"Friend ko po!" my answered while smiling.

"Oh sya don't forget, Ms. Custodio." paalala niya bago umalis.

"Thank you po!" pahabol na pagpapasalamat ko kay Sir dahil na-appreciate nya yung ginawa namin ni Axxxel na cupcakes.

Nang makaalis na yung lalaking nag-abot sakin ng files. Niyaya naman ako ni Barb's na samahan ko siya na mag-lunch. Pumayag ako tapos bumaba na kami gamit ang elevator.

"Alam mo inaccept na ako ng stepbrother mo." sabi niya habang naglalakad kami palabas ng kumpanya para kumain sa carinderia na paborito naming dalawa kainan.

"Nice!" maikli kong tugon tapos napatingin siya sakin ng diretso as in mata sa mata, ngipin sa ngipin.

"I think may problema ka. Sabihin mo na!" pagpipilit niya kaya natigilan ako sa paglalakad.

"I said. I can manage it okay!" sabi ko before continuing sa paglalakad.

"Sabihin mo..I can't manage it!" pang-aasar niya.

*****


Pagkatapos naming kumain agad na dumiretso kaming office para simulan ko na ang inuutos saking encoding of documents for the presentation tomorrow. I'm not sure kung matatapos ko ito ng tamang oras at kailangan na ito bukas. While I typing the word 'managerial' nakaramdam ako ng pagkahilo at medyo sumakit yung ulo ko kaya napahawak ako sa aking sintido. Minasahe ko ito ng dahan-dahan at binalewala ko na pagkatapos.

Pakiramdam ko magkakasakit ako parang ang sama ng pakiramdam ko ngayon. Pakiramdam ko matutumba ako tapos ang bigat-bigat pa ng katawan ko pero kailangan kong matapos ito para magamit na bukas.

"Bakit ngayon pa?" sabi ko ng mahina habang napapailing.

Hindi ko na alam kung kakayanin ko pang umuwi ngayon pagkatapos ng trabaho kong ito. Sa dinamidami ng araw na pwede akong magkasakit bakit ngayon pa.

This time parang gusto ko ng umuwi dahil parang nabibiak ang ulo ko sa sobrang sakit parang binabarena at tinatanggalan ako ng kung ano dito sa ulo ko.

"Sana pauwiin mo pa ako." wika ko habang nagta-type. Gusto ko pang makauwi sa bahay bago ako himatayin dito sa work ko.
"

Makapagpahinga muna baka kulang lang ako ng tulog." sabi ko sabay nirest ko yung ulo ko sa may table para pumikit saglit.


Makalipas ang ilang minuto kong pagyuko maski papaano nabawasan ito ng sakit grabe hindi ko na alam ang gagawin ko kanina.

Nang mangalahati na ako sa tina-type ko mga bandang 4:30 pm na ng hapon. Muling sinumpong ako ng hilo at sakit ng ulo. Ouch. Heto na naman siya. Muli akong napahawak sa magkabila kong sintido kaya napatayo ako para iligpit na ang mga gamit ko. Gusto ko ng umuwi para makapagpahinga.

Saktong alas singko nung niyaya ko si Barb's para umuwi na. Sabi niya mauna na raw ako dahil may mga kailangan pa siyang tapusin. Sa pagsakay ko ng elevator pakiramdam ko matutumba ako pero pinilit ko paring hindi magpatumba at magpatalo.

Nang marating ko ang pinto para makalabas na ng kumpanya. Merong lalaki ang kumuha sa may bitbit kong bag na may lamang laptop at mga files. "Bitbitin ko na yan!" saad niya. Napatingin ako sa kanya tapos napansin kong napakunot siya ng noo. "Bakit ka namumutla? Okay ka lang?" tanong ni Kuya John matapos ko syang makita.

"I'm not feeling well." sabi ko habang napapahawak parin ako sa may sintido ko.

"Gusto mong dalhin kita sa hospital?" tanong nya na may tonong pag-aalala.

"No. Konting pahinga lang 'to magiging okay na rin ako." matamlay na sagot ko.

Paglabas naming pinto nakasalubong namin si Kia at Lian na papasok sa loob ng Company napatingin sila sa amin ni Kuya na tila nalilito.

"Boyfriend niya kaya yun? Ang gwapo ha!" rinig kong sabi ni Lian pero binalewala ko lang iyon dala ng sakit ng ulo ko.

Nang makarating kami sa motor niya muling inabot sakin yung bag kong dala. Inabot niya din sakin yung extrang helmet atsaka niya ako pinasakay sa motor pero paano niya nalaman na dito ako nagwo-work. Hindi naman naka-open yung phone ko para ma-detect niya ako gamit yung navigation.

"Kuya, paano mo nalaman yung pinagtatrabahuhan ko?" takang tanong ko.

"Nagpasama ako kay Kuya Ryan." sagot niya sakin ngunit nasaan siya? Bakit hindi ko makita? Sabi ko na nga ba eh magkakasundo sila nito.

"Guys!" rinig kong sigaw kaya natuon yung atensyon ko dito. "Kanina pa ba kayong naghihintay?"tanong niya sakin habang may hawak na paper bag na may lamang burger.

"Hindi naman. Kakadating lang namin nitong si Ela. Sakto lang." sagot ni Kuya John.

"Tara na!"pagyayaya ni Kuya Ryan.

Nasa gitna ako ng dalawang lalaki habang naka-motor kami. Okay narin ito hindi delikado ang position ko kahit matulog ako may gagabay sakin para hindi matulog.

"Ela, kumapit ka sa tiyan ko." pag-uutos niya nung mapansin niya na nasa dalawang hita ko yung dalawa ko ring kamay.

"Hindi na." pagtanggi ko.

"Huwag mo munang isipin yun. Safety first ang kailangan mo. Kaya ilagay mo na yung kamay mo sa lower chest ko." pag-uutos niya pa.

Bakit iniisip ko ba yung bagay na yun ngayon. Ang sakit kaya ng pakiramdam ko ngayon. Ayokong ma-stress ngayong oras na ito. Kaya sinunod ko na lang si Kuya John sa inuutos niya. Akma ko siyang niyakap ng dahan-dahan sa may bandang lower chest. Ayoko sanang lagyan ng malisya kaso naramdaman ko yung mga pandesal niya sa tiyan.

"Susunod ka din pala eh!" rinig kong sabi niya habang nakatingin sa daan.

Ilang minuto pa bago kami makarating sa bahay. Habang nasa gitna ako. Naramdaman ni Kuya Ryan ang katawan kong mainit. Chineck niya yung temperature ko sa leeg para pakiramdaman ako.

"May lagnat ka?" tanong ni Kuya Ryan nang may pagtataka matapos akong hawakan sa leeg.

"Masama lang pakiramdam ko." matamlay kong sagot. "Gusto kong matulog." wika ko.

"Mag-rest ka na lang sa likod ko." pag-uutos ng stepbrother ko. I rest my head sa likod nito. Hindi ko na kaya talaga ang antok ko. Pakiramdam ko pa para akong magha-hallucinate ngayon.

"Gigisingin na lang namin ikaw kapag nasa bahay na tayo!" rinig kong sabi ni Kuya Ryan. Tumango lang ako habang nakapikit at dito na ako unti-unting nawalan ng diwa hanggang sa makatulog na ng hindi ko namamalayan.

The Stepbrother (Published Under F&L Publishing)Where stories live. Discover now