Ilang taon na ang nakalilipas, isa lang akong bata na nag-aaral sa New York kasama ang mama kong teacher. Katulad lang ako ng ibang mga bata doon na normal at mababaw ang kasiyahan, pero nagbago ang lahat noong nangyari ang hindi inaasahan. Hindi ko na gaanong matandaan ang ibang detalye noong araw na iyon, pero dahil sa nangyari iyon, nabawian ng buhay si mama. Pagkatapos malaman nila papa ang nangyari kay mama, agad niya akong sinundo at dinala sa London kung saan ko pinagpatuloy ang pag-aaral ko. Pero, makalipas ang tatlo pang taon, lumipat kami ng kuya ko sa Pilipinas, ang bansa na kung saan lumaki si mama. Apparently, sinabi ni mama kay lola noon na pagkatapos kong mag-Middle school at pagkatapos ni kuya mag-High school, lilipat kami sa Pilipinas para doon mag-aral.
"Ading?" Unti-unti akong nagising sa realidad sa tawag ng nakatatanda kong kapatid na si Joshua. Pagkamulat ng aking mga mata ay siya na agad ang una kong nakita. Hindi siya nakangiti pero hindi siya malungkot. Umiling ako na para bang mapapawi ang antok ko kung gawin ko man yun. "Gising na, nandito na tayo." Tumango ako sa sinabi niya at umupo na nang maayos sa upuan ko saka ko inunat ang mga braso't binti ko; medyo mahaba-haba rin ang biyahe namin. Pagkatapos kong magunat ay tumayo na ako at kinuha ang bagahe ko at sabay na kaming bumaba sa eroplano.
"It's hot." Sabi ko nang maramdaman ko ang init ng simoy ng hangin. Tinignan lang ako ni kuya sabay sabi, "What can we do? This is the Philippines, na malapit sa Equator. Get over it." Napa-irap ako sa sinabi niya at saka naglakad na, sinundan niya naman ako. Pagkalabas namin ng NAIA, nakakita kami ng signage na may pangalan naming dalawa kaya nilapitan namin sila. Pinakilala nila ang sarili nila bilang ang mag-asawang Marquez na matalik na kaibigan ni mama noong high school sila. Matapos ang maikling pagbabatian at usapan, hinatid nila kami sa isang bahay.
"Ito ang susi ng bahay. Tatlo na ang ibibigay namin, tig-isa kayo at isa pa para spare." Wika ni Mrs. Marquez at iniabot na sa amin ang mga susi. "Alagaan niyo nang mabuti ang bahay, ha? At mag-aral nang mabuti. Balita kong medyo may kahirapan ang sistema ng edukasyon sa KIS."
"We'll manage, ma'am." Sagot ni kuya sabay ngiti saka kumuha ng susi. "Thank you for bringing us here and picking us from the airport. I look forward to more of your humble service." Napangiti nang malapad si Mrs. Marquez at hinawakan ang kamay ni kuya, "Salamat rin sa pagiging source ng kasiyahan ni Madeline. Noong high school pa kami, lagi niyang sinasabi na gusto niya makapag-asawa nang isang Briton at magkaroon ng dalawang anak. Hindi kami naniwala sa kanya noon at lagi pa nga namin siyang tinatawanan, pero nangyari ang pangarap niya, at talagang tuwang-tuwa lang siya."
Maya-maya pa ay nagpaalam na ang mag-asawa at umalis na. Napatingin ako kay kuya na nakatitig sa kung saan nakaparke ang kotse kanina. May pagkabanayad ang tingin niya at paniguradong iniisip niya si mama. Noong lumipat kami ni mama sa New York, naiwan si kuya sa London dahil ayaw siyang pasamahin ni papa.
"Halika na, Ading." Sabi ni kuya at tumalikod na, mga paa na naglalakad papunta sa pintuan ng bahay. "Let's unpack."
"Right."
أنت تقرأ
A Teenage Odyssey: High School
أدب المراهقينHigh school, isa ito sa mga hindi makakalimutang yugto sa buhay ng isang tao. Bakit? Sa isang high school nagaganap ang lahat ng hindi malimutang mga alaala, mga aminan at mga unang pagtuklas sa kanyang sarili. Dito nagaganap ang mga tugtugan, ang m...
