"Ano pa bang dapat kong gawin para mapatawad mo ako?" Axxxel asked with a serious face expression.

"Anong sa tingin mo?" sagot ni Kuya. Anong ibig sabihin nitong si Kuya. Hindi ko ma-gets ang ibig niyang sabihin.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Axxxel na kanina pang tumatakbo din sa isip ko. Halos naguguluhan na rin ako sa mga nangyayari ngayon. Hindi ko alam kung ano pa ba ang dapat gawin nitong si Axxxel para mapatawad siya. Seryoso ang usapan namin ngayon pero napalitan ang seryoso naming mukha nung marinig kong may sinabi si Kuya na ikinapalakpak ng tenga ko.

"Jowwwke!"

Napalitan ng masayang expression ang mukha namin ng sabihin ni Kuya ang salitang yun. What does it mean? All of that conversations it's a joke? Napatingin kami sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko kahit na alam ko na nagbibiro lang siya.

"Okay na. Nakapasa siya!" nakangiting sagot ni Kuya. So isa lang palang pagsubok yun para malaman niya na hanggang saan ang aabutin ni Axxxel.

"Ibig mong sabihin pwede ko na ulit ligawan si Gabriela?" masayang tanong ni Axxxel.

"Yes. Walang perpektong tao na hindi kayang magpatawad. Minsan narin kase ako niloko ng isang tao. Alam kong masakit ang ma-reject kaya ayaw kong iparanas sa iba ang naranasan ko." sabi ni Kuya.

Kaya pala. Sabi ko na nga ba may laman ang mga pinagsasasabi niya eh. May hugot.

"Oh my g, totoo?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo basta yung limitation always remember para hindi mapagalitan, Ela!"

"Yes naman. I'll always remember that." masayang niyakap ko si Kuya kahit na hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyayari. "Axxxel, aasahan kong hindi mo sasaktan muli
'tong Kapatid ko. Kapag sinaktan mo yan ako ang makakalaban mo!" usal ni Kuya ng may pagbabanta.

"Promise po. Hindi ko na muling sasaktan ang Kapatid mo." masayang sagot ni Axxxel.

*****

Ilang araw narin ang nakalipas simula nung pumayag na si Kuya sa muling panliligaw ni Axxxel. Naglalakad ako ngayon sa may hallway ng pinagtatrabahuhan ko ng bigla kong nakita si Axxxel na may dalang bouquet ng flowers at chocolates. Hindi niya man lang ako tinext para makapaghanda ako ngayon. Ang haggard ng face ko ngayon daig ko pa yung losyang na babae.

"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko. As in wala talaga akong kaide-ideya.

"Gusto lang kita bisitahin." sagot niya sabay bigay ng bulaklak sakin. Si Barb's tuloy kilig na kilig habang nasa gilid ko.

"Bakla ka. Kelan pa kayo nagkabalikan?" bulong ni Barb's na tila gulat na gulat sa kanyang kinauupuan.

"Nung nakaraang araw lang." sagot ko.

"Kain tayo?" yaya ni Axxxel.

"Sama ako." pagsisingit ni Barb's.

"Sure. Let's go!" pag-sang-ayon ni Axxxel.

Pagdating namin sa isang fast food chain na malapit dito sa may workplace ko. Mabilis na umorder ng pagkain si Axxxel sa may counter habang hinihintay namin ni Barb's ang pagbalik ni Axxxel. Nakuwento niya yung tungkol sa kanila ni Iñigo. Sinabi niya ang mga dapat sabihin na hindi naman dapat ikwento.

"Alam mo dinala ako ni Iñigo kagabi sa may motel. Akala ko nga kung saan niya ako dadalhin." pagkukwento niya na nakangiti.

"Oh anong ginawa ninyo sa motel?" tanong ko. Inosente kase ako.

"Edi nagchurbahan." sagot niya.

Seryoso? Ginawa nyo yun?

Nanlaki yung dalawa kong mata nung marinig ko ang sinabi niya. Hindi ko ma-imagine na pinatulan ni Iñigo 'tong si Barb's sabagay maganda naman sya.

"Seryoso pinatulan ka nun?" naguguluhang tanong ko.

"Oo naman. Nilasing ko kase siya kagabi." sagot niya.

Akala ko ba dinala siya ni Iñigo sa motel tapos nilasing niya? I can't believe it. Siguro may tinatago 'tong babaeng 'to.

"Yung totoo?" tanong ko sa kanya. Hindi kase talaga ako makapaniwala na gagawin ni Iñigo na dalhin siya sa motel. Asa pa siya na gagawin ni Iñigo yun.

Napabuntong hininga siya ng malalim sabay ngiti. "Okay! Okay! Nag-inuman kase kami nila Ivan at nung iba pa nating ka-trabaho. Nung nalasing si Iñigo sabi ko sa kanila na ihahatid ko siya tapos yun imbes na dalhin ko siya sa bahay niya sa motel ko siya dinala para masolo ko." pagpapaliwanag niya.

"Gaga ka talaga. Paano kung mabuntis ka? Mapapanagutan ka ba niya?"

"Maybe?" hindi sigurado nyang sagot sakin medyo nag-aalangan pa kase yung tono ng boses nya.

"Eto na yung mga pagkain." rinig kong sabi ni Axxxel habang papunta sa amin bitbit ang tray na may rice at fried chicken. Mabilis na nilapag ni Axxxel ang mga pagkain tapos nagsimula na kaming kumain.

"Bakit parang ang tagal mo?" tanong ko habang kumakain.

"Pasensya na. Ang dami kaseng umoorder."sagot niya.

The Stepbrother (Published Under F&L Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon