" Seryoso niyang sabi habang ang mga mata niyang may contact lens na kulay chocolate brown ay nakakatitig sa akin. Yes, contact lens dahil buong buhay na pagkakakilala namin ay diko pa nakikita ang totoong kulay ng mga mata ng peste na ito. Bigla ako kinabahan sa sinabi niya na may posibility na diko na siya makikita at parang may kumurot sa kaliwang dibdib ko na diko maipaliwanag, "kasi My Vanilla magiging busy na ako. Dina kita maaasikaso dahil pareho na tayong nagtatrabaho." Na touch naman ako sa sinabi niya. "At higit sa lahat d'mo na parating matitikman ang matatamis kung mga halik", sabay ngisi at kindat sa akin at ang leche ok na eh pero may karugtong pang nakakapeste.

"Pwede ba mas maganda nga iyon para wala ng peste sa buhay ko!" Mataray na sabi ko bago ako tuluyan umalis na may ngitngit sa loob ko.

Buwesit!

"Kahit hindi ka din magtrabaho. Mabubuhay ka padin sa mga halik ko hahaha." Pahabol pa niyang sabi.

Arrgghhhh... ang hudas!

*****

"So Miss Megan, if you have any clarification about the contract pwede kang magtanong." turan ng pinsan kong si Kea.

Si Megan Karlsson ay isang international model. Matunog ang pangalan niya sa modeling industry.

"Ohh! drop that formality you can call me Megan. I think wala naman at gusto ko tagalang maging parte ng inyong clothing line at the same time balak ko din magtagal dito sa Pilipinas para gawin ko ang iba pa na mga trabaho ko." makahulugan niyang pahiwatig.

Napangiti naman kami ni Kea. "Ok, Lee and Kea". Tipid na ngiting iginawad ko sa kanya.

"So, aside for modeling ano pa ang iba mong pinagkakaabalahan?" - Kea

"Hhmmmm.... writing. Mahilig akong magsulat sa magagandang bagay na nakikita ko lalo na sa mga lugar na bago ko palang napupuntahan. Total pangalawang beses ko pa lamang pumunta dito sa Pilipinas sapalagay ko susulitin ko ito." May ngiti sa kanyang labi na parang nag daydream.

"So writer ka pala....may mga napapublish kana ba sa mga isinulat mo?" Diko napigilan itanong.

"Ahm... yah....pero sa Paris at London pa lang ipinapalabas  dahil busy pa ako sa pag enjoy sa modeling. Ang tita ko nga ang nagpublish nun dahil masyado ata niya nagustuhan ang ginawa ko kaya hayon di nakatiis hahaha." Bigla akong napatitig sa mukha niya. She's beautiful pero familiar mukha niya sa akin at ang grey eyes niya na para kang hinihypnotismo sa ganda. If I'm not mistaken 1/4 lang ang lahi nito sa Pilipino at buong banyaga ang naiiwan.

"Btw, naghahanap nga ako if sino pwede maka tour sa akin dito sa Pilipinas habang nanatili ako dito. Anyone you can suggest me guys?" Hyper niyang tanong at sa tingin ko naman mabait siya pero makikita mo pa din ang kaartihan nito sa katawan.

"I think I have an idea. hhmmm Lee why don't you ask H to accompany her? Para hindi ka reklamo ng reklamo sa pagtatambay niya sa condo mo na halata naman na gusto mo din." Mapang-asar na turan ng maldita kong pinsan. Yes maldita dahil kung maldita ako mas double kamalditahan niyan. Kawawa nga si Sonya sa kanya eh. Maarte pa at buti pinagtitiyagaan pa siya ng isa. Sabagay patay na patay sila sa isa't isa.

Buti nga wala si Skylar na friend din namin kundi naku dudugo utak ko kanya.

Mas sila mag bff.

Si Sonya naman ay pinsan ko kay mommy at si Kea ay kay daddy.

"Whatever.... she can have her at wala akong pakialam kundi man siya bumalik sa condo. Sana nga dina magpakita pa sa akin iyon."

Ows? Tagala lang ha, eh bat may kumurot sa kaliwa mong dibdib sa sinabi niya nina na may posibility na dina kayo magkita kapag nagtrabaho na siya? Hindi patanong na turan ni mahadera kong utak kundi pakutya niyang ipinaalala ang katangahan ng katawang lupa ko.

"Really? So may kilala kayo na pwde maging tour guide ko? Thank you guys, don't worry tell her that I'll pay her service." Masayang sabi ni Megan pero bakit parang may nagtutulak sa akin na wag na lang siya.

Ay ano ba yan bakit si H na naman naiisip ko.

Kasi nga.......

Shut up!

*****

-Nicolette0810

"My Vanilla"(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon