Chapter 5

3 2 0
                                    

Kazumi/Eloise's POV

Three weeks has passed and we're here in the bench. It's already our breaktime.

"Tulala ka na naman." Napatingin ako kay Steph-chan.

"Eh kasi naman eh~"

"Like duh? Three weeks na ang nakakalipas and you're still can't get over it. Want me to sabunot you?"

"Ang galing niya kasi." mahinang sabi ko at tumungo sa desk.

"Iba na 'yan." sabi ni Steph-chan tsaka kumagat ng cupcake na binili niya. Umayos ako ng upo.

"Chloe-chan, sayo na lang 'tong pagkain ko. Di ka pa kumakain eh."

"No, thanks. I'm on a diet." she said while her attention is still on her phone.

"Ahh, okay."

'Hayy, ano ba ang pwedeng magawa?'

Napatingin ako sa kabilang side ko at sa di kalayuan ay nakita ko siya. Eh kung sundan ko kaya siya? Hehe.

Tumayo ako. "Guys, may pupuntahan lang ako. Sige~" Umalis na ko agad.

"Sa--"

Hindi ko na narinig ang sinabi ni Steph-chan dahil tumakbo na ako agad. Okay, nasaan na kaya siya?

'Ayun!'

Nakita ko siyang naglalakad papunta sa kabilang building. Anong gagawin niya do'n?

Sinundan ko siya. Medyo malayo ang pagitan ko sa kanya dahil baka mahalata niya na may sumusunod sa kanya.

Nakarating na kami sa building pero instead sa loob ng building siya pumunta, sa likod siya dumiretso. There's a garden behind that where you can rest. Sinundan ko ulit siya hanggang sa makarating kami sa likod ng building. Nagtago muna ako dito sa may pader. Kami lang ang nandito. Pinagmasdan ko siyang humiga sa may damuhan at tiningnan ang kalangitan. Napatingin di ako sa kalangitan at binalik ang tingin ko sa kanya. Ano kaya ang iniisip niya? May problema kaya siya? I want to ask him those questions pero baka layuan niya lang ako dahil do'n, hindi naman kasi niya ako kilala eh. Ako lang ang nakakakilala sa kanya.

Nasa kalangitan lang nakatuon ang mga paningin niya habang nagbubunot ng damo at nilalagay niya sa kabilang side. Medyo kakaiba. Pinagmasdan ko lang siya mula dito sa pwesto ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito sa tuwing nakikita ko siya. Hayy, will he notice me someday?

'Parang malabo.'

I took my phone and I opened my camera. I took a picture of him from here. Remembrance man lang hehe. Nang mapansin kong natutulog na siya, naghintay muna ako ng ilang minuto bago ako umalis sa pwesto ko at lumapit sa kanya.

Pagkalapit ko nakita ko siyang mahimbing na natutulog. Nakita ko ang mukha niya ng malapitan.  Bakit hanggang sa pagtulog niya ang gwapo niya pa rin?

Pinagmasdan ko lang siya. One time ko lang siya nakitang ngumiti pro madalang ko lang siya makitang may kasama, kadalasan nakikita ko lang siya na mag-isa. Wala ba siyang taong ka-close niya rito? Tapos medyo napapansin kong nilalayuan ka ng ibang mga tao. Bakit may nagawa ka ba? Hindi ka rin naman ganun kapayat, tama lang pero never kong nakita kang nakipag-usap sa babae. May problema ka ba? Okay ka lang ba? At ang tanong bakit ang dami kong tanong? Nababaliw na ba ako? Hayy, nababaliw na siguro ako.

His POV

Nagmulat ako ng mata nang maramdaman kong parang may nagmamasdan sakin pero wala naman akong nadatnang tao sa harap. Pakiramdam ko lang ata. Makatulog na nga lang ulit.

Hey, Mr. WeirdoWhere stories live. Discover now