Chapter 45

36.6K 1.1K 77
                                    

Chapter 45

"Oy, Louie! Mas bagay kayo ni Ivronsen."

"Ano ba, Andrei! Mas bagay sila ni Iverson kaya."

"Hindi. Mas bagay sila ni Ivronsen, Shane."

"Hans, diba mas may chemistry silang dalawa ni Iverson?"

"Well, I think yes. I like their aura more when they're together."

"Edi kayo magsama! LouieSon is on fire!"

"Hindi! LouieSen is on the run!"

    Padarag kong isinarado ang pintuan ng kuwarto ko. Parang mga abnormal! Nagpustahan na naman ang mga wala kuwenta kung sino ang mananalo. Si Marga at Iverson o kami ba raw ni Ivronsen. Akala nila hindi ko nalaman na pinagpustahan nila ako noong Duel, ha? Mga mukhang pera talaga!

    Dumating na nga ang araw ng pagpeperform namin. Mas kinakabahan ako dahil open lahat ng gates sa campus ng West Cannon. Maraming manonood at mangangantyaw. Naman oh! Talagang hindi na ako sasali sa susunod! Nakakatrauma!

   Suot ang isang simpleng kulay lila na dress na ipinasuot sa akin ni Ivronsen, dala ang kulay lila ko ring gitara. Si Ivronsen ay magsusuot ng kulay blue na simpleng t shirt at pantalon para raw kasi mamatch namin ang mood at theme ng kanta. Nasa isang braid ang buhok ko na gawa ni Shane at masasabi ko naman na okay lang ang itsura ko.

"Mommy? You're so pretty tonight! And even without make ups,"  puri sa akin ni Ace habang nakatitig at nakangiti. Napahalakhak naman ako at nginisihan siya.

"Really?"

"Hmm. And I ain't gonna miss your performance for tonight. It will be my first time seeing you perform in the stage. By the way, goodluck, Mom! I love you!"

    At mabuti nalang ay napakalma ako ni Ace kahit papaano. Mabuti pa 'yung bata, nakakatulong. Eh ang mga kaibigan ko?Tinatakot pa ako ng mga bwisit! Napaka supportive grabeh!

   Vivideohan daw nila tapos ipapakita nila sa lahat ng tao sa organisasyon kapag pumiyok. Ang supportive talaga nila,'no? Ang galing lang. Mga tunay na kaibigan.

    Paglabas ko sa building namin ay nakaabang na doon si Ivronsen na nakapoker face habang naghihintay sa akin kaya walang lumalapit sa kaniya. Parang isa lamang syang hangin kung lampasan ng mga ito.

"You're late for 3 minutes," malamig nitong wika at napangiwi naman ako.

    Pansin ko lang na nakakainis ang mga tao ngayon. Pressured na nga ako, papagalitan pa! Hindi ko siya pinansin marahil dahil sa kaba ko na rin. Sabay kaming naglakad papasok sa arena. Ginamit ang arena para makapasok lahat pero sa tingin ko ay kukulangin pa rin ang espasyo.

    Nagulat ako nang hinawakan ni Ivronsen ang kamay ko kaya agad na iwinaklit ko ang kamay niya.

"Maraming tao pagpasok natin. Baka mawala ka pa. Ang hirap mo pa namang hanapin dahil ang liit mo."

    Sinamaan ko siya ng tingin at tumawa naman ang mokong. Nagkibit balikat nalang ako at hinayaan siya. Agad na pumunta kami sa backstage pagkatapos at doon ay nagkita kaming lahat.

"Ang gandaaa, Louie!"

"Walang wala ang beauty ko, 'day."

"Simple pero ang ganda."

    Sa sobra at over na mga papuri niyo ay lalaki na ang ulo ko nyan. Hilaw na ngisi ang naibigay ko sa kanila at akmang susunod na kay Ivronsen nang harangan ako ni Iverson. Hinawakan niya ang isa kong balikat at inangat ang baba ko. Nagulat ako nang halikan niya ako sa noo. Ngumiti sya at tinapik pa ang likuran ko.

Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia BossWhere stories live. Discover now