Prologue

16 2 0
                                    

⚔♥⚔

Simula

Everything is in chaos.

Falling debris. People in panic. A loud roar. Two red piercing eyes. Sharp claws and fangs. A hideous monster is on the loose and the whole kingdom is in danger.

Pinadala na ng hari ang buong hukbong sandatahan para kalabanin ang halimaw at protektahan ang buong kaharian. Ngunit isang hampas lang ng halimaw, hindi na sila muling makakatayo pa. Unti-unting napipilay ang kanilang pwersa. The whole kingdom against the monster is a no win situation.

Wala na silang laban pa.

Hindi nila kaya.

Iyakan. Sigawan ng mga tao ang namamayani. Takbuhan. Halos magkandapa-dapa, nanginginig ang buong katawan sa takot. Kaguluhan. Lahat sila'y nanganganib ang buhay, hindi makatakas sa bangungot na nasa harapan.

Wala nang pag-asa.



"Princess Zyanna..."

Anger was hinted in the princess's radiant pink eyes. Pumikit siya nang mariin. Her teeth gritted, her fists clenched, and her desire to save everyone is burning within her.

Sa kanyang pagmulat ay muling bumungad sa kanya ang madugong pangyayari sa labas. Kitang-kita niya sa labas ng bintana ng kanyang kwarto ang halimaw na nanggugulo sa kanilang kaharian.

"The kingdom needs saving..." mariin niyang bulong. Mula sa kanyang likuran ay ang kanyang kaibigan na mababakasan ng pag-aalala sa buong mukha. Hinarap niya ito. Matatalim ang kanyang titig. "I need your help, Kas..."

Sandaling nakipagsukatan ng titig sa kanya ang pinakamalapit na kaibigan. She closed her eyes, expelled a sigh, looked at her again, and smiled.

"Well, then... You're this kingdom's princess. The decision is yours to make."

Hindi mapigilan ni Prinsesa Zyanna na mapangiti. She walked towards her vanity table... and immediately took off her crown.

"Vertae. Bellator."

Matapos banggitin ang mahiwagang mga kataga, sa isang iglap lang ay nagbago ang kanyang itsura. Mula ulo hanggang paa. Ang kanyang naka-messy bun na buhok ay ngayo'y nakalugay na. Its ash blonde curls with pink and lavender tips are smoothly cascading down to her waist. The braided parts are perfectly made.

Ang kanyang mahabang gown ay naging isang damit pang-kawal. Bold, fierce, yet stunningly gorgeous. Isang tube top, and three inches above the knee - length skirt. May itim na mahabang gloves siya sa magkabilang braso, at may suot na itim na boots. Sa gilid ng kanyang bewang ay ang isang scabbard na naglalaman ng isang espada.

Every detail of her attire shouts determination.

Napangiti siya. Saka minulat ang mga kulay rosang mata na mas lalong tumingkad, habang nakatingin sa kaibigan.

She is no more a princess. But a warrior on a duty to defeat every force of evil.


Binanggit ng kaibigang isa ding prinsesa ang parehong mga kataga. She also transfigured into a warrior princess.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 07, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Immortal SwordsWhere stories live. Discover now