"No! Malalaman niyo nalang mamaya!" sabi niya saamin and ngumiti ng napakalaki. Ang cute,mukha siyang aso HAHAHAHA

"Oo na, Psh! Make sure na matutuwa kami diyan huh!" sabi ko sa kanya. Taray ko na naman! Ewan ko ba.

"Yeah! Yeah! Ikaw pa pinaka matutuwa!" sabi naman sakin ni Yelle.

So ayun nga, tuloy tuloy na ang aming klase. Tumigil lang noong Lunchbreak. Gawd! Sakit ng ulo ko. Pahirap na ng pahirap kahit kaka start palang!

Nandito kami ngayon sa cafeteria, and guess what... Ang Rayelle namin na tinatamad umorder noon nung dumating sa buhay namin sila Ainsley at sila ang nagsilbing taga order, nagpresintang umorder para saamin, at libre niya pa! Good mood nga ang batang ito ngayon! So syempre, nilubos lubos na namin!

When she left to order, nagkwentuhan naman kami kung ano ang posibleng ipakita niya saamin na ikatutuwa namin.

It could be possibly........
√BTS Tickets - pero di naman matutuwa sila Ainsley nun since di naman sila ARMY.
√Foods - pwede, matutuwa namang kaming lahat doon.
√CD ng fave movies namin - aba! Mas lalo kaming matutuwa dito! Di na kami nakakapanood ng movies ehh.

But lastly...
√Brixx Mendez's Limited Edition Magazine - dito, super super na ang kasiyahan namin. We idolize her so much. Nang mapag usapan namin ang posibilidad na yan, nahimatay sandali si ako. Dejuklang! Kunwari lang yun. Ako kasi talaga ang may pinaka idol kay Brixx. She's our role model, by the way. Napakabait niya kasi eh!

But..... Imposible yun since nagkaubusan na ang Limited Edition Magazine niya kaya napabusangot na naman kami. Haisst!

Nang dumating na si Yelle while carrying our orders. Napansin niya na nakabusangot kaming lahat.

"Oh? Anyare sainyo?" tanong niya saamin.

"WALA!" sabay sabay naming sabi kaya napataas nalang siya ng kamay like she's surrendering.

"Oo na po." sabi niya, "Yan na po mga foods niyo, kain na." sabi niya at isa isang binigay saamin ang mga pagkain namin. Ambait niya ngayon ah!

After lunchbreak, pumasok na ulit kami sa room at pinagpatuloy ang klase. Good thing, walang masiyadong gagawin! Yung kanta lang problema namin ngayon!

Nang matapos ang boring naming klase ay nagtungo kami sa parking lot para sumakay sa aming mga kotse, ofcourse, para umuwi.

Sabay sabay kaming naglakad towards our designated cars. Syempre may mga drivers kami noh! We're still not capable on driving.

Nagulat nalang kami when we saw a different car. Yun ang sasakyan ni Yelle because she's heading towards that way. Ibang iba sa sasakyan na karaniwang sumusundo sakanya. Kulay pink yung kotse niya eh. Pag marunong na kasi siyang magdrive, mapapasakanya na yung kotseng iyon kaya pink. Pero ang kotseng nakita namin ay BLACK!

The heck!?

Sumakay siya dun but before she completely put her body sa car, nagwave muna siya saamin. Wow! Ang ganda ng kotse!!

𝓗𝓸𝔀 𝓽𝓸  𝐋𝐎𝐕𝐄 𝔂𝓸𝓾 𝐁𝐀𝐂𝐊?حيث تعيش القصص. اكتشف الآن