4th floor

243 11 1
                                    

Hi, guys!

hope u like this....

Pavote naman and recommend!.hehhe..

(credit this story to maruko)

Read, read and read....

**********

Hay nakakapagod naman umakyat ng hagdan hanggang pa  4th floor. Naubos tuloy ang mga Fats ko sa katawan.

Ganyan ang palaging routine ko tuwing hapon ng alas tres. Nasa 4th floor kasi ang classroom ko.

Tuwing hinihingal ako sa pag-akyat at hawak ng kamay ang taas babang dibdib ko para marelax ay may palaging nakapukaw sa akin.

Pag nasa 4th floor kana kasi nasa harap agad ang isang classroom. Doon ko siya palaging nakikita.

Palagi ko siyang nakikitang nakaupo sa bandang likuran ng kanilang classroom. Hindi ko alam kong nakikinig ba siya sa kanyang prof. habang nagtuturo. Siya ang naiiba. Wala kasi siyang katabi na akala mo may sakit at pinandidirihan sapagkat walang pumapansin.

Malumbay itong nakatingin sa bintana na para bang palaging may tinatanaw sa malayo.

Maputi ito, hanggang balikat ang buhok at may mga matang parang palaging iiyak. Bagay sa kanya ang kanilang unipormeng asul at puti na blouse.

Sa kanilang klase na puno ng mukhang di make-up at nakaayos, siya ang aking napuna. Gusto ko siyang  kausapin siya at lapitan at maging kaibigan na rin kung papalarin.

Ang ganda niya kasi at napakaamo ng mukha.

Hindi ko alam kung bakit pero iba siya sa kanilang lahat. Tuwing napapadaan ako sa kanilang klase, napapahinto ako at napapatitig sa kanya. Ang tahimik niyang nakaupo. Straight body kumbaga.

Nais ko siyang lapitan tuwing nakikita ko siya at iligtas sa kung anuman ang bumabagabag sa kanyang isipan. Para bang hila-hila ako ng kanyang kalungkutan at unti-unting dinudurog ang aking puso.

Isang hapon habang ako'y nakamasid sa kanya, namalayan ko na lang na matagal na pala akong parang tanga na nakatayo sa may pintuan ng kanilang classroom. Mabuti na lang at wala pa ang kanilang guro.

Napalingon ako sa isang grupo ng kanyang mga kaklase dahil ang mga ito ay ay biglang nagtawanan.

"Ayos ka lang ba? Para kang nakakita ng multo, ah.," tanong sa akin ng isa sa kanila.

"May tinitingnan lang ako" sabi ko .

Bago ako umalis ay tiningnan ko ulit ang babae at nakita kong nakatingin din siya sa akin. Nginitian ko siya...

*****

next update po mamaya.haha..

ayaw ko na kasing maghintay kayo.....

Last RowWhere stories live. Discover now