Kazumi's POV

Muntikan na 'yon! Akala ko mahuhuli niya na ko! Buti na lang nakaalis na ko do'n kaagad bago pa siya magising. Nandito ulit ako sa pwesto ko kanina. Pinagmasdan ko ulit siya tsaka tumayo. Tiningnan ko muna siya bago magpasya na umalis na. Naglakad na ko pabalik sa room at kasabay na tumunog ang bell hudyat na mag-uumpisa na ang klase.

Malapit na ko sa room nang bigla ako makaramdam ng gutom. "Nagugutom pa ko. *pout*"

Napahawak ako sa leeg ko. Teka, parang may iba? Parang... Y-Yung kwintas ko nawala! Omo. Hala, nasaan na 'yon? Di pwede mawala 'yon. Bigay sakin ni dad 'yon. Hala.
Tiningnan ko ang leeg ko. Nawala talaga! Naku, paano na 'yan?

'Balikan ko kaya lahat ng pinuntahan ko kanina? I'm sure na dito lang sa school nawala iyon but it's already time. A-Ano...! Mamaya na nga lang! Sana mahanap ko pa.'

Pumasok na ko sa room habang iniisip ko pa rin ang kwintas ko. Ayokong mawala iyon, mahalaga 'yon sakin.

Nang matapos na ang klase ay dali-dali akong tumakbo papalabas ng room upang balikan ang mga pinuntahan ko kanina rito. Nagpunta na ko sa canteen, sa bench pati sa hallway at kahit yung mga lugar na di ko pa napuntahan ay wala akong mahanap na kwintas. Hindi kaya...

Dali-dali akong tumakbo papunta sa garden sa likod ng building na pinuntahan ko kanina. Pagkarating ko doon ay agad kong hinanap ang
kwintas ko roon. Nagbabakasakaling makita ko iyon dito.

"Where is it? I hope it's here." Halos nilibot ko na ang lahat pero di ko pa rin makita yung kwintas. Paano na 'yan?

*sniff*

Nanlulumong tumayo ako at napagpasyahan kong umuwi na lang. Umalis na ko sa garden at habang naglalakad ako papuntang gate ay hindi pa rin mawala sa isip ko yung kwintas ko. Kung may makapulot man 'yon, sana isauli niya. Napakaimportante no'n sakin.
'Sana...'

"Eloise? May problema ba?" Napaangat ako ng ulo. Pagkakita ko sa kanya, gusto kong maiyak.

Niyakap niya ko. "S-Steph-chan."

"Hey, what's the matter? Did something happen?" Umiling lang ako at umalis ako sa pagkakayakap niya sakin.

"Wala naman. I'm okay." ngumiti lang ako sa kanya.

"Steph-chan, mauna na ko ha? I'm not feeling well and I want to rest na."

"It's okay. Take care. Get well soon."

"Yeah. I will. Thanks. Ja ne." I waved my hand before I leave.

Pagkalabas ko sa gate nandoon na si dad na naghihintay sakin.

"Hey, is there a problem?" he asked.

"Nothing." ngumiti ako.

"You sure?" sabi niya na di kumbinsido sa sagot ko.

"Yes dad. It's nothing. Let's go na po? I want to take a rest. This is a tiring day for me."

"Okay." Sumakay na si dad sa kotse kasunod ako. Pagkatapos ay pinaandar na ni dad ang kotse saka umalis.

Hey, Mr. WeirdoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon