A picture of us when we were still kids, when we were teenagers, when we graduated in college, nung ikinasal kami, at ang mas nakapag-paiyak sa akin, yung picture namin nung third wedding anniversary namin.

Hindi ko makakalimutan yung araw na yun, na sobrang masaya kaming dalawa. Walang nagdidikta, walang kahit na sino, kaming dalawa lang

Ayoko ngang matapos yung araw na iyon

Nagflashback lahat sa utak ko yung mga oras na magkasama kami ni Hayley. I even remembered what we promised when we were still kids. We were on a beach with our parents, summer vacation nun. We were building a sand castle that time.

“Hayley, someday I will take you to a castle. We can play there all we want!”

 

“Really Claude?”

 

“Yes! And I will be your knight in shining armor! I will protect you from the bad guys. I will not let anything happen to you!”

 

“Wohooo! That’s a promise okay? You’ll protect me whatever happens?”

 

“Ofcourse! I can’t lose you. You’re too important to me, because you are my bestfriend!”

 

“Okay! Pinky swear?”

 

“PINKY SWEAR! CROSS MY HEART!”

 

Nagpinky swear ako nun. Nagpromise ako sa kanya na poprotektahan ko siya no matter what happens.

Pero ano? Hindi ko man lang siya maprotektahan ngayon, hindi ko man lang siya masamahan at madamayan

Sobrang saya namin dati, nung hindi pa dumadating si Lianne sa buhay ko.

May naalala din ako na sinabi siya sa akin nung malapit na akong sagutin ni Lianne

“Sana naman, kapag naging kayo na ng mahal mo, huwag mo kalimutang may bestfriend ka ha! Magtatampo talaga ako sayo!”

 

“Oo naman no! Tsaka, utang na loob ko kaya sayo toh. Ikaw tumulong na maging kami ni Lianne eh! Napaka-swerte ko talaga sayo Hayley! Halika nga dito!” niyakap ko siya. Pagkabitiw niya sa yakap nakita kong may namumuong luha sa mga mata niya “Oh ano yan? Umiiyak ka ba?”

 

“Baliw! Masaya lang ako! Basta masaya ka, masaya din ako!”

 

Bakit hindi ko man lang ba napapansin na nasasaktan siya dati pa? Ganun lang ba talaga ako nabulag ng dahil sa sobrang pagmamahal ko kay Lianne dati?

Naalala ko din yung mga sinabi niya sa akin kagabi

“Masakit na galit sayo at the same time sinisisi ka ng taong mahal mo sa pagkamatay ng taong mahal niya sa loob ng mahabang panahon. Claude, simula pagkabata pa lang natin, magaan na yung loob ko sayo. As we grew together, alam kong pagmamahal na yung nararamdaman ko para sayo. Pero you were to blind to see it. Pero kahit na ganyan yung sitwasyon natin, kailanman hindi ako nagtanim ng galit dito sa puso ko..”

 

 

 

“..Ang tanga ko nga eh. Ang tanga ko kasi hindi ko sinabi sayo. Kasi natatakot ako na mawala yung friendship natin. Ayokong masira yun. Pero hindi lang pala ako tanga ang bobo ko pa. Kasi hinayaan kong mapunta si Lianne sayo. Hinayaan kong maging kayo kahit na alam kong sasaktan ko lang sarili ko kapag tinulungan kita na maging kayo. Pero ang bobo ko talaga eh noh? Tinulungan pa talaga kita na maging kayo. Alam mo ba kung bakit kita tinulungan na maging kayo ni Lianne kahit na alam kong masasaktan ako? Kasi, alam ko kapag kayo na, sasaya ka. Kaya ginawa ko pa din. Alam ko namang wala na akong magagawa dun eh, siya nalang lagi. Nung mga panahon na yun, siya nalang lagi bukang bibig mo, siya na lahat…”

 

 

“..Gusto kong umatras nung kasal, pero hindi ko magawa, Kasi gusto kitang tulungan. Gusto kitang tulungan na sumaya ulit. Kahit hindi mo nalang ibalik yung pagmamahal ko sayo nung mga panahong yun okay lang. Basta sumaya ka lang ulit. Kahit na hindi mo kinakain yung mga niluluto ko para sayo, kahit na hindi mo ako pinapansin, kahit na parang wala lang sayo yung paghihintay ko ng hanggang hatinggabi o kaya madaling araw, okay lang yung. Kasi ako naman yung may kasalanan eh. ako yung may kasalanan kung bakit ganun ka makitungo sa akin”

 

 

“..Wala akong ibang ginusto kundi sumaya ka Claude. Yun lang naman kasi yung gusto kong makita eh. Yung sumaya ka ulit. Yung makikita ko ulit yung dating Claude, masayahin, makaulit, mapang-asar, maalalahanin, gusto kong makita ulit yung Claude na minahal ko. Pero I failed, dahil sa mga ginawa ko, lalo pa kitang pinahirapan. Dapat, tumanggi na ako nung una pa lang. Dapat sinabi ko na sayo lahat-lahat. Hindi ko na sana pinaabot pa sa ganito. Nadaig kasi ako ng takot eh. I’m sorry Claude, I’m so sorry. Please forgive me. Sorry, sorry, sorry”

 

 

Ang gusto lang ni Hayley ay yung makita akong sumaya ulit.

 

She’s been with me my entire life. And now, she’s facing death at wala man lang ako sa tabi niya. Kailangan ako ng asawa ko, kailangan ako ng magiging anak namin.

KAILANGAN AKO NG PAMILYA ko.

The Greatest Martyr of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon