"Okay lang. Pwede mo ba akong samahan mamaya?" pakiusap ko.

"Bakit sino gagamit ng kama?" takang tanong niya.

"Si John yung stepbrother ko. Dito na kase siya titira next week." pagpapaliwanag ko.

"I think gwapo yan?" panghuhula niya.

"Kuya paano niyo nalaman?" takang tanong ko habang nakangiti.

"Sa social media. Nagpost kaya kayo ng mga pictures nung ikinasal Mame mo!" sagot nya. Napatango lang ako tapos binuhat na namin yung kama para ilagay sa may kabilang sulok.

After that, kinuha na ni Kuya Ryan yung L300 na Van namin para pumunta na ng furniture shop para bumili ng isang kama para kay Kuya John.

Habang nasa biyahe kami, tumawag si Kuya John through video call. I tap the answer button tapos nagsimula na kaming mag-usap.

Siya: "Kamusta, my little sister?" tanong niya sakin habang nakangiti ng malaki.

Ako: "Okay lang naman. Eh ikaw?" pagbabalik ko ng tanong.

Siya: "Eto nag-aasikaso parin. Gusto ko na talaga ikaw makasama." wika niya na medyo malungkot yung tono ng boses.

Ako: "Don't worry soon magkikita na tayo!" I said. Nang makita niya si Kuya Ryan sa video call nagkaroon ng expression ang mukha niya na para bang sinasabi niya sino yung kasama ko.

Siya: "Tito mo?" he asked.

Ako: "Si Kuya Ryan yan katiwala namin sa bahay. Alam mo ipapakilala kita dito soon for sure magkakasundo kayo nito." sagot ko habang nakatapat sa aming dalawa ni Kuya Ryan yung Camera.

Siya: "Oh sige. Bye. May ginagawa pa kase ako sa shop kaya ituloy na lang natin next time ang pag-uusap."

Ako: "Sige Kuya, ingat!"

Siya: "Kayo din. I Love You!" Ang sweet naman.

Call Ended

Kuya Ryan smiles a little while he looking at me. Napabuntong hininga ako nung narinig kong nagsabi ng salitang I Love You si John. First time ko kaseng narinig sa kanya ang salitang yun that feeling na ang swerte ko sa kanya dahil naging stepbrother ko siya. Bihira lang kase magkaroon ng ganyang klaseng Kapatid. Sweet, mabait, gwapo, at higit sa lahat mapagmahal.

"Nandito na tayo!" wika niya.

"Mulawin Furniture Shop." basa ko rito saka kami bumaba.

Pagpasok namin sa loob ng shop. Agad na bumungad sa amin ang isang babaeng saleslady. Binati kami nito at ipina-assist kami nito sa isang lalaking may katangkaran siguro salesclerk siya rito. Maputi, gwapo at magalang.

"Good Afternoon Ma'am and Sir. Ano pong hanap nyo?" tanong niya sa amin habang nakangiti.

"Meron ba kayong bed na kahoy. Pwedeng patingin?" tanong ko rito.

"Yes, Ma'am. Follow me!" wika nito.

Nagpunta kami sa may Bed Area na kung saan dito makikita ang napakaraming mga design ng kama. May gawang mahogany, kamagong, acacia, yakal, molave at kung anu-ano pang klase ng kahoy. Meron ding gawa sa metal steel, metal, iron steel, aluminum, stainless at marami pang iba.

The Stepbrother (Published Under F&L Publishing)Onde histórias criam vida. Descubra agora