Nagkasalubong ang mga kilay ni Seungcheol. Biglang nadagdagan ang inis niya sa babae.

"Alin ba sa 'ayoko' ang hindi mo maintindihan? Ayokong sumampa sa pangalan ng iba. Gugustuhin ko pang makilala ang pangalan ko through my efforts, hindi yung kelangan ko pang pumasok sa isang kagaguhan psra lang sumikat" matigas ma sagot ni Seungcheol sa kaniya.

Nayeon took a step back. Seungcheol's hash words pierced through her fragile heart. She blinked away the tears. Seungcheol sighed before he turned his back at her.

"I don't want to see your face again, nagmumukha kang desperada" sabi ni Seungcheol at lumakad na.

Akala niya tapos na yung usapan pero hindi pa pala. Muli siyang napahinto nung biglang sumigaw si Nayeon.

"GUSTO KITA!"

Seungcheol was taken a back a little. But he refused to her sudden confession by walking away. Iniwan niya si Nayeon na mangiyak-ngiyak sa kaniyang kinatatayuan.

The rapper hopped in his car and drove towards his lover's pad. He took the shortcut para mas madali sa kaniyang makarating sa apartment ni Jeonghan.


Agad na bumaba si Seungcheol sa kaniyang sasakyan at tinahak ang daan papasok sa apartment ni Jeonghan. Sinalubong siya ni Jeongha, na ilang araw ng nananatili kasama si Jeonghan.

Matapos ang libing, sumama si Jeongha sa kaniyang kuya. Jeongha transferred to the Pledis U, para dun i-continue ang kaniyang pag-aaral. Hindi naman sila nahirapan sa admission dahil nga may connection sila.

Isang linggo na ang nakaraan nung ipakilala ng CEO Han si Nayeon kay Seungcheol. Hindi alam ni Seungcheol kung alam na ba ni Jeonghan ang tungkol doon. The CEO gave Jeonghan a week break for him to recover, at sa loob ng week nayun, si biglang naging tight ang schedule ni Seungcheol. It's as if, the CEO are making him super busy para hindi niya makita si Jeonghan.

Isang linggo ring hindi papasok ang dalawa sa university dahil malapit na yung debut showcase ni Seungcheol.  Hindi pa rin siya naga-agree sa proposal ng CEO. It's unjust at wala sa kontrata niya ang kasunduan.

"Kuya" tawag ni Jeongha sa kaniya.

Seungcheol took the tray from her hands, at saka umakyat papunta sa kwarto ni Jeonghan. Inilagay saglit ni Seungcheol ang tray sa side table at kinuha ang spare key ng kwarto ni Jeonghan mula sa ilalim ng doormat. Classic.


He inserted the key in the keyhole and twisted the knob. Bumukas ang pintuan, Seungcheol went inside with the tray in his hands.

Nakaupo si Jeonghan sa likod ng kama, nakaharap sa bintana. Seungcheol placed the tray on the table before he went towards his handler.

"Hannie yah" pagtawag ni Seungcheol sa kaniya.

Nakatingin sa kawalan si Jeonghan. Araw-araw na binibisita ni Seungcheol si Jeonghan, may times na matutulog siya dito para mabantayan ang kaniyang kasintahan.

Parang pinipiga ang puso ni Seungcheol nung makita niya ang hitsura ni Jeonghan. Yung damit niya, alam niyang last week pa iyon dahil yun ang sinuot niya pagkatapos ng libing. Yung buhok niya hindi na naaayos. Parang lantang gulay si Jeonghan at ang putla-putla ng kaniyang bibig.

Pretentious Habit ¤ JEONGCHEOL ✓Où les histoires vivent. Découvrez maintenant