"O-opo," nauutal ko pang sagot. Isang panalong ngiti ang isinukli nito sa akin. Napangiwi ako at may balak pang bawiin ang sinabi.

"No turning back, Ms. Montero. Your words will be kept sealed."

    At wala na nga akong nagawa. Nang maghapon ay agad na sinimulan ang practice. Tinawag kaming lahat at doon ay nagkumpulan. Napakaraming tao sa labas at hindi ko alam kung bakit ako nininiyerbyos.

    Kumakanta ako pero hindi talaga ako sanay sa entablado. Baka mapahiya pa ako kung sumimplang ako sa matataas na nota.

   Pasimpleng tumingin sa akin si Kuya at nginitian ako. Lumapit sya sa akin at tinabihan ako. Nang makita niya na nawala ang atensyon ng mga ito ay inakbayan niya ako. Siniko ko siya at pinalayo.

" Ano ba! Baka may makakita," inis na sabi ko dito.

"Ano bang pake ko kung may makakita  sa atin? Magkapatid naman talaga tayo," natatawang wika naman nito. Napairap ako. Para bang hindi nya alam.

  Naiinis na naman ako sa tuwing maaalala na sinabihan niya ang mga kaklase na. Does he really need to tell them that? That's not even the true story.

" May mga nakakaalam, Louige. It won't do you good. At may mga matang nakatingin. "

"The information inside cannot be exploited outside, Louie. It is stated in the rules. At ano bang ibig sabihin mo na may nakakaalam?"

"Hindi lahat ng narito ay mga estudyante, Louige," dagdag ko nang maalala ang insidenti noong nakaraan. " Sinabi mo raw sa kanila ang nangyari noon," wika ko.

    The incident which happened weeks ago was buried like it did not happen. Marga and Ishimiyo kept their mouths shut, as well as keeping quiet about the matter that Iverson and I are married. Given that nagdududa pa ang mga mag-aaral, hindi pa nakaka kalat ang balita.

" I did tell them a bit... But I did not mentioned any names, Nemesis. I know that's not what happened."

   Nagkibit ako ng balikat at sinamaan pa rin siya ng tingin.

"For finding your partners, I will call five of you to get one of these rolled papers. Iverson, Ivronsen, Louige, Zyrel and Ivronnezeir please stand up."

    Tumayo nga sila at bumunot na. Kinakabahan naman ako at parang natatae na ako. Sino naman kaya  ang nakabunot sa akin?

" Sana naman si Zyrel ang nakabunot sa akin," narinig kong sabi ng isang babae na may maiksi na buhok na hindi kalayuan sa akin. Magkakrus ang paa nito at mariing nakatitig kay Zyrel.

"She is Princess Trinity Lopez, nakababatang kapatid ni Dwayne Lopez. Matagal na iyang may gusto Kay Zyrel pero hmm... ikaw yata ang crush ni Zyrel dahil nga matagal na kitang  kinukwento sa kaniya. Bestfriend ni Trinity si Alieth," sabi naman ni Louige. Napangiwi ako.

     Mas bagay sila ni Trinity, ano. Tapos..  Si Dwayne at si Alieth, si Zyrel at Trinity. Ang galing! Napahilamos nalang ako sa mukha ko.

"Unroll your papers. Zyrel, please tell us whose name did you pick up."

Parang namang naiiyak si Zyrel na tumayo," S-si- Maam! Pwedeng magpalit?"

"No. You can't. Tell us now."

"Si Trinity po," impit namang napatili ang babae. Sana masuwertehan din kami. Este sana maganda ang boses ng mapapartner ko.

"Okay. Trinity and Zyrel will be the pair."

"Ivronnezeir?"

"Si Montero, maam," napatingin sa kaniya lahat matapos itong magsalita. Nahuli ko naman ang matalim na titig ni Iverson sa kapatid nya na nginisihan lang sya.

"Montero? Dalawa ang Montero dito, Ivronnezeir. Specify it."

"Si Louige, maam," humahalakhak na sabi niya.

"So, Louige and Ivronnezeir will be the second pair. There will also be a pair that are girls only."

"Iverson?"

Bumuntong hininga ito bago nagsalita. Hindi kami pares, sigurado ako, "Marga."

   Nakita kong natahimik iyong mga babae na kasama ni Alieth kanina. Nagtilian naman ang kabila kung saan nakita ko iyong mga minions ni Marga. Pinagmasdan ko ang ngisi ni Marga at hindi ko alam kung bakit ako naiirita doon.

   Napapansin ko talaga na may nag iba sa akin. Nag... nagseselos na ba talaga ako?

"Marga at Iverson for the next pair. Ivronsen?"

At ang laki ng ngiti ng kingina habang nakatingin sa akin, "Louie."

"So it is all settled now. Louie and Iverson is the next pair and Athena and Alieth is the last."

"I've given you the mechanics of this contest already. So for now, familiarize your voices with each other so you could practice officially by tomorrow. Choose your songs wisely!"

     Naiiling nalang akong napatingin kay Ivronsen na papalapit sa akin. Iginiya niya ako sa isang sulok na medyo malayo layo sa iba pang kalahok. Nang inilibot ko ang mata ko ay nagtama ang paningin namin ni Iverson. Ngumuso ito at nginitian ako kalaunan saka ako kinindatan. Napalabi rin ako at inirapan sya.

"Just a reminder, darling. Ang atensyon na dapat sa akin ay akin lang," wika nito habang nakatingin ng deretso sa mata ko.

"At hindi ako nagpapatalo so I hope you could help me defeat Marga and Iverson," dagdag ni Ivronsen. Kinunutan ko sya ng noo.

    Sino bang may sabing magpapatalo ako? Total sumali na lang din naman ako, sisikapin ko nang manalo!

  

Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia BossWhere stories live. Discover now