prologue

42 3 0
                                    

the dream

"park!"

agad siyang nagising nang marinig niya ang malakas na boses ni kyungsoo. Nang madilat niya ang mga mata niya, agad na sumalubong sakanya ang kalangitan, at ang mukha ng manager niya. Then he remembers. The plane crashed. Water. Water. Water and more water. Natatandaan niya kung papanong hindi siya makahinga, kung papano sila nagkahiwalay ni baekhyun ng mga sandaling yon.

"Ah!" ang hawak niya sa ulo niya. Kinapa niya ang ulo niya at nakaramdam siya ng sobrang lagkit, tinignan niya ito at dun niya nalaman na dugo pala ito.

"Shit." ang mahinang mura ni kyungsoo. "Ayos ka lang ba? Sobrang sakit ba ng ulo mo? Chanyeol? Chanyeol, naririnig mo ba ako?"

Tinignan lamang niya si kyungsoo, ang manager niya na alalang alala na nakatingin sakanya. Madungis at madami daming sugat din ang mukha nito. And then, he remembers baekhyun. Agad nanlaki ang mga mata niya at lininga linga ang paligid. Silang dalawa lang ni kyungsoo ang nasa lugar nayon. Walang sign ni baekhyun.

"Kyung! Si baekhyun?" ang kinakabahan at naluluha nitong tanong. Natahimik si kyungsoo na agad namang ikina-inis ni chanyeol kaya hinawakan niya ito sa kwelyo ng mahigpit. "Asan si baekhyun!?"

"Park, you need to calm down!" ang higit niya sa kamay ni chanyeol. "As you can see, we're stuck in an island! Hindi ko alam kung nasan si baekhyun at ang iba chanyeol! We could only hope they survive the crash and are alive-- chanyeol!" nagulat si kyungsoo nang nagpumilit si chanyeol na tumayo. Pasuway suway ang lakad nito at umiiyak na nakahawak sa damit malapit sa dibdib niya. Napaluhod siya ng mapaharap siya sa dagat. This is real. Hindi siya panaginip lang na kung saan ay gigisingin na siya mamaya ni baekhyun. Tahimik ang dagat at tirik na tirik ang araw. Sa mga oras nato, iniisip niya kung saan hahanapin si baekhyun. Ang daming tumatakbo sa utak niya na sinabayan pa ng sakit galing sa pagkakauntog niya sa loob ng plane. He needs to find baekhyun, he needs to find him alive.

"Chanyeol, maupo ka muna!" ang pagpapakalma ni kyungsoo kay chanyeol. Humikbi lamang ito na tumingin sakanya habang nakasandal sa batuhan. May hawak hawak na damit si kyungsoo sa ulo nato para maiwasan ang pag-bawas ng dugo. Namumutla na kasi si chanyeol at hinang hina na. Sinabayan pa ng pagkawala ni baekhyun. "Kailangan mo munang magpahinga, chanyeol. Naririnig mo ba ko? Kapag naging maayos kana, saka natin hahanapin si baekhyun. Ok? chanyeol?"

Unting unting humihina ang boses ni kyungsoo, hanggang sa napapapikit nalang siya sa sobrang antok... o panghihina. And then, everything just blacks out.

.

gusto kong mag-artista. ang bulong sakanya ni chanyeol. napatingin lamang sakanya si baekhyun nang nakakunot ang noo. well, gwapo naman ang boyfriend niya, kaso ang taas naman ng pangarap nito. sa dinadami ba naman ng pwedeng gustuhin, yun pang pag-aartista. Binalik niya ang focus niya sa ginagawa niyang assingment, actually! assignment ni chanyeol. Masyado kasing tamad ang boyfriend niya pag-dating sa acads, ang alam lang nito ay puro lakwatsa, sali sa mga liga sa basketball, at dota. Minsan lang talaga maglaro si chanyeol nang mga computer games, mainit daw kasi sa computer shop, at ang daming trash talker. Nahahawa daw siya. Marelihiyoso pa naman ang nanay niya, at striktong pinagbabawalan sila sa pagmumura.

"So, redi ka na bang iwan ako?" ang taas kilay na tanong ni baekhyun. Umayos ng higa si chanyeol at inunan ang hita ni baekhyun sa ulo niya. Nginitian siya nito. Natatandaan pa niya yung una nilang pagkikita, ang awkward. Magsyota pa sila nun dati ng ex-bestfriend nya. Its a long story, mahaba para i-kwento lahat ngayon.

"Hindi no. Sus." ang pikit ni chanyeol sabay crossed-arm. May mga bagay na gabi gabing pinagpapray ni chanyeol. Katulad nalang nito, kasama niya si baekhyun. Masaya na naguusap sa mga bagay bagay. Kung ano na bang lagay ng relasyon ni luhan at xiumin, kung kamusta na si wufan na kababalik lang ng china nitong nakaraang linggo..
Kung anong gusto nilang gawin sa future, kung anong gusto nilang gawin ng magkasama in the future. Simple lang talaga ang mga bagay na gustong gawin ni chanyeol. He just want baekhyun by his side kahit na ano man ang mangyari. Kung san man sila mapadpad. Kahit pa ma-stuck sila sa isang island na punong puno ng mga pating! Basta, magkasama sila. 

And then, something strange happened. Nakaramdam siya nang basa ng mahawakan ng kamay niya ang sahig. parang may yelong natunaw o kung anong bagay kaya agad siyang napa-tayo ng nakakunot ang noo. Tumingin siya sa di kalayuan, medyo maaninag mo kasi ang banyo sa pwesto nila. At narinig niya ang malakas na tunog ng gripo dun. Mula sa pintuan ng banyo, biglang may lumabas na napakaraming tubig na agad na ikinainis ni chanyeol. Si mama talaga! Palaging nakakalimutan na patayin ang tubig sa banyo!

"Baek, sinong nagpapapuno ng tubig sa c.r?" ang tanong ni chanyeol na akmang tatayo. Liningon niya si baekhyun ngunit wala na ito sa usual place nya na agad ipinaktaka niya. Bigla tuloy siyang kinilabutan. "Baek? Bee!?" ang tayo niya agad nang biglang nabalutan ang sahig ng tubig. Mabilis ang pag akyat ng nito, nanlalaki na ang mga mata ni chanyeol at kinakabahan nadin siya. Asan si baekhyun. Anong nangyayari. May baha ba? Parang hindi siya makagalaw sa pwesto niya, para siyang hinihila pababa. And then, from the bathroom. Someone shouted his name. Agad na napaharap si chanyeol sa direksyon at dun lang siya nakagalaw. It was baekhyun. Tumakbo siya papunta sa bathroom, binabaha na ang sala at kusina, at iniisip niya na baka may kung anong abnormal na nangyayari sa c.r, nang buksan niya ito ay agad siyang napasigaw ng malakas. He saw an island, a big island. Sa di kalayuan, nakita niya si kyungsoo. Si kris! At ang mga iba pang hindi niya kakilala. But they're all... dead.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 07, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

missing yeolWhere stories live. Discover now