Ang babae sa Last Row

176 10 0
                                    

Narito naman ako sa harap ng classroom at tinitingnan siya.

Lumingon siya sa mula sa mula sa pagkatitig sa bintana at tiningnan rin ako.

Walang ekspresyon ang kanyang mukha, blangko ang mga mata at parang tagos ang kanyang titig sa akin.

Nakakasindak ang tingin niya nhunit 'yun ay binalewala ko. Imbes na ako'y matakot, nginitian ko ulit siya. Tinalikuran niya ako at muling tumitig sa bintana. Naghagikhikan na naman ng tawa ang grupo ng mga babaeng kaklase niya. Siguro ay natawa sila dahil inisnab ako.

Hay buhay nga naman! hindi pa nga nagsisimula sa paglapit sa kanya isnob na agad ang beauty ko. Sa ganda kong 'to?

Napabuntong hininga na lang ako at lumakad patungo sa aming classroom kung saan matagal na palang nagturo ang aming teacher. Terror pa naman!

Palagi pa naman ang sinasabi sa akin, " You're always late, Miss Andaya! Namumuro kana sa akin, blablala"..

Kasalanan ko bang boring siyang magturo at mas gusto ko pang tingnan yung babae keysa sa kanya?

******

Sumunod na hapon ay nagpasya akong lapitan at kausapin siya. Hindi kasi ako mapakali. Hindi na bale na isnabin niya ako ulit, ang importanteng malaman niya na may kaibigan siya at ako yun.

Pagdaan ko sa kanilang classroom, nandoon siya. Nakaupo pa rin siya sa palagi niyang kinauupuan at nakatingin sa bintana. Nagtaka ako kung nasaan ang kanyang mga kaklase. Pero mabuti nga 'yun at walang makakita kung sakaling isnabin niya ako.

Naglakad ako papalapit sa kanya...

to be continued.....

vote and comments po kayo if u like this..tnx.

Last RowWhere stories live. Discover now