Iyak at Hikbi

184 10 3
                                    

Naglakad ako papalapi sa kanya...

Sa kanyang kinauupuan at nagsalita...

" Miss, Umm...",  nanginginig ang boses ko sa kaba.

Hindi siya lumingon. Parang taon na ang lumipas na nakatayo lamang ako doon at siya'y nakatalikod sa akin. Nagulat ako nang bigla siyang humagulhol. Nanginginig ang kanyang boung katawan sa bawat hikbi niya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kung gawin para tumigi siya sa pag-iyak.

"Miss, bakit ka umiiyak? Ano ba ang pwede kong gawin?", balisa kong tanong sa kanya

Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Lumalakas ang kanyang hagulhol. May klase pa naman sa kabilang classroom. Patay!

"Tumahan ka na, please!." pakiusap ko sa kanya

Hindi ko na natiis at hinarap siya. Tumambad sa akin ang kanyang mapupulang mata at mapuputlang pisngi. Parang tinutusok ang aking puso sa bawat hikbi at tulo ng luha niya. Naaawa ako sa kanya, Alam ko malaki ang problemang dinadala niya.

Gusto ko sana siyang  hawakan at yakapin pero baka magalit siya at ipagtabuyan ako.

Nataranta ako ng biglang tumunog ang bell, hudyat na maaaring nagsisimula na ang aming klase at late na naman ako.

Mapapagalitan naman ako at kuntodo sermon ang aabutin ko. Mabuti nalang at immune na ako sa hiya.xD ..

Ayaw ko sana siyang iwan sa ganung sitwasyon at kalagayan ngunit hindi pwedeng mahuli na naman ako.

"Pasensiya ka na ah, pero kailangan ko nang umalis eh"., paalam ko sa kanya at tiningnan siya.

Wala siyang sinabi, ni hindi niya ako tiningnan. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak hanggang pati sa labas ng kanilang classroom ay dinig ko ang kanyang mga hikbi.

*****

Kinabukasan ng hapon ay napadaan ako ulit dahil nalimutan ko ang notebook ko sa classroom at nagbabakasakali na andun pa at hindi nawala.

Sa labas pa lang ng classroom nila dinig ko na ang ingay ng mga estudyante. Tumigil ako at sinilip kung naroon siya. Wala siya roon sa parati niyang kinauupuan. Ano kaya ang nangyari sa kanya? Baka may sakit siya?

Tiningnan ko ang ibang mga estudyante. Mga kaklase niya 'yun kasi namukhaan ko yung grupong babae na tinawanan ako.

Hindi ako nagdalawang isip pa na lumapit at nagtanong.

"UmH, excuse me."

Sabay-sabay silang lumingon sa akin na parang mga robot na nabigla.

"Nasaan pala yung kaklase niyo na palaging nakaupo doon sa likod at nasa last row?" sabay turo ko sa nag-iisang kahoy na upuan sa likod nila.

Nagkatinginan sila at tinitigan ako na para bang instsik ang lenggwaheng ginamit ko.

"Sino'ng kaklase ba namin ang tinutukoy mo?", tanong sa akin ng isa sa kanila.

"Yung kaklase niyo na maputi tapos hanggang balikat ang buhok. Natatandaan niyo pa nu'ng isang araw na nagtawanan kayo dahil ngumiti ako sa kanya pero sa halip inisnab lang ako>?," pagpapaliwanag ko sa kanila

"Ah, Oo, tanda na namin." sambit ng isang payat na babae

Akala ko ay magtatawanan pa sila ngunit  nagkatinginan na lamang sila at namutla.

Tumindig ang aking balahibo at napamura nang  malakas sa sunod na sinabi ng isa sa kanila.

"Alam mo, pinagtawanan ka namin nu'n kasi walang taong nakaupo doon sa direksiyon na nginitian mo. Wala naman kaming kaklaseng umuupo diyan kasi wala ng isang paa yang upuan na 'yan eh."

Tapos.

****

hahah tapos na rin.

thanks po sa nagbasa at nagustuhan ito...

Let me know po huh?yehey!xD..thanks

Last RowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon