Chapter 52

36.4K 1K 123
                                    

Chapter 52

Isajace

"The fuck, Iverson!"

"Fuck your face you motherfucker."

    Napatawa nalang din ako habang nagbabangayan ang dalawa. Madilim ang mukha na umupo si Iverson sa cottage at naghubad ng suot na sleeveless. Naglakad ako palapit sa kaniya, iniiwasan ang madilim na tingin ni Louige Montero. Hanggang ngayon ay galit pa rin siya kahit sinampal niya ako!

"Iverson, nakalimutan mo ata si Aguirre?" bigla ay pinaalala ni Phallashton kay Iverson.

    Tahimik akong tumawa nang nilingon ni Iverson si Gabriel. Napaatras naman ito.

"Bro, 'wag masyadong possessive!Napaghahalataan ka na," wika naman ni Kenshin at humalakhak.

    Panay ang pagtawa namin habang inaasar ang magkapatid. Mura nang mura si Ivronsen habang inaayos ang sarili. Napabunghalit uli kami sa pagtawa nang nilapitan ni Iverson si Gabriel at sinuntok deretso sa mukha.

  Boom, sapul!

    Na-out balance si Gabriel at bumagsak sa buhanginan. Shit. Ang sakit noon, pre! Napayuko kaming lahat nang tinignan nang masama ni Iverson. Kinagat ko na lamang ang labi ko para mapigilan ang pagtawa.

"Pre, 'wag kasing didikit-dikit kay Louie kung ayaw niyong mabugbog," seryoso kunyaring payo ni Raphael na pinipigilan ang ngisi.

"Will you shut your mouths?" naiinis na talagang bulyaw sa amin ni Iverson.

    Patay. Galit talaga.

"Pre, hot masyado si President," siko pa sa akin ni Zyrel.

"Paanong hindi? Nag two piece lang naman si wifey," sagot ko pa.

    Tumayo si Iverson at naglakad pabalik sa hotel kung saan kami nag iistay. Pagkaalis na pagkaalis nito ay napabunghalit uli kami ng tawa na parang nababaliw na.

"Aguirre, masakit ba?"

"Fuck you, Fujiwara!"

"Tanungin nyo kaya si McGregor?"

"Go to hell, fuckers!"

"Worth it naman, hindi ba? Nakachansing kay Louie eh!" kantyaw naman ni Dwayne.

    Napahagalpak kami ng tawa. Ang sakit ng tiyan ko at naiiyak na. Sa aming lahat ay si Montero lang ang hindi tumatawa. Tahimik lamang ito habang nakaupo.

" Baka nakalimutan niyo si Isajace na sinampal ni Louige?"

    Napatingin sila sa namumula kong pisngi at kay Louige na umingos lang. Pagkatapos ay sila na naman ang nagtawanan.

" Hindi mo ba susuntukin, Louige?"

   Agad na napaatras ako nang binalingan ako ni Louige. Itinaas ko ang dalawang kamay ko.

" Hindi ako lumapit kay Louie, ano ba!"

" Bakit ganoon ka makatingin?" nang-aakusa na bulyaw ni Louige. Nanlaki ang mata ko. Ang kingina- Tumawa sila ulit na parang wala nang bukas.

    Bwisit na Louige 'to! Sinabi rin naman kasi ni Zyrel sa amin na magkapatid nga ang dalawa. Protective kasi siya sa kapatid niya. Paano, si Nemesis lang ang babae. At hindi naman ito habang buhay na maitatago nila dahil magka apelyido sila at magkamukha pa. Noong nag background research ako ay nagmatch nga na magkapatid sila.

   Wala pa man akong gaanong alam kay Louie at kay Louige ay nirerespeto ko naman kung gusto nila itong manatiling nakatago.

   Nitong nakaraan nga lang kami sinabihan ni Iverson sa dahilan kung bakit sila nagkakilala ni Louie at masasabi kong hindi talaga halata.

Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia BossWhere stories live. Discover now