56.Pony, Pies and Ring

Start from the beginning
                                    

"grabe si Iñigo no? overprotective sayo"

"Yeah..wala kasi si dad kaya ayaw masermunan pag bumalik yun dito"

"Isang bakod lang yung sayo pero ang hirap makalagpas haha!" birong sabi ni Dylan. Tinignan ko lang si Dylan at maliit na ngumiti.

Hindi naman kasi ako manhid para hindi malaman ang ibig sabihin nya sa mga sinasabi nya. Kahit nung una palang alam kong may pinaparating na sya.

"Nasaan nga pala ang iba?"

"Sa cafeteria, ngayon lang break namin.. anyway gusto mo turuan kita mag soccer?"

"Pwede naman pero-"

"Okay!!" agad syang pumwesto sa harap ko kaya bumuntong hininga nalang ako.

Napakakulit naman nitong si Dylan. daig pa ang langaw sa kulit!

"okay!! papuntahin mo yung bola sa goal tapos pipigilan kita"

Napatingin ako sa bola at naalala yung nag train si Sean sa mga bata pati sakin. Ang galing nya nun magturo at para talaga syang coach kung makaasta.

"game na Chi!!" sigaw ni Dylan. Nag re-reminisce na naman kasi ako eh.

Sinimulan ko ng sipain ang bola papunta kay Dylan pero ng humarang sya sakin ay natapakan ko ang bola at nadapa sa sahig.

"Aray!" Napahawak ako sa siko ko na dumudugo.

"Chi!! naku sorry!!" lumapit sakin si Dylan at itinayo ako. Ako naman ay tinitignan ang nagdudugo kong siko. Nasa simento pa naman kami at hindi dun sa part na may damo!!

"Hindi ka naman kasi marunong magturo Dylan" Narinig ko ang isang pamilyar na boses at sabay kaming napatingin ni Dylan sa kanya.

"Uy grabe ka Sean! porket ikaw leader namin dyan!" nakasimangot na sabi ni Dylan.

"I don't care, I'm just stating the fact"sabi ni Sean pansin kong may pagkainis ang tono nya.

Bigla naman nyang kinuha ang kamay ko at tinignan ang siko ko tsaka napailing iling. Para tuloy akong nakuryente ng malapat ang bakat naming dalawa.

"Bumalik kana sa canteen Dylan, hinahanap ka na nila"

humarap naman sya sakin.

"Ikaw sumama ka sakin" agad nya akong hinila at hindi na lumingon pa kay Dylan na tinatawag ang pangalan nya.

"Uhh..Sean saan tayo pupunta?" hindi nya ako pinansin imbes ay nagpatuloy lang sya sa paglalakad.

Pumasok kami sa isang pinto, puro mga locker ang nandito at mga bola ng soccer tapos may mga uniform na nakasabit sa kung saan saan. Locker ito ng buong team.

Tumigil kaming dalawa sa isang maliit na lababo tapos tinap nya yung tiles sa sink.

"Sit"para akong aso na sumunod sa kanya. Hindi ko alam kung bakit kakaiba ang aura nya ngayon. Para syang galit na ewan?

"Uhh.. Sean bakit mo ko dinala dito-"

"Shut up, gagamutin ko lang ang sugat mo" masungit nyang sabi. Napakagat ako ng labi ng patahimikin nya ako. Bakit kaya ang sungit nya ngayon?

"M..may problema ka ba?b..bakit ang sungit mo?" takang tanong ko.

"Can't you just sit there and be quiet?" ang taray nya magsalita kaya napatikom na talaga ko ng bibig.

Ano bang ginawa ko at parang nagagalit ang lalaking ito?

May hawak syang betadine at bulak tapos pinahid yun sa sugat ko.

✔Book ApartWhere stories live. Discover now