Chapter 7

4 2 0
                                        

Tanya

Humihingal ako na nakarating sa harap ng President's office. Bongga ang ginawa kong pagtago at pag-iwas sa mga fangirls para makarating dito ng buo at hindi gula-gulanit ang damit. Ang talas ng pakiramdam nila pagdating sa akin, aba sa lahat ba naman ng mga dinaanan ko papunta dito ay may mga nakabantay.

Lumingon muna ako kaliwa't kanan, sinisiguro ko lang na naiwala ko ang mga fangirls at hindi na nila ako nasundan. Though hindi sila magtatangkang pumunta sa parteng ito ng campus, takot lang nila kay Sister President. Pero maganda na rin 'yong naniniguro.

Speaking of...

Napalunok at tinitigan ang pangalan na nakasulat sa pintuang nasa harap ko.

Sr. Theresa Andrada, O.S.B
President

Kinakabahan talaga ako. Iba talaga pakiramdam ko. Sana lang maayos ang kalalabasan nito.

Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko bago kumatok ng tatlong beses sa pinto saka ito binuksan.

Napaangat ng tingin ang secretary ni Sister President na si Ma'am Sheng saka ngumiti nang makita ako. "Tanya! Buti't andito ka na. Pasok ka."

"Good afternoon po ma'am Sheng." Pumasok ako at isinara ang pinto.

"Maupo ka muna. I'll inform Sister President that you're already here." Ani Ma'am Sheng at pumasok sa inner office, ang silid ng President.

Umupo ako sa long couch at inilibot ang tingin sa buong silid na kung tawagin namin ay outer office. Ito ang opisina ng secretary at nagsisilbing receiving and waiting area. Ilang beses na akong nakapasok dito, tinutulungan ko minsan si ma'am Sheng sa paglilinis at pag-aayos kapag weekends.

Pero sa inner office, ito ang ikatlong beses.

Makakapasok ka lang kasi sa inner office kung importante ang pakay mo o ang President mismo ang may kailangan sayo. Kahit mga staff hindi lahat nakakapasok basta-basta. Sa mga katulad naman naming mga estudyante ang SG President, Vice at Secretary lang ang nakakapasok, may pahintulot kasi sila mula mismo kay Sister President na anytime puwede nila siyang makausap lalo na kapag may problema. Sa mga ordinaryong estudyante na tulad ko, makakapasok ka lang kapag mismong si Sister President ang nagpatawag sa amin.

At kapag pinatawag ka ng President ibig sabihin may problema. Iyon ang kinkatakutan ko.

Napapitlag ako nang bumukas ang pinto at iniluwa ang nakangiting si ma'am Sheng. "Pasok ka na."

Napakagat ako ng labi at atubiling tumayo. Huminga ako ng malalim at dahan-dahang napabuga.

Napailing si Ma'am Sheng at mahinang tumawa. "Relax, Tanya." Lumapit siya at mahina akong tinapik sa balikat. "Halika na."

Marahan akong tumango at sumunod sa kanya. Napalunok ako nang kumatok at buksan ni Ma'am Sheng ang pinto ng inner office.

Relax Tanya. Inhale. Exhale. Relax.

"Sister President. Narito na po siya."

"Ms. Tarroza, please come in." Ani ni Sister. Iginiya ako papasok ni Ma'am Sheng.

"G–good afternoon Sister–" Natigilan ako at hindi naituloy ang pagbati nang makita kong hindi siya nag-iisa. May kasama siyang lalake at pareho sila na nakatingin sa amin. Nangunot ang noo ko, pamilyar kasi ang lalake.

"Please do sit down, Ms. Tarroza." Ani Sister at itinuro ang upuan na nasa harapan ng table niya saka bumaling siya kay ma'am Sheng, "Thank you, Ms. Gomez. You can go now."

Tumango si ma'am Sheng. Tinapik niya ako bago lumabas at marahang isinara ang pinto.

Pagkasara ng pinto ay tinungo ko ang upuan. Kaharap ko ang bisita ni Sister, ngumiti siya akin pagkaupo ko. Tipid naman akong ngumiti. Ilang segundo rin akong napatitig sa kanya bago ko mapagtanto kung sino siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 15, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

It All Started WithWhere stories live. Discover now