Napkunot ang noo ko sa huli niyang sinabi. Oo, sinabi na ni Louie sa amin na may kapatid siya pero hindi niya pa nasasabi sa amin na nagkita na pala sila ng mga kapatid nya. Napanguso ako sa naiisip. Minsan ay nakakatampop rin na hindi siya madalas nagsasabi sa amin pero naiintindihan ko naman. Hindi niya kailangang magreport sa amin.

"Bukas ay inaabangan talaga ang labanan nilang tatlo. Ang manok nila ay si Iverson at Ivronsen. Kaming dalawa ni Zyrel ay kay Louie. Malaki tiwala ko doon eh," nagpantig naman ang tainga ko sa sinabi niya. Pustahan!

Kaya kinabukasan ay mas nauna pa kaming gumising kaysa sa kay Louie. Ang laki laki ng ngisi namin habang naglalakad kami papunta sa battle area. Pumusta kami sa lola niyo syempre. Ang sarap pa naman manalo. Paanong hindi?Tatlong villa at limang lamborghini ang ipinusta ng mga hunghang. Sure ball na kami dito kay Louie lalo na kapag galit. Ang lola niyo ay parang wala lang nang magsimula na ang laban.

Ayon sa kanila, Swordsmanship naman talaga ang pinasukan ng maganda niyong lola. Pero dahil Duel, papasukin daw nila lahat ng obstacles. Ano ba iyon?

Inuna ang Archery at syempre nanguna ang bakla at pumangalawa si Iverson tapos panghuli si Ivronsen. Nasa field sila at nag papaunahan yata, hindi ko masiyadong naintindihan ang scoring dahil hindi ko nabasa ang manuals tungkol dito. Nakita kong inatake ni Iverson si Louie kaya nahinuha ko na marahil kailangan din nilang maglaban sa isa't-isa.

  Halos hindi na magkakanda uga uga ang mga babae at pati na kalalakihan sa pagsigaw at pagtili. Feeling ko ay nakikita ko na ang mga heart sa mata ng mga kalalakihan habang hinahangaan si Louie. Nakikita ko naman ang pagkairita sa mukha ni Iverson kaya panay ang pagsama niya ng tingin sa mga kalalakihan na halos mabaliw na kay Louie.

Natatawa na kami habang nakatanaw lang sa kanila at nakaupo dito sa bench. Napangiwi naman ako nang makita si Dean na tatawa tawa habang pinagmamasdan ang apo na para bang tuwang tuwa siya sa nakikita niya.

Hanggang sa shooting na kinatatakutan ko na sasablay si Louie ay naperfect pa rin ang score at sa pinakahuli na decoding. Ang sakit kaya sa ulo niyan! Kailangan may sense of logic ka dahil kung wala, naku, huwag mo nangd asahan na tama ang madedecode mong message. May mga morse code diyan at iba pa.

  Walang hirap niyang tinalo ang kambal kaya ganoon nalang ang sama ng timpla sa mukha ni Ivronsen at pati na ang mga kaibigan niya na pumusta sa kanilang dalawa kaya ang ending ay anim kaming naghahati hati sa pusta nila.

Ang hinirang na Rank 1 ay si Louie at Rank 2 si Iverson. Rank 3 si Ivronsen at nahulog sa Rank 4 si Amelynx. Rank 5 ang kapatid ni Louie at Rank 6 si Montenegro tapos Rank 7 naman 'yung Marga. Rank 8 si Fujiwara, Rank 9 si Phallashton at Rank 10 si Aguirre.

Halos hindi na nga makalabas si Louie sa battlefield dahil sa dami ng fans niya kaya natawa ako nang halos pang sapakin na niya ito. Mabuti na lamang at pumagitna si President at napigilan ang mabait niyang asawa.

"LouieSon!"

"Ahhh! New loveteam!"

"Ayoko na sa MarSon. Haha. Mas bagay silang dalawa ni Louie eh."

"Oo naman! Hindi maiicompare kay Marga si Louie. Ang astig kaya niya tapos ang chemistry nilang dalawa ni Iverson ay nakaka OMG!"

Napahalakhak nalang ako nang marinig ang mga komento ng mga madla. Madami ang boto sa kanila pero mayroon pa rin namang mga die hard fan ng loveteam ni Marga at Iverson. Napangiti ako ng matagumpay nang makita ang naiiritang mukha ni Marga. Papauwi na kami nang hinarangan kami ni Dean.

"I have something to discuss to all of you," " ani nito sa isang seryosong boses kaya napaseryoso silang lahat. Ako naman ay napangiwi nalang dahil nakikita ko ang pagpipigil niya ng ngisi. Ano na naman kayang plano ng matandang iyon?

Nang makarating sa office (kahit hindi naman talaga ako kasali) ay umupo kami. Napakatahimik ng lahat at ramdam na ramdam ang tensyon sa pagitan ng dalawa. Nakikita ko ang palaging pagnakaw ng tingin ni Iverson kay Louie pero deadma ng lola niyo. Sad naman.

"I've gathered you all because I want to tell you that I want to reward all of your excellent pereformances in the duel. Kakaiba ang mga ipinapakita niyo kaya napagdesisyunan ko na pagbakasyunin kayo-"

"Bakasyon? Ang bait mo Dean! Wala nang bawi-"

"Don"t interrupt me when I'm talking, Amelynx. As to what I have said, pagbabakasyunin ko kayo sa isang resort na pagmamay ari namin. This celebration will also serve us a welcome party for Nemesis Louie Montero for being the new secretary of the SSG and for the academy's new Rank 1! All of you can go including Louie's friends. You will stay there for one week. This announcment will be effective after two weeks, after the show off of talents in your Musical classes."

Nagngingiti ako pagkatapos ng sinabi ni Dean. Hehe. Alam kong tinutulungan kami ni Dean na pagbatiin ang dalawa at nagpapasalamat ako para doon. Okay!Pero kasama pa ba talaga si Marga? Epal naman! Napailing iling na lamang ako habang tinataliman ng tingin ang babae.

LouieSon should win! Walang hahadlang sa plano ko!

Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia BossWhere stories live. Discover now