"Oh bakit ka naluluha?" nakangiting tanong niya matapos tumulo yung luha ko.

"Thankful lang ako..."pinunasan ko yung luha ko gamit ang palad ko bago magtuloy. "..kase hindi mo ako iniiwan kahit na may nasabi akong hindi maganda sayo kanina." pagtutuloy ko.

"Alam mo namang Kapatid kita at bunso ka namin. Kaya no matter what happen magiging isang mabuting kuya ako sayo!" lahad niya. "Payakap nga sa bunso kong Kapatid." niyakap niya ako ng sobrang higpit yung tipong wala ng bitawan. Inuga-uga niya yung pagkakayakap sakin tapos kumalas din siya pagkatapos.

"Sige pahinga ka na ulit. Paggising mo tapos na 'tong ineencode ko."

"Sige. Salamat!"

Tumayo na si Kuya patungo sa may silya at agad  na umupo para gawin ang ipinapa-encode ko. Bago siya magsimula tumingin siya sakin saglit tapos nginitian niya ako. Nginitian ko rin siya at ibinaling niya na yung atensyon sa may laptop.

*****

Mag-aalas otso na ng gabi  ng ako ay muling magising. Nakita ko si John na naka-rest na ang ulo sa may laptop. Mukhang napagod siya sa kakapindot ng keyboard.

Mula sa paghiga ko. Bumangon ako para puntahan ito para tingnan kung tinupad niya yung sinabi niya kanina bago ako makatulog.

"Natapos niya nga." mahinang pagkakasabi ko. Bakit hindi siya nahiga sa kama niya ang laki-laki ng ibinili ko hindi niya gagamitin.

"John!"

Pinilit ko siya para gumising para lumipat sa kama niya na binili ko pa nung nakaraang araw.

"John!"muling paggising ko.

Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang dalawang mata habang nag-iinat ng kamay.
"Nakatulog na pala ako." wika niya tapos napakunot siya ng noo. "Bakit ka bumangon? "tanong niya sakin ng may pag-aalala.

"Don't worry kuya I'm fine!" sagot ko.

"Sure ka?" paninigurado nya.

"Yes!" maikling tugon ko.

Napatingin siya sa wristwatch niya para tingnan yung oras. "Alas otso na pala ng gabi."

"Kuya, salamat dito ha!" tinuro ko yung ginawa niyang inencode kanina.

"Always welcome!" napangiti siya sakin tapos niyaya niya akong kumain sa baba. "Kain muna tayo!"

"Let's go. Gutom narin ako eh!" sagot ko sa kanya habang nakangiti.

Pababa na sana kami ng kusina ng biglang naalala niya yung kondisyon ko. "Kaya mo na ba?" he asked. "Kung hindi mo pa kaya, hahatiran na lang kita dito." dagdag pa niya.

"Kuya, kaya ko na. Huwag kang mag-alala kayang-kaya ko na."

"Okay!" sagot niya sakin saka kami bumaba ng sabay habang inaalalayan ako sa paghakbang sa may hagdanan.

Nang makarating kami ng sala. Nakita ko si Barbara na nakaupo at kinakausap si Yaya Vicky. Ewan ko lang kung ano yung pinag-uusapan nila. Atsaka anung ginagawa niya dito.

"Ayan na pala yung magkapatid." rinig kong sabi ni Yaya matapos matuon ang pansin sa aming dalawa.

"Kamusta ka na? Bakit hindi mo sinabi na masama na pala pakiramdam mo pumasok ka pa?" tanong ni Barb's namay pag-aalala.

The Stepbrother (Published Under F&L Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon