"Bakit wala ka pang girlfriend?" tanong ng isip ko sa imahinasyon.

"Boyfriend kase hinahanap ko. Hindi girlfriend!"  Sagot niya naman sa imahinasyon ko.

Oh my god! Mali 'tong iniisip ko. Hindi siya bakla. Lalaki siya.
Habang napapailing ako napansin niya ito kaya kinalbit niya ako sa kamay.

"May problema?" tanong niya sakin na may pagtataka.

"May gumugulo kase sa isip ko." sagot ko.

"Ano yun? Sabihin mo baka matulungan kita!"

"Bakla ka ba?" I asked na medyo nahihiya pa.

Natawa siya sa sinabi ko. "Hahaha!!Seriously?" tanong nya sakin habang natatawa.

Napatango naman ako. Sana hindi sya baklush.

"Yes!"

Tama ba itong naririnig ko? Nag-yes sya?

Napatulala ako sa kanya na tila nagulat dahil sa nalaman. Feeling ko ngayon yung mundo ko magugunaw shet sayang ang kagwapuhan. NOOOOOOOOO!!!!

"Seriously?" tanong ko na so ra talagang hindi ako makapaniwala.

Tumawa siya ng malakas tapos nag-peace sign siya. "Joke!" pagbabawi niya. Whoo, nakahinga rin akala ko totoo na. "My abs kaya ako. May malalaking muscles tapos yan lang pala ang tingin mo sakin."  lumungkot yung expression ng mukha niya. Na-offend ko yata?

"Akala ko kase... tapos wala ka pang girlfriend."

"Masaya na ako kung anong meron ako. Ang mahalaga masaya ako at yung buong pamilya natin."

"Buti ka pa hindi mo hinahanap yung love life. Unlike sakin halos mabaliw na ako kakaisip dun sa Axxxel na yun!"

"Kalimutan mo na kase yun. May mahal na siyang iba at huwag ka ng umasa na babalik pa siya sayo!"

Matapos naming kumain nagprisinta na ako na ang maghuhugas ng pinagkainan namin tutal nasa bahay niya ako. Ayoko rin naman maging isang tamad na kapatid na umaasa sa Kapatid. Ang gulo di ba? May hang over eh pagpasensyahan niyo na.

*****

Pag-uwi naming bahay. My cousins and other relatives smiling at me. Siguro natatawa sila dahil sa kagagahan ko kagabi. Inakbayan ako ni Mitch at binulungan.

"Malaki hane!" bulong niya sakin. Nagtaka ako dahil dun kaya yung isip ko kung anu-ano na ang iniisip na green.

"What did you mean?" tanong konsa kanya ng may pagtataka.

"Yung pasensya niya." tinuro nito yung stepbrother ko. "Pasalamat ka mabait yang Kuya mo. Niyakap-yakap ka pa niyan habang umiiyak ka!"

Totoo? Ginawa nya yun? Bakit wala na akong matandaan? Sa susunod hindi na ako iinom ng sobra-sobra. Akala ko pa naman alam ko yung ginagawa ko. Akala lang pala yun!

Naupo kami ni John sa may Sofa kasama sina Dennis, Mitch, Marie at iba pa. Halos wala akong maipakitang mukha sa kanila. Gusto kong magpalamon na lang sa lupa dahil sa kahihiyan ko ngayon.

"Kamusta namang Kapatid si Ela?" tanong ni Ate Maui na nakaupo sa may kabilang sofa.

"Okay naman po. Makulit!" sagot ni John habang natatawa.

"Guys, sobra bang nakakahiya yung ginawa ko kagabi?" tanong ko sa lahat.

"Suuuuuuupppper!!!!" sagot ni Dennis.

"Gusto mo isa-isahin namin ang ka-dramahan mo?" tanong ni Mitch habang natatawa.

Sasagutin ko ba ito? Huwag na lang kaya? Ang gulo ng utak ko ngayon. Dahil gaga ako haharapin ko ito.

"Oh sige!" sagot ko sa sinabi ni Mitch.

"Una.."natigil si Mitch sa pagsasalita dahil napatakip ako ng tenga.

"Huwag mong takpan. Ako bahala sayo!"wika ni Kuya habang tinatanggal yung kamay ko sa may dalawa kong tenga.

"Una, umiyak ka ng pahagulgol dahil sa ex mong manloloko idinamay mo pa Dade mo. Pangalawa, nagtapat ka sa Kapatid mo na love at first sight ka. Pangatlo, sa sobrang ka-dramahan mo napilitang yakapin ka ng Kuya mo. Pang-apat naglupasay ka!" kwento ni Mitch.

"Sobrang nakakahiya pala. Yun lang ba?" tanong ko.

"Meron pa!" sabi ni John na ikinakuha ng atensyon naming lahat.

"Ha? May nakalimutan ba ako?"takang tanong ni Mitch habang binibilang sa daliri niya yung mga nangyari. "Wala na ah!" turan nito habang nakakunot yung kanyang noo.

Eto na yung kinakatakutan ko. Baka totoo yung nasa isip ko kanina.

Nagsimula ng magsalita si John. "Yung last.." nahinto ito sa pagsasalita dahil pinag-iisipan niya pa kung sasabihin niya ba o hindi. Tinignan kaming lahat ni John isa-isa. Yung kabog nang dibdib ko palakas na ng palakas.

"Yung last, binuhat ko siya mula sa motor ko hanggang kwarto ko. Mabuti na lang malakas ako." sambit nya tapos napatingin siya sakin. "Pasalamat ka may muscles ako. Kung wala hahatakin kita papasok." pang-aasar  niya.

"Ang bait mo naman." pagpupuri ni Mitch rito.

Ano bang pwede kong gawin para gantihan sila? Ayun. Habang nakaupo sila sa may sofa, tumayo ako at yumuko-yuko sa harapan nila habang sinasabi ko yung magic word na "I'm really sorry...hindi na mauulit!"

Hinatak ako ni John kaya napaupo ako sa may hita niya. "Anong ginagawa mo?" tanong niya sakin nang may pagtataka.

"Humihingi ng tawad dahil sa kagagahan kong ginawa." sagot ko habang magkaharap yung mukha namin.

"No need. Tanggap namin. Nalasing ka lang nun. Okay?"

Hinalikan niya ako sa may ulo ko tapos pinaupo niya na ako sa may sofa.

"Alam nyo nakakainggit kayo!" wika ni Mitch.

"Don't forget guys baka ma-fall kayo sa isat-isa magkapatid na kayo!" paalala ni Ate Maui.

Ayoko na sa set up kong ito parang hindi ko keri.

The Stepbrother (Published Under F&L Publishing)Where stories live. Discover now