Si Zyrel naman at si Trinity, si Alieth at Dwayne, si Zamora at Aguirre at ang nalalabi ay nakasakay sa iisang sasakyan na si Fujiwara ang nagdadrive. Kami naman ni Iverson ang magkasama sa kotse nya.

"Malayo ba ang resort na iyan?" tanong ko dito nang makapasok na kami. Tumango sya at pinaandar ang sasakyan. Ito ang Mercedes Benz nya na bullet proof, cool!

"Yeah, It's quite far but don't worry. The resort is safe to use," sagot nya. Tumango ako at sumandal sa upuan dahil inaantok pa rin talaga ako.

  Masyado akong naging abala nitong mga nakaraan at wala na akong tamang pahinga. Mula pa noong practice match na may nangyari pang insidenti. Ang Duel. Sa Detention room. At sa contest. It really drains my energy because I can't do things freely. Maraming batas, maraming hindi puwede, maraming bawal.

   Dumagdag pa ang isipin ko sa mga Montero na alam kong umaaligid lang sa paligid. What about that day? Alam kong hindi iyon estudyante ng West Cannon. Ang boses niya... ay narinig ko na noon, na nasa puder pa ako ng mg Montero.

   Naiistress talaga ako at gusto kong kumain ng maraming marshmallow pagkarating namin sa resort at matutulog na naman. Ayaw kong maligo sa dagat.

   I like beaches but I don't like the feeling of getting soaked under the salty water.

"Nemesis?"

"Hmm?"

"Did I made you sleepless these past nights?"

  Napabuka ang mata ko sa tanong niya. Ba't niya naman nasabi iyon? Are my eyebags that evident? Assuming! Hindi siya ang dahilan.

"Hindi. Bakit naman naisip mo 'yun?"

"I don't know."

   Napakibit balikat nalang din ako pero muli na namang napaupo nang maayos niyang hinawakan ang kamay ko at pinagsiklop ito.

" Magdrive ka nga ng maayos diyan!" saway ko pa pero parang wala syang narinig at hinigpitan pa ang hawak sa kamay ko.

  Tinignan nya ako saglit at medyo nagulat nang nginitian nya ako. Nakakagulat! Anong klaseng espiritu ang pumasok sa katawan ng lalaking ito?

"Don't wear swimsuits when we get there, okay? I don't want them to feast over your body," madiin pa nitong bilin. Napataas ang kilay ko.

   Hindi naman talaga ako nagsusuot ng bikini. Masyadong... awkward at wala rin akong planong maligo.

  Tama nga ang sinabi nya na malayo ang pupuntahan namin. Alas tres na nang hapon nang makarating kami at nakakapagod kahit na hindi ako ang nagdrive.

  Kahit na sa labas pa lang ng resort ay kitang kita ko na ang white sand at ang asul na dagat na para bang iniimbita kaming maligo. Napakatahimik at aliwalas rin ng paligid. Walang tao, parang kami lang talaga ang bisita.

   Parang mga baliw ang mga kasama namin at kumaripas papasok. Napailing na lamang ako habang pinagmamasdan pa rin ang paligid. Mabuti na lang talaga at isinama ko si Ace dito.

"Let's go?"

  Nang makapasok na ako ay nagulat ako nang makita ang mga naka unipormeng lalaki at babae na nakahilera sa gilid at nakayuko.

"Good afternoon, Young Master Iverson and Lady Louie," sabay na bati ng mga ito.

    Oh... But no need for the formalities, though.

  Iginiya pa kami ng mga ito sa mga kwarto namin at nagtaka ako kung bakit nakabuntot pa rin sa akin si Iverson? 'Wag mong sasabihin na mag iisa kami ng kwarto?

"Ba't nandito ka pa?"

"Why wouldn't I? Magkasama tayong dalawa dito."

"Ano?! Ayoko!"

"What's with the fear I can sense in your voice? It's not that I will rape you. Baka ikaw pa ang lumuhod sa harap ko kapag nagkataon."

"You'll kneel and beg for me to make love to you and pleasure you. Mark my words, Nemesis."

  Talagang napaawang ang labi ko sa sinabi nya. Ang tigas ng mukha! Hindi ako marupok!

  Inis na nakatingin ako sa likod nito na papasok sa kwarto. Nandoon na rin ang mga bagahe na dala namin sa king sized bed.

"Wait for me for a minute. Maliligo lang ako. Sabay tayong bababa para kumain," wika nito at wala akong nagawa kundi ang tumango.

   Habang naghihintay ay kinalkal ko ang bag na hinanda sa akin ni Genessa at Shane. Plano ko rin sanang maligo at magbihis. Talagang mainit ngayon eh.

  Nang buksan ko ang bag ay kinuha ko lahat ng damit sa loob at nanlaki ang mata ko sa mga nakita sa loob. Naubo ako at halos itapon ko ang buong bag sa labas ng bintana.

   Anong mga klaseng suot 'to?! Parang natutuyo ang laway ko habang nakatingin sa mga ito.

Ano ba 'to? Ang nipis namang sleeveless nito! Tapos ang iksi ng kapares na short! Pati ang mga panloob ko ay hindi pinatawad. Pulos may lace ba 'yun? Oo 'yan! Tapos maraming bikini! Kulay pula at itim ang kalimitang kulay na nakikita ko.

   Walang kwenta! Eh halos tatlong pares ng damit lang ang nakita kong matino, ah?

   Aanuhin ko ba si McGregor sa mga damit na 'to? Halos maiyak na ako sa sobrang inis. Saan na ako bibili ng bagong damit eh wala namang clothing shop dito! Bwisit ka talaga Shane Mae Sanchez!

Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia BossOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz