"O..oo, bakit mo natanong?"

Mukhang napaisip din sya sa tanong ko at matagal bago makasagot.

"I..I don't know either kung bakit ko natanong, sorry sa istorbo" sabi nya at umalis. Napabuntong hininga ako at sumandal sa ref. I can't imagine Sean treat me like that, para akong stranger na napadaan lang at tinanungan nya ng direksyon.

Bakit ganito ang pakiramdam ko sa Sean na yun? kaparehong pareho sa Sean na nasa loob ng libro. Hindi naman dapat kasi ako ganito except kay Sean na minamahal ko, ayoko maging cheater kung sakaling magkagusto ako sa iba. Nangako ako na sya lang wala ng iba kahit... kahit hindi sya nag e-exist.

Nagluto ako ng tanghalian kagaya ng sabi ni Iñigo, pasta lang ang niluto ko, tinatamad kasi akong magsaing.
Sabay sabay kaming kumain ng mga ka member ni Iñigo sa pagkain. Wala kasi si Lola, may mga outer activity sya pag sabado.

"Ang sarap mo naman magluto Chi!! Ang swerte ng mapapangasawa mo!" sabi ni Jill. Since sya ang medyo chubby samin, sya talaga ang malakas kumain.

"Kung magkakaron" nakangiwing sabi ni Iñigo. Napasimangot tuloy ako. Kung alam mo lang na kinasal na kami ni Sean!! tsk!!

"Grabe ka kay Chi! malay mo nasa harap nya lang yung destiny nya hehe" pabirong sabi ni Dylan. Napataas ang kilay ko, sya kasi yung kaharap ko eh.

"Ano captain? Okay lang ba yung pagkain?" tanong ng isa, si Niel.

"Masarap.." napatigil ako at napatingin kay Sean ng magsalita sya. Teka? Sya pala ang captain?

"Torture pa yan ng turuan ni lola haha" natatawang sabi ni Iñigo. Hindi talaga sya mawalan ng sasabihing epic tungkol sakin no??

"Oo pinagtatawanan mo na naman ako"nakasimangot kong sabi at umirap.

"Actually parang natikman ko na to dati, hindi ko lang tanda kung saan"sabi nya at parang nag iisip.

Napatigil ako saglit dahil sa narinig ko. Ewan ko ba parang may epekto yung sinabi nya.

"Nako, baka sa panaginip mo lang yun.. diba nacomatose ka ng matagal?" sabi ni Ralph.

"Nope. I'm actually not" sabi nya.

"Eh? Yun yung sinabi samin eh" sabi ni Peter.

"Nakatulog lang ako ng matagal, hindi nacomatose" sabi nya.

Napatingin ako sa kanya na iniikot ang tinidor nya sa plato. Nakatulog sya ng matagal?

"what?" taas kilay na sabi ni Iñigo. Kahit ako napakunot ang noo sa sinabi nya.

"6 months akong nakatulog, that's what my parents told me"

Hindi ako makapagsalita sa sinabi nya. Ewan ko ba pero biglang may kuyente na dumaloy sa kamay hanggang sa buong katawan ko.

"Ano ka oso? pagkatapos kumain, matutulog buong winter?" si Dylan.

"I don't really know what happened, wala akong sakit at hindi rin ako naaksidente. My condition is
all good at sinabi ng doctor na natutulog lang ako"

"Nang ganun katagal?" di makapaniwalang sabi ni Mig.

"Yeah.. hindi ko rin alam na pwede yun.. My mom said dahil yun sa bahay nato, may sumpa daw" naiiling nyang sabi.

Di ko maiwasang mapalunok sa sinabi nya. Ni hindi ko na magalaw ang pagkain ko habang nakikinig sa kanya. Ngayon sinasabi nya ang mga bagay na ito, unti unting may ideyang pumapasok sa utak ko. Posible kaya?

"What do you mean by that? kayo ang dating may ari ng bahay nato?" tanong ni Iñigo.

"Yeah, nagulat nga ako dahil pag gising ko sa ibang bahay na kami nakatira.. I wonder what really happened to me, sa pagkakatanda ko kasi nagbabasa ako ng libro nun" sagot nya.

✔Book ApartWhere stories live. Discover now