Chapter 42

38.2K 1.2K 154
                                    

Chapter 42

Nemesis

"Hi, Louie! Goodmorning!"

"Ohayogozaimasu, Ms. Montero!"

"Hi, idol!"

    Hindi mawala wala ang kunot sa noo ko sa mga naririnig sa paligid. Sa isang iglap ay bigla akong sumikat. Pagkatapos na pagkatapos ng Duel na naging Rank 1 ako. Hindi ko naman ikinagagalak iyon dahil hindi naman sineryoso ni Iverson ang Duel at kung ginawa nga niya ay Rank 2 lang ako.

    Kaliwa't kanan ang naririnig kong mga papuri bagama't may mga hindi pa rin ako gusto. Pake ko ba sa kanila. Hindi ako ipinanganak para magustuhan nila. Ang nakakainis pa ay sabog na sabog ang locker ko sa mga tsokolate, bulaklak at sulat na sina Genessa lang naman ang nangengealam.

"Montero, sama ka sa amin mag lunch! " aya ng isang kaklase ko nang makita nila ako na nasa locker ko rin.

   Well, the Alpha section was not really good when I first went in but weeks after, naging okay naman. Parang kalaban ng isa ay kalaban ng lahat. Kaya kahit may iba na hindi ako gusto, hindi nila hinahayaan na ibully ng kabilang section o kahit pa ng ibang grade level. They've helped me numerous times before also, lalo na sa mga notes.

   It will be a disgrace to the whole class daw kapag may bumagsak. Ant mentality yata sila dito. And that's actually good! May competition man but not to the point that they will bring others down.

   It's just that, ayaw kong makipag close. At the end of the day, aalis naman ako dito. Mas marami akong maiiwan, mas malungkot. Ayaw kong ma attach.

"Ang kapal talaga ng mukha ng mga taga college department! Hindi ibig sabihin na mas mataas sila sa atin ng year level ay gaganoonin nila tayo!" I heard another said.

"That's correct! Family matters iyon kina Montero that time, dapat hindi sila makisali. Weren't they taught of etiquette and conducts?"

    Napangiwi ako nang mahinuha kung ano ang diskusyon. Hindi pa talaga sila nakaka move on sa nangyaring commotion sa field noong practice match. Dinibdib ata nila.

"Okay na iyon, huwag niyo nang alalahanin. Ang importante, nasa section natin ang Rank 1," I pointed out not to brag but for facts. Umikot ang mata ng isa.

"Intro girl kasi iyong Margarette. She thinks no one can beat her. That does not happen all the time!"
 
"You're rubbing a salt to their wounds. Hindi pa nila matanggap na nasa senior highschool department ang nag rank 1 at accelerated pa!"
   
    I left stealthily when they were still discussing things.
   
   Sabog na sabog din ang notification ko sa fb, twitter at instagram na sana ay para lang sa business matters. Punong puno ng mga message request at friend request doon na wala naman akong ni isang inaccept. Mabuti nalang ay nakaprivate ang mga account ko kaya hanggang doon nalang ang makikita nila, ang profile at cover photo ko.

"Louie! Louie!" may tumawag sa akin hindi kalayuan at mas lalong napakunot ang noo ko nang makita si Alieth doon na may dalang banner at napakaraming kasama.

"Louie, pwede ba kaming papicture?Please?" pagmamakaawa pa nito kaya napakamot nalang ako sa ulo ko. Tumango ako at awkward na humarap sa camera. Dinumog nila ako at nag uunahan pa sa kung sino ang makakatabi sa akin kaya natagalan kami.

"Ito ang banner nyo ni Iverson, Louie. Sana kayo ang ma nominate bilang partners sa pagkanta na magaganap two weeks from now! "wika pa ni Montenegro at nagtanguhan naman ang mga kasamahan nito na ang laki ng ngiti. Napaiwas ako ng tingin at nagdadalawang isip na tumango nang makita ko na ang picture doon sa banner.

    Dalawang banner ang dala nila. Ang isa ay ang profile ko doon sa facebook ko at ang isang banner naman ay ang kay Iverson. Nakakahiya! Ang panget ko kaya doon sa profile ko.

Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon