(8) PAALAM [10-Garnet]

49 0 0
                                    

Paalam/Pamama-alam. Ito ang kadalasang kinahahantungan ng maraming bagay.

Bakit nga ba kaylangan nating magpa-alam?

--------

May mga bagay kasi na hindi talaga para satin kaya tayo nagpapaalam.

May mga bagay din kasi na itinadhana na makita at mahalin natin pero hindi naman pala tunay na para sa atin.

Ang bawat pamama-alam ay may katumbas na salitang 'iwan'

Pwedeng permanenteng pamamaalam.

Pwede rin namang panandaliang pamamaalam.

Ngunit sa ating paglisan. Alam ko sa sarili kong hindi na muli tayong magkakasama-sama.

Alam ko sa sarili ko na pwedeng ito na ang huli.

Alam ko sa sarili ko na kapag namaalam ako sa inyo'y panibagong buhay ang nakahanda para sa bawat isa sa atin.

Ngunit hindi ako namaalam ...

Sapagkat ayokong putulin ang ugnayan natin ...

Nais kong ipagpatuloy ang buhay ko ng kasama ko pa rin kayo ...

Hindi nga lang katulad ng dati. Ngunit alam kong nanjan lang parati kayo.

Kaya't kung maaari ...

Sana'y walang mag bago ...

Ang pahayagang ito'y alay ko sainyo ...

10-D. Garnet

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Apr 07, 2018 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

Random SpeechOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz