Chapter 57: Love Sick (Part 2)

Start from the beginning
                                    


.


.


.


"You're the woman I love, Nicole Jane Sarmiento.."


"Oh siya. Kayo muna ang bahala ni Sir Vinci dito ah."


Waaaah!! Peste! Hindi ko kaya! Hindi ko ata kaya!!


Napatalikod ako bigla sa pintuan at napaatras ako. Nilapag ko muna ang tray na hawak ko sa table kung saan nilalagay ang mga pictures namin at pinalo palo ang ulo ko.


Bakit? Bakit kasi paulit ulit kang nagfflash back sa ulo ko? Hindi ba pwedeng maignore ka muna? Maignore ka muna sa utak ko?


Tapos eto pa. Isa pa tong kaba sa dibdib ko. Paulit ulit nalang na tumitibok sa tuwing naalala ko ang mga sinabi nya sakin nung nakaraan. Ok naman na eh. Pero ewan ko ba parang unti unti lang na nagsysync in ang lahat lahat.


Hays. Hindi pwede. Hindi pwede to. Kailangan maovercome ko to. Kailangan talagang maovercome ko tong mga to.


Pumikit ako sa mga oras na ito at hinilot hilot ang noo ko. Pagkatapos, hinawakan ko naman ang dibdib ko at sinubukan kong pakalmahin ito.


Ok. Inhale.


Exhale.


Remove the negative vibes.


Remove. The. Negative. Vibes. Whew.


Since kami lang ang nandito, kailangan na this time, masanay na talaga ako sa bagong kilos niya.


Plus, kailangan ko rin na this time, panindigan ko na talaga ang sinabi ko sa kanya na "walang mababago sa pakikitungo ko sa kanya". Kaya wag ka magulo, puso ha. Wag ka na munang dumagdag pa.


Besides, diba kaibigan mo naman na si Vinci. Alam mo sa sarili mo na kaibigan mo lang siya. Kaya wala kang dapat ipag alala kahit sinabi nya na sayo ang tunay na nararamdaman nya.


Aside from that, close rin kayo kaya dapat hindi ka mailing sa kanya. Kung naninibago ka pa, sige. Wag mo nalang isipin yung sinabi nya sa auditorium at umakto ka muna na parang wala kang narinig mula sa kanya.


Tama, Nikki. Ganyan nga. Kaya. Mo. Yan.


Whew. Nararamdaman ko na ngayon na kumakalma na ang puso ko.


Matapos kong kausapin ang sarili ko, naramdaman ko ng very peaceful na ang utak ko from the negative vibes na naramdaman ko kanina. At nang masigurado na akong ok na ako, humarap na ako pabalik sa kwarto nya at...


*creek*


...pinihit ko na ang knob ng pintuan nya.

Story of A Campus GirlWhere stories live. Discover now