"Dad-" Hindi ko na natapos ang pag tawag kay daddy nang makita kong akma niyang yayakapin ang isang babae. Agad nakaiwas ang babae at saka tumakbo.

Hindi ko na nakita ang histura ng babae. Masyado nang madilim nang matanaw ko siya. Lumabas siya ng mansyon. Nilapitan ko naman ang daddy ko. Nagulat ako kasi para siyang naiyak? Namumula ang mga mata niya at bagsak ang mga balikat niya.

"Dad? Are you okay? What happened?" Nag aalalang tanong ko pagka lapit ko sa kanya.

"Y-yes, hija. Napuwing lang ako." Tumikhim siya at suminghot pagtapos ay iniwasan na niya ang mga tingin ko.

Hindi ko maiwasang magtaka. Sino kaya ang babaeng 'yon? Tinawag niya pang Nica eh wala naman akong kakilalang ganoon ang pangalan at saka mukhang bata pa yung babae at maputi. Braso niya lang kasi ang nakita ko since matangkad si Dad at nahaharangan niya yung girl. Di ko nalang din masyadong inisip. Itatanong ko nalang siguro kay Mommy.

"Babalik lang ako sa loob, anak." Paalam sa akin ni Daddy. Tinanguan ko lang siya.

Lumabas ako sa Garden para mag muni-muni. Masyadong maraming tao sa loob, pakiramdam ko ay na so suffocate ako. Mabuti rito at presko ang simoy ng hangin. Tahimik pa. Naglakad lakad ako sa garden at napansin kong mayroong swing sa dulo. Na excite naman agad ako. Binilisan ko ang lakad at saka umupo doon.

Ginalaw ko ng kaunti ang swing para maduyan ako. Nakakapagod ang gabing ito. Hindi ko nga alam kung bakit ako nandito eh hindi naman ako negosyante. Sabagay, parehong parents ko ay nandito. Pati na rin ang asawa ko. Speaking of, iniwan ko na muna siya kasama ang mga kaibigan niya. Na a out of place kasi ako eh. Ibang iba siya kapag kasama sila. Ngumingiti siya at nakikipag biruan. Sana ganon din siya sakin. Lumabi ako at bumuntong hininga.

"A penny for your thoughts?" Nagulat ako nang may isang baritong boses na nagsalita mula sa kaliwa ko.

Pinanlakihan kaagad ako ng mata nang makita ko kung sino 'yun! Bakit ba palagi nalang sulpot ng sulpot si Greg? 'Yung totoo? May lahi ba siyang mushroom?

"A-anong ginagawa mo dito?" Nataranta nanaman ako!

Paano ba naman kasi, naalala ko namaman yung nangyari few days ago. Hindi ko alam kung papaano ko ieexplain sa kanya yung nakita niya. Kahit naman sinabi niya na okay lang wala sa kanya yun nakakahiya pa rin kaya! Mamaya magbago na ang impression niya sakin eh.

"Invited ako eh. Ikaw? I didn't know that you're into business pala." He chuckled.

Hala! Ang gwapo niya naman tumawa. Lalaking lalaki pa rin. Tinabihan niya ako at umupo siya sa isa pang swing.

"Sinama lang ako ng parents ko dito. Bored na nga ako eh." Sinundan ko pa 'yon ng buntong hininga.

Tumawa pa uli siya pero parang smirk na malakas lang 'yun.

"Obvious nga eh." Sinilip ko siya at nakita kong titig na titig siya sa akin.

Na conscious tuloy ako. Baka mamaya may dumi ako sa mukha. O kaya baka naman magulo ang buhok ko? Pasimple ko tuloy inayos.

"Bakit ka nakatingin?" Tanong ko.

"Wala." Nag iwas na siya ng tingin.

Binalot ng katahimikan ang paligid. Patuloy lang ako sa pag s-swing. Ganon din naman siya. Ang sarap kaya dito. Pumikit lang ako at in-enjoy ang sarap ng simoy ng hangin. Biglang tumikhim si Greg kaya napabaling ako sa kanya.

"Nasaan ang asawa mo?" Tanong niya.

"Nandun sa loob. Kasama niya mga kaibigan niya eh." Nakakahiyang sumagot.

The Second WomanWhere stories live. Discover now