(6) PAG-IBIG

74 0 0
                                    

Ano nga ba ang pag-ibig?

Paano ba ito nararamdaman?

Sabi ng iba ... Masarap daw sa pakiramdam??

-----

Ilan lang to sa mga katanungan ko noong bata pa ako.

Pero nasagot ang lahat ng iyon nung nakilala kita.

Ipinaranas mo sakin ang kasiyahan na sinasabi ng ibang tao noong bata pa ako.

Ipinaramdam mo sakin na mahalaga ako sa buhay mo.

Ipinaramdam mo sakin na hindi lang ako basta ordinaryong tao para sayo.

Ipinaramdam mo sakin na iniibig mo ako.

Pero ang pag ibig na ipinadama mo'y kay bilis namang naglaho.

Ang pag-ibig na akala ko'y habambuhay ko ng mararanasan kasama ka.

Ang pag-ibig na inakala kong palagi kong mararanasan sa tuwing kapiling ka.

Ang pag-ibig mong panandalian lang pala.

Ang pag-ibig mong nag iwan ng pilat sa aking puso.

Ang pag-ibig mong nag turo sa akin ...

Nag turo sa akin kung ano ba talaga ang tunay na kahulugan ng pag-ibig.

------

Ang pag ibig ay hindi lamang tungkol sa pagmamahal. Ito'y tungkol din sa tiwala, pag-unawa, pagiging isa, pagiging tapat at ang pagtanggap sa tunay na katayuan at antas ng pamumuhay. Ang pag-ibig ay ang nagtuturo sa atin tumanggap.

Tumanggap ....

Ang tanggapin na hanggang doon nalang ang pag-iibigan nyo.

Ang tanggapin na hindi talaga siya para sayo.

Ang tanggapin ang katotohanan na hindi kayo ang itinadhana.

Ang tanggapin na panandalian lang ang pag-iibigan ninyo.

Random SpeechWhere stories live. Discover now