Lumapit sa akin si Shane at winalis ang suot kong damit ('yung isa sa mga matitinong ipinasok niya sa bag ko).

"Nice. Nakaswimsuit ka."

"Ganito 'yan, Louie. Hubarin mo ang shorts at t shirt mo. Dali!" sigaw pa nito sa akin.

Mabilis na napakapit ako sa suot, "Ayoko nga! 'Wag nalang. Huhupa rin ang galit niyan."

"Okay. Balita ko pa naman ay may mga nagcheck in na mga turista, mga chicks at si Iverson ang nagwewelcome sa kanila ngayon," pagpaparinig nito sa akin. Pumasada naman ang mata ko at nakitang wala nga si Iverson.

"P-paano naman kami magbabati kung maghuhubad ako? Mas magagalit 'yun sa'kin," wika ko pa. Tumaas ang kilay ni Shane at Alieth.

"Hindi. Tiwala lang sa'min. Dali na. Maghubad kana," pangungumbinsi pa ni Alieth. Para tuloy akong kinilabutan sa tono ng boses nito na parang rapist.

"Sigurado kayo dyan, ah?"

"Oo naman!" sabay nilang salita dalawa. Napailing si Genessa habang pinagmamasdan akong nagdadalawang isip.

  Nang lumapit sila ay napaatras ako pero sinamaan ako ng tingin ni Shane at Alieth kaya napahinto rin.

"Aish! Ako na nga lang ang maghuhubad!" pagsurrender ko pa. Napakamot ako sa tainga ko at nagsimulang maghubad.

  Ba't kasi kailangan ko pa itong pagdaanan?

"Kulay pula 'yang suot mo, mas maganda. Mas bagay sa maputi mong kutis," puna ni Alieth. Napairap nalang ako.

Nang mahubad ko na ang t shirt ay saka ko sinunod ang short. Nanginig pa ang kamay ko habang sila ay panay ang pagngisi.

"Ang sexy tapos ayaw mong ibalandra ang ganiyang katawan? Sayang!Masyadong maganda ang built ng katawan mo para itago mo," wika uli ni Alieth.

  Nang tuluyan na akong makapaghubad ay nilapitan ako ni Shane. Inayos niya ang pagkakaparte ng buhok ko.

"Ayan! Wow, boss! Ang sexy mo!" mukhang sinadya pa nito na lakasan ang boses dahil napatingin sa amin sina Amelynx.

Nanlaki ang mata na tinignan ako nito at pumasada ang tingin nito sa katawan ko. Napapikit nalang ako ng sobra sa hiya. Nakita ko ang pagsiko niya kay Louige at Montenegro.

   Sinampal siya ni kuya! Nakalimutan niya yatang magkapatid kami. Hindi ko mapigilang mapahagikhik. Nakita kong ngumuso siya at parang maiiyak na.

"Tama ka nga, Shane! Ang ganda ng kutis, ang laki ng boobs, ang liit ng bewang, ang laki ng puwet at ang taas ng legs! San kapa? Tinalo mo pa ang mga model ah!"

"Peste! Manahimik nga kayo! Kung ano-anong lumalabas sa mga bibig niyo," naiinis kong sabat sa kanila. Nagtawanan sila at kumuha ng cellphone.

"Picture tayo!"

  At nag picture nga kami! Ni hindi ko magawang ngumiti sa camera dahil bukod sa nahihiya ako ay hindi ako mapakali sa suot na tanging two piece lang.

"Woi! Sali kami!" sigaw pa ni Phallashton mula sa dagat at nagkukumahog sila sa paglapit.

"Shane."

"Hmm?"

"Paano kapag napatay sila ni Iverson. Lagot ka. Ikaw may pasimuno nito," narinig kong bulong ni Alieth kay Shane. Humalakhak si Shane at pinalapit pa ang mga lalaki.

"Hindi iyan," sagot pa niya at bumunghalit ng tawa. Sira ulo talaga.

"Go, Louie!"

"Hoi, picture na, dali! Post ko sa Instagram ko."

"Dalian nyo na kasi! Post ko rin sa facebook ko."

Nag unahan ang mga ito sa paglapit sa akin pero sa isang pagsama ng tingin ni kuya sa kanila ay natigil sila. Hilaw na napangisi si Amelynx. Napakamot naman sa ulo si Montenegro.

"Oi, ako ang mag aarrange. Si Ivronsen at Aguirre, tabi kayo kay Louie. Sa gilid ang iba," wika ni Shane at kinindatan ako habang inginunguso si Iverson na papalapit at nakakunot ang noo.

Agad naman na pumorma sila. Nagulat pa ako nang ipinulupot ni Ivronsen ang braso niya sa baywang ko at inakbayan ako ni Aguirre. Ang tawa ni Aguirre ang narinig ko.

"Ivronsen, bro."

"What?"

"Patay ka kay Iverson. Maghanda kana sa suntok noon."

  Nagtawanan ang dalawa at tumutok na sa camera.

"One, two, three, smile!"

   Hindi pa man nakagalaw si Ivronsen ay natanggal ang braso nito sa akin at tumamba sa buhanginan.

"Hala! Hala ka, Shane."

"Hoi, bakit ako?" tumanggi pa ang loka.

  Namutla ako nang makita na si Iverson ang sumuntok kay Ivronsen. Pilit na iwinawaklit ni Ivronsen ang kamay ni Iverson na nasa kuwelyo niya.

"In what way are you allowed to even touch her hair? Fuck you."

" Namumuro kana, ah. Hinayaan ko na kayo kagabi!"

"Hoy, awatin nyo!" wika pa ni Amelynx pero hindi matapos tapos ang tawa ni Aguirre.

"Bro! Binantaan kita."

  Mas lalo pa akong namutla nang pasadahan ako ng tingin ni Iverson.

   Walang hiya, Shane! Nagsisi ako kung bakit pa kita sinunod.

Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia BossWhere stories live. Discover now