Chapter 32

22.8K 268 8
                                    

Claude’s POV

 

“Claude for Hayley, please sign this”

“I’ll think of it..” kinuha ko yung annulment papers “…Excuse me, I need to go” at lumabas na ako ng office ni Dad

Nakauwi na ako ng bahay, dala-dala ko yung annulment papers namin ni Hayley.

Hayley? Anong nangyayari? Can you please come home and tell me na yung mga nalaman ko ngayon ay kasinungalinagn lang? Mas tatanggapin ko pa yun na kesa sa malaman kong totoo na there’s a 50-50 for you to live right now

Mas masakit pala ito, mas masakit pa sa nararamdaman ko dating galit sayo

Ganun ka na lang ba nagpaka-martir para sa pagmamahal mo para sa akin? At ganun na lang ba ako ka-manhid para hindi mapansin yun?

Naaalala ko tuloy yung sinabi ni Hayley sa akin nung third wedding anniversary namin

“Mahal na mahal din kita Claude. Tandaan mo, lahat ng ginagawa ko para sayo. Dahil mahal na mahal kita. Wala akong ibang ginawa kundi ang siguraduhin na sumaya ka. Di bale ng baliwalain mo ako, alam ko namang sasaya at sasaya ka din Claude”

 

Yun pala ang ibig sabihin ni Hayley dati pa lang. Naiinis ako sa sarili ko. Why did I make her suffer like this?

Napahinto naman ako nung natapat ako sa kwarto ni Hayley. Hindi pa ako nakapasok dito kahit kailan, exept nung gabing sobrang lasing ako at inihagis ko yung malaking wedding picture namin dito. Sobrang nasaktan ko si Hayley nung gabing yun, ang gago gago ko talaga.

I opened her room. And I was surprised on what I saw.

There’s a lot of painting of

ME

When I looked around, karamihan ng paintings niya puro ako na nakangiti, yung iba siya at yung iba kaming dalawa

Mahal talaga ako ni Hayley simula noon pa lang? Pero yung pinaka-napansin ko is yung painting ng isang babae na nakaupo sa bench painted with all white na may black background.

Could this painting refer to her? Napaiyak na naman tuloy ako kapag naaalala ko lahat ng mga nangyari

Tapos, may nakita din akong clearbook na punong-puno ng mga kanta na composed by Hayley. Nung tinignan ko yun, kahit hindi ko sabihin, na ako pa din ang tinutukoy nito sa mga kanta niya

Niyakap ko na lang yung clearbook. Hindi ko talaga alam kung ano na lang ang gagawin ko kapag nawala si Hayley sa akin. Ayokong mawala siya.

Napatingin naman ako sa side table ng kama niya, and that made me cry really hard

The Greatest Martyr of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon