"Ang ganda mo, anak!" she said tapos binalikan ko lang ito ng isang matamis kong ngiti.

Nang makarating na akong sala, uupo na sana ako kaso pinigilan ako ni Auntie Betty na nakaupo din sa Sofa. Pinigilan niya ako baka kase raw na magusot yung suot kong gown sayang naman daw. Nangangalay na kase ako kanina pa. Naka-heels pa ako tapos pakiramdam ko pa matatapilok pa ako. Umalis si Auntie Betty para pumuntang kwarto ni Mame kaya ang naiwan na lang dito ay ang friend ko at mga pinsan.

"Ya, pwede po bang pakikuha yung tsinelas ko sa room." pag-uutos ko.

"Okay Bebe!"

Habang hinihintay ko ang pagbalik ni Yaya. Napalingon ako sa may pintuan na kung saan bumukas ito matapos may kumatok. Isang lalaki ang nakita ko na nakakuha ng aking atensyon. Maporma at mayroong bitbit-bitbit na isang bouquet ng flowers. Hindi ko matanaw yung mukha niya kase nakatago iyon sa may likod ng bouquet.

"Sino yan?" takang tanong ni Marie isa ko ring pinsan.

Dahan-dahan itong pumasok habang ang lahat ay bakas ang pagtataka sa bawat  mukha nila.

My world shaking. The silence was breaking. Pakiramdam ko bumagal yung oras ngayon. Nag-slow motion ang lahat nung makita ko ang mukha ng isang lalaki na nagpa-iyak sakin na halos sobrang  tagal.

"Gabriela, kumusta!" sabi niya habang nakangiti ng malaki.

"A-anong gi-ginagawa mo dito?" pautal-utal kong tanong. Sino ang nag-imbita sa kanya tsaka paano niya nalaman na nandito kami nakatira?

Inabot niya sakin yung isang bouquet ng bulaklak tapos pinaupo ko sya sa may sofa na may espasyo.

"Namiss kita!" mabilis niyang sagot habang nakangiti.

Napangiti ako ng bahagya tapos napansin iyon ni Mitch. "Asus, after kang lokohin niyan nakukuha mo pang kiligin!" nakita niya kase akong nakangiti tapos nagba-blush kahit na may blush on ako.

"Axxxel, paano mo nalaman 'tong tinitirhan namin dito sa Batanes?" I asked tapos kinuha ni Dennis yung hawak kong bouquet. "Salamat!"sabi ko rito.

"Ikinuntsaba ko kase'tong pinsan mong si Dennis." he said habang nakatingin dito.

Napatango lang ako habang si Dennis naka-peace sign at nakangiti. "Kaya pala?" ani ko habang napapatango.

Maya-maya pa biglang pumasok si John na naka-toxido tapos may hawak na helmet. Gwapings siya ngayon. Ngumiti ako sa kanya at agad niya rin ako sinuklian ng isang malaking ngiti.

"Gwapo natin ngayon ah!" pagbibiro ko pero gwapo naman talaga promise.

"Hindi naman." nahihiyang sagot niya.

Pagpasok niya, nakita niya si Axxxel ang ex kong hindi ko alam kung bakit siya nandidito. Nagngitian silang pareho kahit hindi nila kilala ang isa't-isa.

"May bisita ka pala?"

"Oo John." I said. "Si Axxxel nga pala. Ex ko!" pagpapakilala ko dito.

Napatango-tango siya na may  halong pagtatakang expression. Siguro iniisip nya ngayon na sino ba namang tanga ang iimbitahan ang ex-boyfriend niya sa kasal ng kanyang magulang?

The Stepbrother (Published Under F&L Publishing)Where stories live. Discover now