Taong 2016 nung ma-meet ni Mame si Tito Paul sa Maynila. Secretary si Mame sa isang malaking company doon sa Maynila. Base sa kwento ni Mame, habang nilalakad niya yung hallway sa may company na pinagtatrabahuhan niya nakasalubong nito si Tito Paul na tila litong-lito dahil mayroon daw itong hinahanap na tao. Kinausap ni Mame ito para tulungan na mahanap ang gusto niyang makita. Samakatuwid, nang malaman ni Mame kung sino ang hinahanap nito laking gulat niya na iisa lang pala ang pupuntahan nila at iyon si Mr. Choi, president of the company. Nagsabay silang pumunta kay Mr. Choi tutal iisang direksyon lang naman daw ang pupuntahan nila.

Makalipas ang maraming araw, habang naka-online si Mame sa social media mayroong isang lalaki ang nagchat sa kanya. Isang 'hello' ang nabasa namin that time. Nang tignan namin ang account nito, naalala ni Mame ang itsura nito. Siya daw yung lalaking tinulungan niya that time.

Sa mga sumunod na araw, unti-unting nakakaramdam si Mame ng kung ano sa lalaking halos araw-araw niyang nakaka-usap sa video call hanggang sa dumating yung araw na nanligaw ito at agad ding sinagot ni Mame. Syempre gwapo. Nung na meet ko siya dito sa Batanes hindi ko agad siya nakilala kase iba yung mukha nya sa social media at sa personal kaya hindi ko siya nakilala agad.

The reason kung bakit kami pumunta dito dahil sa lalaking ito at hindi sa vacation daw,  gusto kase ni Mame na muling makita ulit yung lalaking 'to. Nais din niyang makausap ito ng personal para makausap at maka-bonding na din.

Matapos ang humigit dalawang oras na usapan. Nagbalik normal na ulit ang loob ng bahay na tinutuluyan namin. Yung tipong walang nangyari dahil umalis na ang mag-amang Paul at John.

My Mame she look's very excited for tomorrow dahil ma-e-experience niya na muli ang makasal.

"Mame, hindi ka naman mukhang excited 'no?" biro ko sabay higa sa may sofa.

"Alam mo hindi lang excited.......excited na excited" she answered tapos dumiretso siyang kwarto habang napapasayaw.

Ganito ba talaga ang impact ng ikakasal parang may sapi? Ela mararanasan mo rin yan.

Kasalukuyang nakatitig ako ngayon sa may kisame naghihintay ng oras na dumilim at dumating na ang oras ng kasal ni Mame. Feeling ko ako yung ikakasal bukas.

Habang nakahiga ako sa may sofa mayroong tumawag sakin sa pangalan kong Gabriela medyo malaki yung boses niya na nagmumula sa may labas. Nung una akala ko ako lang yung nag-iisang  nakarinig ngunit narinig din pala iyon ni Aling Wanda na nagwawalis sa may hagdanan.

"Gabriela, may naghahanap yata sayo?" buong pangalang sabi ni Aling Wanda.

Napatayo ako ngayon para silipin sa pintuan yung boses na tumatawag sa pangalan ko. Sa pagsilip ko nakita ko si John na hingal na hingal habang nakahawak yung dalawa niyang kamay sa tuhod at pawis na pawis na tila tumakbo mula sa may Lighthouse papunta rito sa amin.

"Bakit ka bumalik?" takang tanong ko.

Nag-wait sign siya tapos humihinga ng malalim.

"May naiwan pala ako!" sabi niya habang humuhugot parin ng hininga. "Kapagod!"

Nagtaka ako sa sinabi niya kase almost ng gamit niya nadala niya na yung mask, helmet, motorsiklo. Ano pa ba yung nakalimutan niya?

"Ano naman yun? Napakahalaga ba yun para balikan yun?" seryoso kong tanong.

Tumango lang siya tapos pumasok na sa loob ng bahay.

"Ano ba yung naiwan mo ha?" tanong ko muli. Dumiretso kaming kwarto ko para hanapin yung hinahanap niyang kung anuman yun.

"Naiwan ko yung singsing ko na ibinigay pa ni mom sakin. May sentimental value kase yun kaya kailangan kong makuha yun." sagot niya sabay pasok sa may banyo.

"Nakita mo ba?" tanong ko sa kanya mula sa may labas ng banyo.

Nang marinig kong humiyaw siya ng napakalakas. Unang pumasok sa isip ko na siguro nakita niya na yung singsing pero sa pagsilip ko ng banyo nakita ko siyang may panty sa ulo siguro nalaglagan siya nito na ikinabigla niya.

"Ba-bakit  na-nasa ulo mo yung underwear ko?" patay malisya kong tanong na medyo nauutal pa. Ang pagkakaalam ko tinanggal ko na lahat ng undies ko dito bakit may natira pa? Hindi ko alam kung matatawa ba ako right now o mahihiya dahil sa nasaksihan ko na halos gusto ng bumuka nang bibig ko para tawanan siya. Ang tangkad kase.

Daliang tinanggal niya sa ulo yung underwear tapos napatingin siya sakin. "Ano ba'tong banyo mo. Bakit sobrang daming banderitas may piyesta ba?" tanong niya na medyo may naiiritang tono.

Baka naglaba si Aling Wanda kanina tapos dito sinampay yung mga undies ko. Ang alam ko talaga tinanggal ko na mga 'to e.

"FYI baka minamanyak mo yang panty ko?" pagbibiro ko pero seryoso yung tingin ko sa kanya.

"Ako?" tinuro niya yung sarili. "pag-iintrisan ko yan? My gad, asa ka!" dugtong niya pa sabay bato sakin ng underwear ko.

I shrugged. "Okay, mabuti't nagkakalinawan."

Muli naming hinanap yung singsing dito sa may loob ng banyo hanggang sa mayroon akong nakita na tila kumikinang sa may ilalim ng bowl kaya agad ko itong kinuha para tingnan.

"Wow!" unang salita na lumabas sa bibig ko. "eto ba yung singsing na hinahanap mo?" dagdag ko pa saka ko sinuot iyon para sukatin kung bagay. Whoa, bagay at sukat na sukat.

Napatingin siya sakin tapos tinignan nya yung hawak kong singsing.

"Yan na nga!" sabi niya habang nakangiti ng malaki ngunit napalitan rin ito ng mas seryosong tingin nung makita niya na suot ko ito. "Bakit mo suot iyan?"tanong niya sakin na medyo high pitch.

"Ang ganda nito." sabi ko tapos hinablot niya yung kamay ko para kunin ito.

"Amina nga yan!"

"Mamaya!"

Nagsimulang nagbilang si John kapag daw hindi ko ibinigay iyon isusumbong niya daw ako kay Mame ko.

"Please, ibalik mo na yan sakin." pagmamakaawa niya.

Lumabas ako ng pinto tapos hinabol niya ako habang tumatakbo sa kwarto ko.

"Kunin mo sakin.." pang-aasar ko habang tumatakbo at nakangiti.

"I'm begging you, ibigay mo na sakin." pakikiusap niya habang hinuhuli ako.

"Kunin mo sakin.." huling salita na nasabi ko hanggang sa mahawakan niya ako sa kamay ko at nawalan ng balanse.

"Huli ka!" he said habang nakangiti siya ng nakakaloko.

Natumba kami ng sabay buti na lang sa kama kami bumagsak ngunit sa hindi inaasahan. Hindi ko namalayan na natumba pala kami na magkapatong at nasa ilalim niya ako. This time, pakiramdam ko gusto ko na lang huminto sa pag-ikot yung mundo ko ganun din ang oras ngayon.

Nakatitig kami sa isat-isa habang magkapatong kami at hinihintay na may kumibo. Pero kung pwede nga lang  na huwag na siyang kumibo ngayon. Wag na lang.


Nang matanggal niya sa palasingsingan ko yung singsing. Hinipan niya yung buhok na nakaharang sa mata ko tapos bigla na lang siya tumayo habang ako naman nakahiga parin.

"Oh sya, uwe na ako!" pagpapaalam niya habang nakangiti pa ng nakakaloko.

Bwiset 'to hindi niya man lamang ako itinayo dito sa kinahihigaan ko. Napaka-anong kapatid 'to. Akala ko gentleman yun pala isa rin na paasa. Paasa siya tapos ako asang-asa bwiset na buhay 'to.

Angry face.

The Stepbrother (Published Under F&L Publishing)Where stories live. Discover now