Part 11

9.9K 320 8
                                    


LUMUBOG na ang araw nang magbalik sina Alaina at Randall sa mansiyon. Pagkagaling kasi nila sa swimming pool naglakad-lakad muna sila para matuyo ang mga buhok nila. Maaliwalas pa rin ang ekspresyon sa mukha ni Randall habang nasa sasakyan sila pauwi kaya kahit si Alaina may ngiti sa mga labi.

Subalit nang huminto na sa tapat ng front door ang limousine at makita niya na naghihintay sa labas ng pinto ang mayordoma na si Yolly ay nawala na ang ngiti niya. Kahit si Randall naramdaman niyang natensiyon at naging seryoso na naman ang ekspresyon sa mukha. "Something happened while we are outside," biglang sabi pa ng lalaki habang hinihintay nilang buksan ni Salem ang pinto sa tabi nito.

"Paano mo nalaman?" takang tanong ni Alaina.

"She never waits infront of the door unless something happened. You can go back to what you should be doing for now, Alaina. See you tomorrow morning?" tanong ni Randall na lumambot ang ekspresyon sa mga mata nang bumaling sa kaniya.

Ngumiti si Alaina at tumango. Bumukas ang pinto at tila nagsuot na naman ng maskara si Randall na nawalan ng ekspresyon ang mukha nito bago tuluyang bumaba ng limousine. Napabuntong hininga na lang tuloy siya bago umibis din ng sasakyan at sumunod sa lalaki.

"Master Randall, your father called while you were out. He wanted you to call him back as soon as you can," imporma ni Yolly nang nasa pinto na sila.

Sumulyap si Alaina kay Randall dahil naramdaman niyang natensiyon ito at lalong sumeryoso ang mukha. Bumalik ang kalamigan nito na katulad noong una silang nagkita. Kumibot ang mga labi niya dahil parang gusto niya itong aluin subalit napansin niya ang pasimple ngunit matamang pagtingin sa kaniya ng mayordoma kaya agad niyang inalis ang tingin kay Randall at tumikhim. "I'm going back to the kitchen, Master Randall," usal niya na hindi tumitingin sa lalaki.

"Do that," tipid na sagot lang nito at nagpatiuna nang pumasok sa loob ng bahay. Mabilis na sumunod kay Randall si Yolly. Napabuntong hininga siya nang mawala sa paningin niya ang dalawa. Ilang sandali ang lumipas nang may tumapik sa balikat niya. Gulat na napalingon siya at nakita ni Alaina si Salem na nakatayo sa likuran niya. May inilahad itong paper bag sa kaniya. "Your swimsuit," tipid na sabi ni Salem.

"Ah. Thank you," sagot ni Alaina at kinuha ang paperbag.

"You should go in and keep that before anyone sees it," sabi ni Salem bago tumalikod at naglakad din papasok sa mansiyon. Napakagat labi siya at nayakap ang paperbag. Isang pangungusap lamang ang sinabi ni Salem subalit damang dama niyang malaman iyon. Hindi maaaring malaman ng kahit na sino ang namagitan sa kanila ni Randall maghapon kasi hindi iyon tama. Sa lugar na iyon, si Randall ang master at siya ay anak lamang ng tauhan doon. Hindi siya dapat napapalapit ng ganoon sa amo nila. Ang kaso, hindi niya mapigilan ang puso niya na palaging hinahanap ang presensiya ng lalaki.

Tila may kumurot sa puso niya subalit agad din siyang umiling ng marahas upang hamigin ang sarili. Kipkip iyon sa dibdib niya na nagmadali nang pumasok sa loob si Alaina.

"WHERE have you been? You know how important time is for me but when I called you, you were not at home," iritableng sita ng ama ni Randall nang tawagan niya ito kinagabihan.

"I just got out for a change," sagot na lang niya.

"That's dangerous."

Napabuntong hininga si Randall at lumabas sa veranda ng kaniyang silid. "I'm with Salem and I'm inside Jumeirah Islands. Nothing will happen to me. Why did you call anyway?" pag-iiba na lamang niya sa usapan para hindi na maungkat ang isang pangyayari sa nakaraan na ayaw na niya maalala.

"Your mother and I will be going there with an event organizer. It will be your nineteenth birthday at the end of the month and I want to hold the party there."

Tumiim ang mga bagang ni Randall. Alam ng kaniyang ama na ayaw niya ng party. Pero kahit tumanggi siya wala rin namang mangyayari. After all, alam niyang nagpa-pa-party lamang ang mga magulang niya hindi para sa kaniya kung hindi para sa mga business associates ng pamilya nila. "The fact that both of you are available at the same time only means that you have important visitors," sabi na lamang niya.

"Yes. We invited high ranking politicians and royalties from Europe. They are possible business partners. We will be there next week. One of my secretaries will send the information about our business deals with them to your email. Work on that until we arrive," sagot ng kaniyang ama.

"Yes, father." Iyon lang at tinapos na ni Abel Qasim ang tawag. Agad na ibinaba ni Randall ang telepono at humiga sa kama. Sa tawag lamang ng kaniyang ama ay napawi na bigla ang saya na kanina lamang niya naramdaman matapos ang ilang taon. Bumalik ang bigat ng responsibilidad na bata pa lamang siya ay iniatang na ng kaniyang ama sa mga balikat niya. Bukas ay balik na naman siya sa pagbabasa ng mga papeles na bahagi ng training niya bilang tagapagmana ng kayamanan ng pamilya niya.

But at least, I will see her tomorrow morning again. Sa naisip ay gumitaw sa isip ni Randall ang nakangiting mukha ni Alaina. Unti-unti ay napalis ang bigat ng pakiramdam niya. Lalo na nang maalala niya ang buong araw na magkasama silang dalawa. It was the most enjoyable day he ever had since forever. Iyon din ang unang beses na inalis niya ang invisible barrier niya laban sa ibang tao. Hinayaan niya ang sariling mapalapit kay Alaina, maambunan ng masaya nitong disposisyon at mainitan ng matamis nitong mga ngiti. He even allowed himself to touch her and be touched by her. And since then until now he's craving for more of her.

Hindi pa siya sigurado kung handa na siyang ibigay ang buong pagtitiwala niya sa babae. Ang alam lang niya ay mula nang una niyang makita si Alaina ay hindi na ito nawala sa isip niya. Na gustong gusto niyang kasama ito. Kaya sa ngayon hahayaan niya ang sariling makita at makausap ang babae.

Ipinikit ni Randall ang mga mata. Hinayaan niya ang sariling makatulog at hindi na nagtaka nang si Alaina ang naging laman ng panaginip niya.

REMEMBER YESTERDAYWhere stories live. Discover now