Tanya
Napangiti ako nang matanaw ang Zhutem, ang café kung saan ako nagpapartime. Sa loob ng halos dalawang taon na pagiging waitress dito ay hindi ko pa rin maiwasang ma-amaze sa theme nito.
Ang kabuoan ng café ay hugis Hello Kitty.
Hindi lang sa labas ang hugis hello kitty, maging ang mga gamit sa loob kung hindi kahugis ay may mga hello kitty designs, mula sa mga couches, throw pillows, mini tables, counters, etc. Kahit mga uniforms namin ay ganun din.
Natanong ko na minsan ang manager at may-ari na si ate Dolce kung bakit ganun ang naging theme.
Noong nagpaplano pa lang daw siya na magpatayo ng café, e, nasa plano na niya na maging kakaiba ito. Pero wala pa siyang idea nung una. Hanggang sa napadaan siya sa isang gift shop at ang mukha ni Hello Kitty ang bumungad sa kanya.
At doon nga nabuo ang theme ng Zhutem Café.
Ate Dolce is not your typical boss. Hindi siya 'yung pala-utos at nakaupo lang sa kanyang private office. Sa katanuyan wala siyang private o sariling office. Mas gusto niyang nakatambay sa kitchen at makipag-chickahan at kulitan sa amin. Mas gusto niyang makahalubilo ang kanyang mga staff. Kahit sa pagkain sabay-sabay kami. Para kasi sa kanya pantay-pantay kami.
Matulungin at understanding, karamihan sa mga staff niya ay mga working students, katulad ko. Wala kaming fixed na oras para pumasok kung anong oras ang bakante namin 'yun din ang oras ng pagpasok namin.
Sa lahat ng mga paghihirap na naranasan ko, masasabi kong si Ate Dolce at ang Zhutem ang isa sa mga naging suwerte ko bukod sa mga madre sa bahay-ampunan.
Nakangiti akong tumawid nang may mapansin akong nagpakunot ng noo ko.
Dalawang babae na nakasalampak ng upo sa sidewalk na malapit sa Zhutem.
"Paano na tayo nito, Dianne! Pagod na pagod at gutom na ako! Diaaaanne ano gagawin natiiiin!" Narinig kong reklamo ng isa sa kanila na may pagka-dirty blonde ang buhok at may suot na itim na ribbon sa ulo nang makalapit ako.
"Shattap, Florr! Shattap! Hindi lang ikaw ang gutom at pagod. Kapag di ka tumigil diyan pakukuluan kita!" Bakas ang pagkainis sa boses ng kasama niya na hindi ko alam ang kulay na buhok kung pula ba o dark orange.
Napataas ang kilay ko at pinasadahan sila ng tingin. Hindi naman kasi sila mukhang nanlilimos. Maayos ang naman ang mga suot, at sa tingin ko, e, mukha pa ngang mamahalin. Mukha naman silang normal maliban sa colorful nilang buhok.
Napailing ako, mga modus talaga ngayon.
Kibit-balikat akong dumiretso sa café. Baka budol-budol sila mahirap na. Pero nang nasa may pintuan na ako naalala ko ang pangaral ng mga madre sa amin— tumulong sa mga nangangailangan. Naalala ko rin iyong panahong tinulungan ako ni ate Dolce.
Marahas akong napa-buntonghininga saka pumihit palapit sa kanila
"Excuse me?" Kuha ko sa pansin nila. Pero parang hindi nila ako narinig dahil sige pa rin ang diskusyon nila. Napakamot ako ng ulo at nilakasan ko ang boses ko. Agad naman silang natigilan at sabay na napatingala sa akin.
"May problema ba kayo?" Tanong ko. Nangingilid ang mga luha nilang tango.
"Nawala ang wallet namin. Tapos wala kaming dalang cellphone. Pagod na pagod at gutom na gutom na kami." Ngawa ng babaeng may ribbon sa ulo.
"Kanina pa kami naghahanap ng taong pwedeng mahingan ng tulong. Pero lahat ng mga hiningan namin ng tulong dinedma lang kami. Sama ng mga ugali ng mga tao rito!" Mataray na segunda ng isa.
YOU ARE READING
It All Started With
ChickLitBook 1 Nathan Sino mag-aakala na ng dahil lang sa isang midnight sale at kape ay matutupad lahat ng hinihiling mo. Kapag si Tadhana nga naman ang magbiro.
