Chapter 5

22.9K 362 7
                                    

Hayley’s POV

Umaga na. Ang sakit sakit ng mga mata ko kakaiyak kagabi

Tinignan ko yung wall clock. 9:30 AM na. Siguro, kanina pa naka-alis si Claude

Lumapit ako sa pintuan para i-check kung naka-lock pa ito. Inikot ko yung knob, hindi na ito naka-lock

Lumabas ako ng kwarto, nakita ko yung susi ng kotse ni Claude, hindi pa siya nakaka-alis.

Kasama pa kaya niya yung babae kagabi?

“Haaaaaaaaaay” napabuntong-hininga nalang ako

Dumiretso ako ng kusina at nagluto ng almusal. Omelette and toasted cheese sandwich ang inihanda ko.

Kumuha ako ng fresh milk sa fridge. Pagkasara ko ng pintuan ng fridge, nakita ko si Claude sa may hagdanan. Para siyang istatwa, nakatingin lang siya sa akin

May gusto ba siyang sabihin sa akin? Ang tagal naming nagtitigan sa isa’t-isa. Nakikita ko sa mga mata ni Claude na parang may gusto siyang sabihin sa akin

Binasag ko na ang katahimikan

“Kain tayo breakfast” malamig kong sabi sa kanya.

Alam kong wala akong karapatang manumbat o umasta ng ganito. Oo, asawa niya ako, pero mahal ba niya ako? Hindi naman diba?

Sa side ko, masakit ang ginawa niya kagabi. Hindi ko alam kung itinuloy ba nila yung ginawa nila kagabi.

Hindi niya ako sinagot. Bumaba siya ng hagdanan, kinuha yung susi ng kotse niya at lumabas na ng bahay.

Ano pa nga ba ang ine-expect ko? Ganyan naman siya lagi. Para akong nangungusap sa wala

Minsan nga, nag-sasawa na ako. Gusto ko nang umalis, pero hindi pa ito yung tamang panahon. I’ll just wait for the right time para sabihin sa kanya ang totoo

The Greatest Martyr of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon