Shet, baka magising yung mga tulog.

"Hoy!" pinagkakalbit ko sila. "baka magising yung mga tulog!" dagdag ko pa.

"Nekekeleg eke!" pabebeng pagkakasabi ni Maui.

Kung pwede ko lang dagukan ang mga ito ginawa ko na kaso hindi eh.

Kaya ngayon, naniniwala na ako sa kasabihan na wala talagang sikreto ang hindi nabubunyag kapag tsismosa na ang nakaharap.

Matapos kong makipag-usap sa mga tsismosa kong relatives nagsimula na akong maghanap ng matutulugan ko. Halos narating ko na yung second floor kaso wala manlang ako nakitang espasyo na magkakasya ako. Sardinas na kami right now, first to second floor siksikan na kaya saan pa ako lulugar? Gabriela Custodio mag-isip ka ng paraan para makatulog.

Riiiinnnngggg!!!!!!

Nang makita ko sa screen yung unknown number dali-dalian ko itong sinagot para malaman kung sino ito. Tinap ko yung answer sa may screen. Mabuti may signal.

Ako: "Who's this?" tanong ko rito.

Caller: "Si John Mark 'to!"

Ako: "Ahhh, napatawag ka?"

Caller: "Pwede ba kitang sunduin ngayon?" pakiusap niya.

Ako: "Bakit anong meron?" taka kong tanong.

Caller: "Magpapatulong lang sana ako sayo?"

Ako: "Oh sige. Nasaan ka na ba?"

Caller: "Nasa tapat nyo!"

Sumilip ako sa pinto tapos nakita ko siyang kumakaway habang nasa kabilang tenga niya yung kamay niyang may cellphone.

Ako: "Kanina ka pa?"

Caller: "Hindi naman. Labas ka!" utos niya sakin.

Bago ako lumabas ng pinto. Tinignan ko muna yung mga kasama ko rito kung tulog na. Isa-isa ko silang tinignan tapos nung mahimbing na ang kanilang pagkakatulog lumabas na ako ngunit nakasalubong ko si Uncle na kanina pa eh hindi pa pala nakakapasok.

"Saan kayo pupunta?" takang tanong ni Uncle Toto sabay tingin sa wrist watch niya. "10:00 pm na oh!" dagdag niya.

"Uncle magpapatulong lang daw si John." I answered.

Tinignan ni Uncle si John mula ulo hanggang paa. "Sino siya?" nagtataka paring tanong nito.

"Oo nga po pala. I'm John Mark Salvador, anak po ni John Paul Salvador yung papakasalan po ng Mommy niya!" sabay turo sakin.

Napatango si Uncle. "Ah. Pero gabi na di ba?"

"Kaya nga po. Kung ayaw nyo po siya payagan. I respect your decision po!" he said.

"No. Basta mag-ingat kayo!" paalala ni Uncle saka siya pumasok sa loob ng bahay.

*****

Bandang alas onse na ng gabi nung makarating kami sa bahay nila John. May kalakihan 'tong bahay nila tapos ang aliwalas tingnan.  Ang daming mga frame sa mga pader, quotations at mga bible verses. Wow, maka-Diyos naman pala pero hindi halata.

The Stepbrother (Published Under F&L Publishing)Where stories live. Discover now