Chapter 32 (Wrong timing xx)

235 10 0
                                    

Sorry sa napakatagaaaaaaaaal na update.

-

Cyan's POV

Kasalukuyan kong vinivideo si Allison dahil sila na ang sumasayaw ngayon at eto namang cellphone ko kanina pa nagba-vibrate dahil kanina pa may tumatawag kaya medyo naiirita na ako.

"Bakit ba kasi tawag ng tawag etong si Ms. President?!" in-off ko na ang cellphone ko tsaka pinagpatuloy ang pagvivideo ko.

Napakagaling at hot niyang sumayaw, remix ang sinasayaw nila kaya mas nakakapagpadagdag appeal ito. Todo cheer ako sa kanya at kinailangan ko pang makipagsiksikan sa madaming student dito para lang makapunta ako sa harap. Hindi ko na nga iniisip yung mga natatamo kong sakit dahil ang daming nakakasiko at nakakaapak sa paa ko. Hindi ko rin masyadong mavideo'han ng maayos si Allison.

Nagpunta ako sa mas malapit pa sa kanya at saktong hindi naman masyadong magulo sa part na yun kaya kinuha ko agad ang DSLR ko at tinapat lang sa kanya ito.

Natapos na ang performance nila kaya agad agad akong pumunta sa backstage para makita siya.

"Allison!" sigaw ko kaya naman napalingon siya at halata mong pagod na pagod siya dahil sa pawis na tumatagaktak sa ulo niya.

"Water, oh." sabay abot ko sa kanya.

"Meron na ako, pero salamat." at inabot pa rin ito.

Hinintay ko munang magpahinga siya saglit at sinabi kong kukuhanan ko sila ng pictures.

"Pwede bang papicture kaming dalawa? Kaming dalawa lang." paghingi ko ng pabor sa isa sa kasama niyang sumayaw.

"Sure." tsaka niya kinuha ito.

Tumabi agad ako sa kanya at lumapit.

"Thanks." sabay excited kong kinuha ang camera ko at tiningnan agad ito. Ang ganda ng kuha kaya nagpasalamat ulit ako sa kumuha ng picture naming dalawa.

"Uhmp, Alli? May pupuntahan ka ba after mo maligo?"

"I don't know. Bakit?"

"Hiniram ko kasi yung car ni mom, okay lang ba na isama kita? Roadtrip?" nag-isip muna siya saglit bago um-oo. Mabuti naman at pumayag siya.




Saan ko kaya siya dadalhin?

-

Nagpaalam na siya sa mga kasama niya, pero parang may hinahanap pa siya. Si Nathalie na naman siguro, wala naman ng bago sa kanya. Puro na lang siya.

"Nasaan na kaya siya?" mahina lang pagkakasabi niya pero narinig ko pa rin. Hindi ko na lang pinansin ito at nginitian siya pagkalingon niya sa akin.

"Let's go?" sabay tumango siya.

Dumiretso na kami agad sa sasakyan at sumakay na. Nag-shortcut ako kung saan walang pulis para 'di kami mahuli, wala pa akong license at hindi ko talaga hiniram ito sa mom ko, sa kaibigan ko lang na may sasakyan. Nag-aalangan pa nga siya kasi wala pa akong lisensya pero pinahiram pa rin naman niya agad. Laking pasasalamat ko na rin sa kanya.

"Buti walang nagche-checkpoint dito na mga pulis." sabi niya na parang kinakabahan.

"Dito talaga ako nagpunta kasi alam kong walang checkpoint dito. Trust me on this, expert na ako sa ganitong bagay." sabi ko kaya tumango na lang siya.

The Girls (Currently Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon